Chapter 10

804 10 6
                                    

Isang araw naka-received kami ni kuya Carlo ng message galing kina Kevin at Jessica pinapapunta kami sa Cebu hindi naman sinabi kung bakit –kaya si kuya agad na nagpaalam kina mommy at daddy dahil kinabahan daw siya bakit silang dalawa parehas ang laman ng text –at dahil nasa trabaho pa ako tinawagan na ako ni kuya kung makakasama ba ako sa Cebu –sabi ko naman oo pero baka hindi ako makasabay sa kanya di pa kasi tapos duty ko –buti nalang nagpasya si kuya na hintayin nalang ako –wala kasi din si ate Wendy bumalik na uli sa trabaho after a long vacation

Pagdating naming sa airport si Slater at Biggel ang sumalubong sa amin –agad silang tinanung ni kuya kung anu ba nangyari sa dalawa nilang kaibigan

Pare anu ba meron dun sa dalawa kinabahan naman ako at parehas talaga ang laman ng mensahe nila –tanung ni kuya kila Slater at Biggel

Sa kanila ka nalang magtanung pareng Carlo –sagot ni Biggel

Slater –baling ni kuya kay Slater –bakit ba? -may alam ka ba?

Carlo –sagot naman ni Slater kay kuya –don’t panic malalaman nyo din –sabay tumingin siya sa akin –sila lang ang pweding magsabi sa inyo eh mahigpit na pinagbawal na hwag kami magsalita –dagdag pa nito

Tara na saan ba sila –sabi ni kuya

Pare relax –sabi ulit ni Slater sabay inakbayan si kuya at giniya na kami papunta sa sasakyang dala nila

Habang nasa byahe tahimik lang akong nakikinig sa usapan nilang magkaibigan –nang mapansin ko ang tinatahak naming lugar medyo pamilyar na kasi sa akin –minsan na kaming  nakapunta dito –sa isip ko kaya lang nakalimutan ko ang pangalan ng lugar –buti nalang sa di kalayuan may natanaw akong sign board na nagsasaad na welcome to Tambuli Beach Resort –at yun nalala ko na

 Pagdating namin sa mismong resort nandun na pala sina Jerico at Kim –agad naman kaming sinalubong ng dalawa

Hi bati nina Kim at Jerico sa amin ni kuya tapos nung nag beso kami ni Kim tinanung ko sya

Kilan pa kayo dito?

Kagabi pa –pagkareceived ko kasi ng test ni Jess at Kevin kinabahan ako kasi parehas eh –kwento ni Kim –kaya pumunta agad ako dito

Eh si Jerico sabay ba kayo? –tanung ko pa ulit kay Kim habang naglalakad na kami papunta sa cottage  

Hindi kami magkasabay –pero pagdating ko sa airport dito sa Cebu dun na kami nagkita sabay na kaming sinundo nila Slater at Biggel

Eh nasaan na sina Jessica at Kevin? –tanung ko pa ulit

Maya-maya lang nandito na rin yung dalawa may inasikaso lang

Hindi nga naglaon dumating na yung magkasintahan –sobrang saya lang ng aura nilang dalawa magka holding hands pa habang papalapit sa amin

Guys –pasigaw na tawag ni Kevin medyo may kalayuan pa kasi sila –maraming salamat sa pagdating nyo ha –tsaka pinagpatuloy yung sasabihin ng makalapit na sila ng tuluyan sa kinaroroonan namin –alam ko nabigla namin kayo ni Jess –alam ko din si Carlo nag-hysterical to eh

Will guyz –sabay tinaas ni Jessica ang kamay na may soot na singsing  na napakalawak ng ngiti

Oh My God –sigaw naman ni Kim –tsaka ito nilapitan at nikayap –kaya tumayo na rin kaming lahat para yakapin si Jess at Kevin

So pare kilan ang kasal ha? –tanung ni kuya kay Kevin –kayo –tinuro turo ni kuya ang magkasintahan –okay gimik nyo ha pinakaba nyo muna kami bago malaman –good job to both of you –nagtawanan nalang ang lahat sa reaksyon ni kuya

Masaya naming pinagsaluhan ang nakahandang hapunan –masaya din naming pinagkwentuhan ang nalalapit na kasal nina Jess at Kevin –at sinama nga kaming lahat sa entourage –and they wont accept no as an answer kaya sa ayaw at sa gusto namin wala kaming choice

Message in the BottleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon