Pagkatapos makausap ni kuya Carlo si dad –nagpahinga na rin kami lahat -dahil parang ang haba-haba ng araw na iyon para sa amin at sobrang tension pa –lalo na sa part namin ni Slater –pagkapasok ko sa kwarto agad akong kumuha ng dalawang towel yung isa inabot ko kay Slater –mauna kanang maligo –sabi ko pero hindi ako nakatingin sa kanya –busy ako sa paghalungkat sa mga damit na nandun –buti nalang at may mga iniwan kaming gamit sa tuwing nagpupunta kami dito –may nakita akong malaking t-shirt at short –yun yung nilabas ko para kay Slater –wala namang problema para sa akin kasi ako lage ang gumagamit sa kwartong ito kaya halos lahat ng gamit na nandito ay gamit ko –paglingon ko akala ko pumasok na si Slater sa banyo yun pala nakahiga lang dun at pinapanood ako sa ginagawa ko
O ayaw mong maligo? –tanung ko sa kanya
Gusto –sagot naman nya
Oh bakit di ka pa pumasok sa banyo –sabi ko naman sayo mauna ka na at pagkatapos mo ako naman
Gusto ko kasi sabay tayo –at tumayo ito mula sa pagka-higa at lumapit sa akin
Kinabahan ako sa gesture niya –kahit ba sabihing asawa ko na ito ngayun -kinakabahan talaga ako eh –hoy -hwag ka ngang pa cute dyan –yung ayaw mong maunang maligo di ako muna gagamit ng banyo –lalagpasan ko na sana siya pero bigla nyang hinarang ang isa nyang kamay at pinulupot sa beywang ko –grabe lang ang bilis ng takbo ng puso ko –pero syempre hindi ako nagpahalata –mamaya iisipin pa nitong kinikilig ako
Ikaw,,,,, –sabi nya habang dalawang kamay na ang nakapulopot sa beywang ko –kung kilan kasal na tayo –tsaka naman ako naging hoy nalang para sayo –sakit nun ha –nag pout pa sya –sige na sabay na tayo –nag wink naman ito ngayun
Eh,,,, –ang tangi kung nasabi
Eh anu? –ulit nya sa sinagot ko –nahihiya ka sa akin noh? –panunukso nya pa –oi ang doctor princess ko nahihiya sa engr. prince nya
Napayakap na rin ako sa kanya –pano ba naman gumalaw sya eh parang matutumba ako–hangang sa nagsasayaw na kami pero wala namang tugtog
Masaya ka ba? –tanung nya sa akin –at hinalikan ako sa ulo
Oo naman –sagot ko sa kanya –eh ikaw? –hindi ka ba napilitan lang? –hinawakan ko yung mukha nya sa isang kung kamay
Kinuha nya ang kamay ko at hinalikan iyon –syempre masayang-masaya dati pa naman gusto ko na ang ginagawa ko para sa atin eh –ito pa kaya na asawa na kita –sabi pa nya
Pero magiging masaya kaya tayo sa sitwasyon nating ito? –tanung ko naman
Sabi nga ni pareng Carlo –wala nang magagawa ang daddy mo dahil kasal na tayo –kapag nakakuha na tayo ng kopya ng marriage certificate natin haharapin na natin ang daddy mo
Si papa mo pala –pano mo sa sasabihin sa kanya ang tungkol dito? -tanung ko sa kanya
Hwag mong alalahanin si papa mabait yun at hindi yun nangingi-alam sa mga desisyon ko lalo na pag personal ang pinag-uusapan –siguro magtatampo yun dahil hindi ko agad pina-alam sa kanya pero alam ko magugustuhan ka nun –mabait ka eh, maganda at matalino –mababaw lang naman ang pangarap ni papa sa akin ang makatagpo ako ng babaing magmamahal sa akin ng lubos katulad ng pagmamahal ni mama kay papa
Swerte mo naman hindi nangingi-alam ang papa mo sa mga desisyon at kung anu ang gusto mo –lage lang syang naka suporta sayo –sana ganun din si daddy –sana papa ko nalang ang papa mo –sabi ko pa naging sentimental na ako eh
Ay sandali lang -hindi mo pweding maging papa ang papa ko dahil kung nagkataon tayo ang magkapatid –sabay halik sa noo ko –biro lang nagiging senti ka na naman kasi eh –bagong kasal tayo dapat masaya ka –hindi yang ang dami mong iniisip –tsaka kaya siguro ganyan ang daddy mo dahil mayaman kayo –diba kapag mayaman ang isang pamilya gusto rin nila mayaman ang mapapangasawa ng mga anak nila
BINABASA MO ANG
Message in the Bottle
Fiksi PenggemarHow would you feel when you learn that your parents set you to marry someone whom you don’t know and you don’t even meet? Would you agree because it’s a family tradition or would you find a way to oppose?