Diane tawag ni Unad sa anak –napansin na naman kasi nito na ang lalim lalim ng iniisip habang nakatingin sa kawalan
Tay –banayad na sagot nito sa ama –tinabihan lang ito ng ama sa pag-upo nakatanaw din ang matanda sa kawalan –haayyyyyy
Ang lalim noon anak ah –saad ni Unad habang malayo pa din ang tingin
Tay –hindi na nakatiis si Diane –mapapatawad nyo kaya ako? –makahulugang tanong nito sa ama –walang nakuhang sagot si Diane mula sa ama –Tay kasi nagsinungaling ako sayo –sa inyo ni Eric –doon lang nakuha ng ama ang atensyon ng anak
Anong ibig mong sabihin Diane?
Tay sorry po ah –kasi ikaw lang naman ang inaalala ko eh kaya hindi ko sinabi pero hindi na po kaya ng konsinsya ko tay
Diane diretsahin mo ako –ano ba yang bumabagabang sa kalooban mo
Tay kasi –mahabang katahimikan muna ang bumalot sa mag-ama bago muling nagsalita si Diane sa pagkakataong ito sinalubong nya na ang matitilis na tingin ng ama –ginagap nya ang mga kamay nito –Tay kasi nakita ko masaya ka kasama sya –hindi na napigil pa ni Diane ang mga luha kusa itong kumawala mula sa kanyang mga mata -Tay
Nakikinig ako –maiksing sagot nito
Sorry po talaga Tay –niyuko ng dalaga ang kanyang ulo bago nagpatuloy sa sasabihin –matagal ko na pong alam ang tungkol sa tunay na pagkatao ni Eric –biglang napatayo si Unad nang marinig ang sinabi ng anak –Tay –muling hawak ni Diane sa mga kamay nito –nung nabalitan ko excited akong umuwi galing ng bayan magihit isang taon na ang nakakaraan para ipaalam sayo at lalong lalo na kay Eric –ngunit nang makita ko kayong masayang magksama na nagtampisaw sa dagat naduwag ako tay –kasi iniisip ko magiging malungkot kana naman pagnawalan kana naman ng isa pang anak kahit na hindi natin sya kaano-ano
Paano mo nagawang itago ito Diane –putol ng ama sa nagsasalitang anak –mahigit dalawang taon na nangungulila ang pamilya ni Eric sa kanya –dalawang masakit na taon –pero ito tayo masaya na nakasama natin sya
Tay –sorry po
Saan –sino –paano natin sya maibabalik sa pamilya nya –matigas na boses na tanung ni Unad
Sa Cebu –taga Cebu si Eric tay –Slater Lee ang totoo nyang pangalan tay at yung napulot nyang larawan ng bata –anak nya yun tay at yung Tin ang asawa nya
Diane –hindi kita pinalaking maging makasarili –mataas pa rin ang boses nito
Tay alam ko kaya -------kaya lang
Kaya lang ano? -na iniisip mo ang nararamdaman ko? –eh yung nararamdaman ng pamilya nya naisip mo ba? –Diane hindi ko alam kung saan ako nagkulang ng pangaral sayo –hindi ko inakala na magagawa mo to –mag-impake kana bukas na bukas din ihahatid natin si Eric sa pamilya nya –at tinalikuran na ito ng ama –naiwan namang umiiyak si Diane
Naalimpungatan si Slater sa kanyang pagsisista ng hapong iyon ng marinig ang mataas na boses ni Unad kaya bumalikwas ito ng bangod –lalabas na sana ito nang makitang nag-uusap ang mag-ama at medyo galit ito sa dalaga –samot saring katanungan ang bumalot sa kanyang pagkatao –ano kaya ang nangyayari sa kanila –may kinalaman kaya ito sa akin –o baka naman may boyfriend na itong si Diane at nilihim nya at ngayun ay alam na ni tatay –nang makitang papasok ng bahay ang matanda babalik na sana ito sa kanyang kwarto dahil baka sabihin ng huli na nakikinig siya sa usapan nilang mag-ama –ngunit huli na dahil nakita na sya ng matanda
Ipagpa-umahin nyo po tay –hinging paumanhin nito kaagad sa matanda na magkasalubong pa rin ang mga kilay –hindi ko po sinasadya narinig ko kasi na medyo tumaas yung boses mo kaya pinagsino ko pero tay wala po akong narinig sapinag-usapan nyo ni Diane –patuloy ni Slater
BINABASA MO ANG
Message in the Bottle
FanfictionHow would you feel when you learn that your parents set you to marry someone whom you don’t know and you don’t even meet? Would you agree because it’s a family tradition or would you find a way to oppose?