Isang araw bago ako umalis papuntang South Africa –pumunta akong mall para mamili ng mga personal things na kakailanganin ko habang nandoon ako sa mission –nang laking gulat ko pag-uwi sa bahay ang daming tao –actually hindi naman ganun ka dami exagg lang ako –mga kaibigan ni kuya na mga kaibigan ko na rin nandoon –pati yung sa Cebu –ewan ko bakit nung nakita ko si Biggel agad na hinanap ng mata ko si Slater.
Beniso ko sila isa-isa hangang sa ayun nakita ko na rin ang hinanap ng mata ko nakaupo siya sa may sulok –nilapitan ko naman –hi –sabi ko sa kanya
Hello –ganting bati naman nya with matching smile pa –tumayo sya sa kinauupuan nya at lumapit sa akin
Nagulat ako sa gesture niya dahil akmang hahalikan nya ako -umiwas pa ako –tapos naalala ko beniso ko pala yung iba kaya nilapit ko yung face ko nagbeso kami –pero na shock talaga ako kasi lumapat yung lips nya sa gilid talaga ng lips ko –pero syempre hindi ako nagpahalata sa mga nandoon –grabe lang ang tibok ng puso ko –di ko maipaliwanag –kinabahan ako bigla –kaya nilayo ko na face ko sa kanya –ngumiti ako pero pilit
Ayun nagkasayahan na –pero bago ako naki join sa kanila nag-excuse muna ako kasi ilalagay ko pa sa luggage ko yung pinamili ko -mamaya na kasing umaga ang alis ng team eh –sobrang saya lang ng mga kaibigan namin ni kuya Carlo
Dumating na ang oras na kailangan ko nang umalis –sobrang touch ako sa mga kaibigan ni kuya dahil kahit wala pa silang tulog sinamahan talaga nila si kuya na naghatid sa akin sa airport doon na kasi kami magkita-kita ng iba ko pang kasama –at talagang hindi sila umalis hangat hindi pa dumating ang mga kasamahan ko –at oras na para magpaalam dumating na kasi ang mga kasama ko kaya beniso ko uli silang lahat –huli ko na naman nabeso si Slater dahil ewan ko parang nagpahuli din sya eh –tapos may inabot siya sa aking maliit na paper bag –hindi ko na muna tiningnan kasi paalis na kami kaya siniksik ko nalang siya sa luggage ko –tapos pumasok na kami sa loob ng airport
Habang nasa South Africa ako kahit saglit napanatag ang loob ko 3 weeks din na hindi ako mag-alala sa mga maaring mangyari sa buhay ko
Samantalang ang ama ni slater ay napapadalas ang pagluwas sa Manila para bisitahin ang kapatid nito –dahil may trabaho si Slater hindi siya lage nakakasama sa amang nagpupunta sa Manila- kaya habang wala ang ama at weekend naman nagpasya siyang tawagan ang mga kaibigan para mamasyal sana pero may mga gagawin daw sina Kevin, Jessica at Biggel –kaya nagpasya nalang syang mamasyal mag-isa –ewan daw nya kung bakit parang may sariling isip ang sasakyang minaneho nya at dinala sya papuntang Tambuli Resort
Habang naglakad-lakad daw sya sa dalampasigan naaalala nya yung araw na napulot nya yung bote –simula noon daw kasi nagbago na lahat hindi na bar ang lage nyang pinupuntahan kon di mga beach at resort na –at nahilig na sya pati magpupulot ng kung anu-ano sa pagbabaka-sakaling may mapupulot pa uling message in the bottle na karugtong ng una nyang napulot at ituro sya sa may nagmamay-ari nyon –habang naiisip nya ang mga bagay nayun di nya maiwasang matawa
Hangang sa marating nya ang kinalalagyan ng duyan –at muli na naman syang napangiti nang maalala ang muntikan nang mangyaring halikan namin noon –at napailing nalang sya tsaka sumakay sa duyan –hawak hawak nya ang bote at kinakausap pa ito
Alam mo –kausap nya sa bote na akala mo eh tao ang kausap nya –sana si Tin ang nagmamay-ari sayo dahil gusto ko na sya –mahal ko na nga ata eh –pero paano ka? -hindi man kita kilala at di pa man kita nakita pero pakiramdam ko may koneksyon tayo - tsaka pano naman din kaya mangyayaring si Tin ang nagmamay-ari sayo eh sobrang busy na tao yun malamang hindi magkakaroon ng time yun para ilagay at itapon ka sa dagat no? –tinanong nya pa ang bote
Hindi namalayan ni Slater na gumagabi na pala –nakatulog kasi siya sa may duyan –buti nalang at tumunog ang kanyang cellphone –ang papa nya ang tumawag sa kanya –kaya agad nya itong sinagot

BINABASA MO ANG
Message in the Bottle
Fiksi PenggemarHow would you feel when you learn that your parents set you to marry someone whom you don’t know and you don’t even meet? Would you agree because it’s a family tradition or would you find a way to oppose?