Nakasanayan na ni Slater ang sumama kay Unad pumalaot pero isang araw hiniling nyang hindi na muna sya sasama at masama ang kanyang pakiramdam -kaya hiniling nalang din ng matanda sa anak na si Diane na hwag na sumama para matingnan si Eric -pumayag naman ang huli pero sa kondisyon na hindi magtatagal ang matanda sa laot
Habang naghahanda si Diane ng kanilang pananghalian -napansin nyang lumabas si Slater at nagtungong baybay hinayaan lang nya ito dahil naikwento naman ng kanyang tatay na masaya ang lalaki kapag nasa dagat -sinilip silip nya nalang ang huli hindi naman din ito masyadong lumayo abot naman ng kanyang paningin
Sino ba talaga ako? -nasaan ang pamilya ko? -bakit ako napunta sa lugar na ito? -mga tanung ni Slater sa kawalan habang isa-isang binato sa dagat ang mga maliliit na batong napulot sa gilid ng kanyang inuupoan -matagal na kaya akong kasal? -habang hwak nya ang singsing sa kanyang daliri at inikot ikot ito -may anak o mga anak na kaya ako? -pano ko sila hahanapin? -hinanap kaya nila ako? -tulungan mo naman ako usal nyang dasal -pakiramdam ko dito sa laot ko matatagpuan ang kasagutan sa mga tanung ko pero kilan at papano?
Eric -tawag ni Unad mula sa di kalayuan -bakit ka nandyan akala ko ba masama ang pakiramdam mo bakit hindi ka nagpahinga -pansin ng matanda kay Slater nang ito ay umuwi
Okay lang po ako tay Unad -saad nito habang lumalapit sa kararating lang na matanda at tinulungan nya itong ibaba ang mga huling isda at nilagay sa banyera -napatingin uli si Slater sa dagat bago nya tinuloy ang ginagawang pagtulong nang magsalita ang matanda na nakapagbalik ng kanyana balintataw
Ikaw ba talaga ay sigurado na okay ka lang baka naman masama talaga iyang pakiramdam mo pero tinatago mulang dahil nahihiya ka -Eric hindi ka pabigat samin ni Diane -para ka na ring membro ng pamilyang ito -malaking pasasalamat ko sa iyo at dito ka napadpad sa lugar namin dahil napunan mo ang pangungulila ko sa bunso kung si Eric -kaya kung may iniinda ka man sabihin mo sa amin para matulungan ka naman namin kahit papano
Tay okay lang po talaga ako -sobra sobrang pasasalamat ko nga po sa inyo ni Diane at tinuring nyo akong kapamilya -sana nga lang hindi magtagal at bumalik na ang ala-ala ko
Yaan mo anak sa darating na buwan dadalhin kita sa bayan para mapatingnan ka sa Doctor kung gano kalala ang amnesia mo
Pero tay wala po tayong sapat na pera para sa doctor -hwag nalang po pilitin ko nalang alalahanin ang nakaraan ko
Basta ako nang bahala dun -sige na dalhin mo na yang lambat dun sa kubo ako na bahala dito sa banyera
Tay -Eric tapos naba kayo dyan nakahain na ako -tawag sa kanila ni Diane mula sa kusina
Eric isabit mo nalang yan dyan at ewan mo na kakain na magmadali ka -utos naman ng matanda kay Slater
Kinagabihan hindi makatulog si Slater -kahit anung gawin nya ayaw talaga sya dalawin ng antok kaya nagpasya na lamang syang lumabas -tahimik ang paligid tanging huni ng mga kuliglig lang ang maririnig pati ang dagat sobrang tahimik -naglakad-lakad lang sya sa baybayin -hangang sa naisipan nyang maupo nalang dun -maya-maya lang ay humiga sya sa buhangin at tiningala ang langit kung saan nakatunghay sa kanya ang maliwanag na sinag ng buwan
Alam kung malaki ang maitutulong mo sakin para makabalik ako sa pamilya ko -sana sa lalong madaling panahon mangyari yun -matapos umusal ng dasal umupo muli si Slater at nakatingin sa malinaw na dagat -hangang sa may mapansin itong lumulutang sa hindi naman kalayuan sa kinaroroonan nya -dahan dahan nya itong nilapitan abot hangang bewang nya na ang tubig
Sa mga nakalipas na buwan halos araw-araw dinadala ko sa tabing dagat ang anak ko di naman din kasi kalayuan samin ang beach sa baba lang ng kinatatayuan ng clinic ko -isang araw na isipan kung gumawa ulit ng message in the bottle baka sakali na mag connect muli ang landas namin ni Slater sa pamamagitan nun
BINABASA MO ANG
Message in the Bottle
FanfictionHow would you feel when you learn that your parents set you to marry someone whom you don’t know and you don’t even meet? Would you agree because it’s a family tradition or would you find a way to oppose?