Good Morning –masiglang bati sa akin ni Slater pagka gising ko –breakfast in bed –dugtong pa nito –at tinanggal ang nakatakip na puting tela sa food-cart
Anong meron bakit may breakfast in bed –tanong ko sa kanya habang umanat-unat ako
Bakit bawal bang pagsilbihan ang mahal kung reyna? –nakangiti nyang sabi at dumukwang para bigyan ako ng halik –kunyari nag magic trick pa at may hinugot na puting rosas mula sa kanyang dibdib –for you my queen –saad nito ng iabot sa akin ang isang tangkay ng bulaklak
Ikaw nagiging corny ka na ha –ano ba kasing meron? –tanong ko ulit pagkatangap ng white rose -hinila nya ako papunta sa kinalalagyan ng pagkain –pinaghila nya pa ako ng upuan at nilagyan ng pagkain ang plato ko at nag-umpisang magsubo sa akin –Slater ako na –agaw ko sa kutsara na hawak nya –maupo ka nalang at kumain na din –utos ko sa kanya
Ah-ah –ang tangi nya sabi sabay iling -hindi pweding mapagod ang reyna ko ngayun
Mapagod? –bat naman ako mapapagod –pero hindi nya na ako sinagot basta patuloy lang sya sa pagpapakain sa akin –feeling ko tuloy imbalido ako –pero hwag ka kinilig ako ng sobra ikaw ba naman ang ipang handa ng breakfast in bed tapos subuan pa ng pinaka gwapong asawa kung di ka ba naman malusaw sa kilig
Bakit? –tanong nya
Ha? –anong bakit? –balik tanong ko naman di ko alam kung bakit sya biglang nagtanong e wala naman akong sinabi
Bakit ka nangingiti? –nakangiti rin nyang tanong
Wala naman kinilig lang ako –nag chuckle pa ako –mabilis na halik at yakap ang binigay nya sa akin -matapos kung kumain niligpit nya na ang pinagkainan ko –para talaga akong may sakit
Dito ka lang ha hwag kang lumabas bawal –bilin nya pa sa akin
Ha? –bakit? –nagtataka kong tanong sa sarili ko –kasi nakalabas nya sya –out of curiousity sumunod ako –hahawakan ko palang ang door knob ng bumukas ito uli
I told you di ka pwedi lumabas tigas ng ulo –sabi sa akin ni Slater na hindi pa pala lumayo sa pintuan –ikaw ha –dagdag nya ng makapasok sya ulit sa kwarto –gusto mo bang malock dito sa kwarto –sabi nya habang yakap ako papuntang kama
Tumama na ang mga binti ko sa dulo ng kama at wala na akong maatrasan pa –dahan dahan nya akong hinalikan at pinaupo sa kama at unti-unting inihiga –binuhat nya ang likuran ko sa isa nyang kamay para ipwesto ng maayos –tapos bigla syang umalis sa pagkakaibabaw sa akin at kinomutan ako
Dito ka lang hwag matigas ang ulo babalik ako agad –sasagot sana ako ng bigla naman nya diniinan ang labi ko ng isa nyang daliri –please!!! –nag beautiful eyes pa ito –promise saglit lang to –at tuluyan ng lumabas
Hindi ako mapakali sa loob ng kwarto para akong sinisilihan na hindi ko mawari –ano bang nangyayari sa labas bakit bawal ako –may problema ba? –pero parang wala naman kasi masaya naman sya nakangiti naman –pero bakit bawal akong lumabas hindi naman ako preso dito? –hays ano na naman kaya ang pakulo nila –si Angela kaya nasaan? -hays first time kung hindi nabati ng good morning ang anak ko ah –naku Slater umayos ka talaga sinosolo mo ang bata ha –humanda ka talaga sa akin oras na pwedi na akong lumabas –baliw na yata ako kinakausap ko na sarili ko –pero bakit nga ba ayaw akong palabasin ni Slater anong meron? –balik ko na namang tanong –hay naku makaligo na nga lang
Tapos na akong maligo at magbihis wala pa ring Slater o kahit na sino ang pumasok sa kwarto para naman sana sabihan akong pwedi na akong lumabas –napagod nalang ako sa kakaisip kaya humiga ako pero yung mga binti ko nanatiling nakalapag sa sahig –hindi ko namalayan nakatulog na pala ako kahit basa pa ang buhok ko
BINABASA MO ANG
Message in the Bottle
FanfictieHow would you feel when you learn that your parents set you to marry someone whom you don’t know and you don’t even meet? Would you agree because it’s a family tradition or would you find a way to oppose?