Chapter 37

485 9 12
                                    

Matapos makapag lunch nagsimula nang dumating ang mga kaibigan namin at pamilya ko para salubungin si Slater –unang dumating sina Biggel at Lyn

Pareng Slater sigaw agad ni Biggel habang papasok ng gate ang mag-asawa

Tumingin sa akin si Slater –parang nagpapasaklolo kung sino itong dumating

Siya si Biggel yung kasama nya si Lyn wife nya bulong ko naman sa kanya

Sinugod sya ni Biggel ng yakap –na niyakap naman rin nito ng asawa ko hindi pa man nakaupo ang bagong dating ng dumating din sina Kevin at Jessica kasama ang kanilang anak –medyo natandaan na ni Slater ang mga bagong dating –nagyakap din sila

Matapos magkamustahan mababakas sa mukha ng mga kaibigan namin ang pagtataka kung bakit hindi ganon kagiliw si Slater sa kanila –tipid na ngiti lang kasi ang nagagawa ni Slater walang kwento kung tanungin puro okay lang ang sagot

Pagdating ng iba guys merong mahalagang sasabihin sa inyo si Slater –sabi ko sa kanila –tumayo muna ako para tumulong sa paghanda ng meryenda –sumunod naman si Jessica sa akin sa kusina

Tin anong meron

Jess –hindi ko napigil ang sarili ko napayakap ako sa kanya –Slater has an amnesia hindi nya tayo natatandaan –kwento ko sa kanya –kahapon pinakita namin sa kanya yung mga pictures natin yung mga video –pero walang kahit na anong sign na nagpapakita na kahit konti meron syang naa-alala

God –bulalas ni Jess after kung magkwento –at hinigpitan nya ako ng yakap –are you okay? –is tito John okay? –tanong nya sakin

I’m not –were not Jess but we have too –we need to show him that we’re strong and we’re just here to guide him

Inangat ni Jess ang mukha ko –Tin hindi kayo nag-iisa alam mo naman na handa kaming tumulong di ba –kahit na nandito kami araw-araw gagawin namin yun kung mapapadali ang pagbalik ng ala-ala ni Slater

Mam nandyan na po yung mga magulang mo –imporma ng katiwala namin kaya lumabas kami ni Jessica

Slater iho -oh God I’m glad you’re okay –bungad ni Daddy –kumusta ka ha? –anong nangyari bakit ka nawala? –saan ka ba napunta we’ve been searching you pero di ka namin mahanap

Dad –putol ko sa mga tanong ni Daddy kay Slater –nilingon ko si papa John na kasunod naman sina Mang Unad at Diane

Who are they Christine? –tanong ni Mommy –pero hindi na ako sumagot nang magsalita si papa John

Maupo muna tayo –si papa John na ang nagsalita –inabot ni Slater ang kamay nya sa akin para tumabi sa kanya –ito si Unad at ang anak nya si Diane –umpisa ni papa John –sila yung tumulong kay Slater –salamat sa inyo saad ni Daddy –tatayo sana ito nang pigilan ni papa John –pareng Alvin sandali lang –siguro naman napapansin nyo na parang ibang Slater ang kaharap natin ngayun –lahat naman ng mata dumako kay Slater na parang inaanalisa ang sinasabi ni papa John

Tito what do you mean? –tanong ni Kuya Carlo

May amnesia si Slater –patuloy ni papa John –lahat ng naroon ay nagulat pero ni isa walang nagsalita

Sorry –basag ni Slater sa katahimikan

No son you don’t have to say sorry –ako ang patawarin mo kung hindi sana kita pinapunta sa Davao hindi ito mangyayari sayo –I’m so sorry –saad ni Daddy kay Slater habang inilang hakbang nito ang pagitan nilang dalawa

Okay lang sir sigurado naman din ako na hindi mo ginusto ang nangyari –sagot naman ni Slater

I’m not your sir iho –ako si Daddy Alvin mo –pagpapakilala ni Daddy sa sarili –ako ang ama ng asawa mo kaya tatay mo na rin ako –bukod pa dun mag bestfriend kami ng papa mo –sabay tingin nito sa kinaroroonan ni papa John –ito pala ang bestfriend mo na kapatid mo narin si Carlo –pero paglingon ni Daddy sa kinaroroonan ni kuya wala na ito doon nakita nalang namin na naglakad si kuya palayo sa grupo na nakapamaywang ang isang kamay habang ang isa naman ay nakapatong sa kanyang batok

Message in the BottleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon