Babe dahan dahan naman –sita sa akin ni Slater –gawa ng kumain na agad ako -matapos kasi ng kasal namin dun lang din sa lawn ginanap ang reception –gusto nya asikasuhin muna namin ang mga bisita –pero grabe gutom na gutom na ako kanina pa nagdo-door bell ang mga alaga ko sa tyan buti na nga lang at naki celebrate sila kanina habang sinasagawa ang kasal at hindi sila naglikot –isipin nyo naman kaninang umaga pa nya ako pinapakain e anong oras na kaya
Babe –they will understand I’m sure like me they are starving too –look anong oras na –sabay taas ko ng aking kaliwang braso nakalimutan ko wala naman pala akong soot na watch –kaya napapangiti nalang ako –you better eat first then later na natin sila asikasuhin may mga usherettes naman e –sabi ko pa habang patuloy sa pagkain
Umupo na rin si Slater sa tabi ko at nagsimula ng kumain –ilang saglit lang may kumalampag na baso at kutsara –alam na ang ibig ipahiwatig nun –agad namang humarap sa akin si Slater at ngumuso –tinaas ko ang kamay ko na parang nagsasabing –wait lang –tapos yung isang kamay ko inabot ang microphone na nakapatong lang sa table namin
Are you sure you want us to kiss in front of you? –biro ko sa kanila –na lalo pang nilakasan ang pagkalampag ng mga baso’t tinidor or kutsarang hawak nila
Lets give them what they want –bulong ni Slater sa akin
If I know this is your instruction to them –ganting bulong ko naman pero magkadikit ang mga pisngi namin
Kiss-kiss sigaw ni kuya Carlo na tumayo pa –wala na akong nagagawa kiniss ko nalang si Slater –balak ko sana hindi –dun man lang makaganti ako sa ginagawa nya sa akin kanina –pero wala e mahina ako sa tukso dahil sa totoo lang kanina ko pa sya sana gustong bigyan ng isang matamis na halik dahil sa ginawa nyang surpresa
The kiss went long siguro ilang seconds din ang tinagal nun –tumigil lang kami sa paghahalikan ng marinig namin ang palakpakan –masayang nag kwentuhan ang mga naroon hangang sa inabot na nang gabi doon lang kami sa pinagdaosan ng kasal nagkakasayahan –nagsasayawan –para ngang hindi na kami ni Slater ang center of attraction inagaw na ng anak namin kasama nya si Marcus grabe lang ang sayaw na ginawa nila naka-ilang palit naba ng damit ang mga batang ito
Nang magtakip silim -tinawag ni Slater ang mga panauhin namin sa gilid ng green house at binuhat nya ang isang fire lantern –akala ko kanina decoration lang yun –yun pala may gagawin pala kami -kanya-kanyang sindi ng fire lantern yung iba pares-pares yung iba gusto magsindi ng sarili talaga nila agad na tumakbo sa amin si Angela at meron syang binigay sa Dada nya na nakatuping papel para isabit doon sa lantern –kinuha ko mula sa kamay ni Slater ang papel at sinilip –drawing nya parang family portrait isang lalaki –isang babae at isang bata nasa gitna ng babae at lalaki hawak ang magkabilaang kamay –nakasulat Meme Angela Dada –ni-roll ko ulit yung papel at inabot kay Slater tapos kinarga ko na ang anak ko –at pinopong ng halik –na miss ko to e –halos buong araw kung hindi nayakap ang anak ko
Matapos matali ni Slater ang gawa ni Angela –siya naman may kinuha mula sa bulsa nya picture naman namin –ang daya naman ako wala –reklamo ko –sige ikiss mo nalang to –sabi ni Slater sabay lapit sa bibig ko yung dalawang espesyal na kaparesong papel na nakakabit sa fire lantern
Dada ako din kikiss ko –reklamo din ni Angela –okay at kailangan si Dada din kikiss –tapos ayun na si Slater na rin mismo ang nag bilang at sabay sabay na naming pinalipad –ang gandang tingnan parang mga alitaptap sa gabi –kinuha ni Slater si Angela at sya na ang nagbuhat sa bata at inakbayan nya ako habang nakatingala parin kami sa pinalipad naming lantern –hangang sa unti-unti nang nagpaalam ang mga bisita namin –pero bago sila pinayagan ni Slater isa isa nyang binigyan ang mga iyon ng souvenir which is message in the bottle style
BINABASA MO ANG
Message in the Bottle
FanfictionHow would you feel when you learn that your parents set you to marry someone whom you don’t know and you don’t even meet? Would you agree because it’s a family tradition or would you find a way to oppose?