Chapter 12

911 10 11
                                    

Ginugol namin sa pagsuswimming, pamamasyal ang buong maghapon naming iyon kasi luluwas na ulit kami ng Manila kinagabihan

Paalis na kami nila kuya Carlo, Jerico at Kim –nasa labas na sila Kevin, Jessica at Biggel –nagtataka ako kung bakit hindi nila kasama si Slater –kaya tinanung ko sila

Guys nakita nyo si Slater? –tanung ko

Oi----di pa man nakaka-alis na mis nya na ang prince charming nya –tukso pa ni Jessica sakin

Di nga Jess –where’s Slater –magpapaalam lang sana ako hindi ko kasi nasabi sa kanya kanina na ngayun na ang alis namin eh –pahayag ko pa para sabihin nila kung nasaan siya

Alam naman siguro ni pareng Slater na ngayun na ang alis nyo kasi nagpag-usapan naman yun kanina –sagot naman ni Biggel

Baka nasa kwarto nya princess –sabi naman ni kuya –sige na puntahan mo na baka nakatulog yun

Nilapag ko yung dala kung bag at pinuntahan ang cottage ni Slater –katok ako ng katok pero walang sumasagot –Engr. nandyan ka ba? –tanung ko pa –pero wala pa ring sumasagot –kaya sinubukan kung pihitin ang pinto buti nalang at bukas ito –inikot ko ang paningin ko pero walang tao –kaya pumasok ako baka nasa banyo lang –Engr. –tawag ko sa kanya –Slater nasaan ka? –aalis na kami nasaan ka ba?

Lalabas na sana ako ng may mahigit ang mga mata ko na isang bagay sa loob nang nakabukas na bag ni Slater –dahil sa pagtataka ko unti-unti akong lumapit sa kinaroroonan ng bag nya upang klaruhin ang bagay na nakita ko

Hindi nga ako nagkamali –parehong-pareho ang bote na nasa loob ng bag ni Slater sa bote na tinapon ko sa dagat –para makasigurado ako na yun nga yung tinapon ko dahan-dahan ko syang kinuha habang nanginginig ang mga kamay ko

Nang unti-unti ko ng naanggat ang bote hindi ko na napigil ang sarili ko napaluha na lang ako dahil ito nga yung message in the bottle ko –napaupo ako sa kama ni Slater habang hawak-hawak ko pa rin ang maliit na bote –bakit sa kanya pa? –tanung ko sa bote na hawak ko pero nakangiti na ako habang may mga luha paring kusang kumawala sa mga mata ko –kaya ba parang ang lapit ng loob ko kay Slater –kausap ko parin sa bote –kasi may pinanghahawakan pala siyang bagay na nagmula sa akin –kaya pala parehas kami ng pakiramdam kapag magksama kami –may nagkonek pala sa amin –kaya pala sa tuwing magseset si dad ng time para makilala na namin yung taong gusto nya for me laging si Slater ang nandyan para irescue ako –pero nasaan ba siya? -tanung ng isip ko –hangang sa naalala ko ang duyan –baka nandun siya –kaya dali-dali akong lumabas ng cottage at tumakbo palabas

Princess –tawag ni kuya sa akin –nang makita nya akong tumatakbo –anung nangyari? –nasaan si Slater? –sunod-sunod na tanung ni kuya

Hahanapin ko pa kuya wala siya sa kwarto niya eh –sandali lang –at tumakbo ako papunta sa kinaroroonan ng duyan

Anung nangyari dun –tanung ni Jerico –dahil siguro nagtaka sila sa ikinikilos ko

No idea –sagot naman ni Kim

So I guess kailangan muna natin maupo at hintayin yung dalawa –kung anu man ang nangyayari sila lang ang nakaka-alam nun –sabi naman ni Kevin

Hindi nga ako nagkamali nandun lang siya sa may duyan –kaya agad ko syang tinawag –Engr. pero hindi ko alam –ang hina ng boses ko –kaya lumapit pa ako sa kanya –tumayo ako sa harapan nya –siguro naramdaman nya na may tao dahil nakapikit ito –agad naman syang nagmulat ng mata

Doc –saad nya ng umayos na ito sa pag-upo –akala ko ba aalis na kayo? –tanung pa nito

Tinitigan ko lang siya –tapos maya-maya tinaas ko yung maliit na bote –saan mo napulot ito? –kilan? –mga tanung ko naman sa kanya instead na sagutin ko yung tanung nya kung bakit di pa kami umalis

Message in the BottleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon