Chapter 5

863 9 5
                                    

Ilang buwan din ang lumipas naging masaya ako –sa pagbakasyon ni Divine at Pamu –sa mga bago kung kaibigan –sa trabaho ko –halos nakakalimutan ko na ang plano sa akin ni Dad –akala ko magtatagal pa yun pero hindi pala kasi isang araw kina-usap ako ni Daddy-

Christine anak –sabi ni Dad habang nilalapitan nya ako sa may pool nagswimming kasi kami ni kuya Carlo at Mommy –sa susunod na araw ipakilala ko na sayo ang anak ng kaibigan ko –bumalik na kasi siya sasabihan nalang kita kung kilan sila makaka punta dito

Hindi ako nakapagsalita tinitigan ko lang si Dad –lumangoy naman palapit sa kinaroroonan ko si kuya at si Mommy

Dad –sabi ni kuya I thought you gonna give Christine her time

Oo nga naman Alvin –sabat naman ni Mommy –akala ko ba nagkakaintindihan na tayo tungkol sa bagay na yan –tama na naman ang pangingi-alam sa mga bata –may sarili na namang mga isip ang mga yan –patuloy pa ni Mommy

Cindy –tayo ang mga magulang kilan ba natin ginusto ang hindi maganda para sa mga anak natin –tingnan mo nga, di ba si Roy masaya sa pamilya nya nagkamali ba tayo sa pagpili kay Casey na maging asawa ni Roy? –di ba hindi naman? –patuloy pa ni Dad –tingnan mo si Carlo di ba masaya naman siya kasama si Wendy

Dad kaya nga- si kuya naman ng salita –pumayag na kami ni kuya Roy sa gusto mo di ba –Dad maawa ka naman kay princess hindi pa sya handa eh –saka na siguro Dad when she reach 24 or 25 marami pang pangarap yan eh

Bakit Son –kapag ba nag-asawa sya titigil na ba ang mundo nya –magpapatuloy pa rin naman ang buhay ni Christine eh –gusto ko lang masigurado ang kapakanan nyong mga anak ko yun lang ang gusto ko –pahayag pa uli ni Daddy –at umalis na ito

Pag-alis ni Daddy tumalon ako sa pool matagal ako sa ilalim –hindi ako magpapakamatay ha -mahal ko kaya ang buhay ko kahit pinapaki-alaman ng Daddy ko -pagkaahon dumapa ako sa pool side tapos hinayaan ko na kumawala ang mga kuha ko

Dinaluhan naman ako nila Mommy at kuya Carlo pero hindi sila nagsalita tinabihan lang nila ako.

Naisip ko nung mga sumunod na araw bahala na lang kung anu mangyayari –hindi ko nalang iisipin –pero hindi ko pa rin maiwasan na hindi mag-isip eh –ayoko ko talaga sa idea na ang Dad ang pipili ng lalaki para sa akin –panu kung ipilit talaga ni Dad na yun ang mapapangasawa ko –panu kung hindi ko sya matutunan mahalin –panu kung hindi rin nya ako magustuhan –pano kung magugulo lang ang mga buhay namin –panu kung puro away lang kami –ang dami kung tanung –sige ipagpalagay na natin na mabait siya pero pipigilan naman nya akong magtrabaho –hindi ko kaya kayang iwan ang trabaho ko- mahal ko ang trabaho ko at masaya ako dun.

Isang araw nasa medical mission ako –biglang tumawag si Dad kilangan ko daw umuwi ng maaga at dumating na ang kaibigan nya susunduin daw namin sa airport para doon palang magkakilala na kami

Dad nasa medical mission po ako eh- bukas pa ng hapon ang balik namin sa Manila –paalala ko kay Daddy

O eh di bumalik ka nalang bukas dyan may sasakyan ka namang dala di ba? –pagpupumilit ni Daddy

Wala po dad nasa parking lang ng hospital ang car ko isang sasakyan lang kasi ang gamit namin –sabi ko

Eh nasaan ba kayo at ipasusundo nalang kita sa driver

Ang kulit ng daddy ko gusto nya talaga masunod lahat ng gusto nya –kaya napadasal ako na sana bumagyo –ang sama ko anu –eh wala na kasi akong ibang maisip na maging hadlang sa nalalapit na pagkikita eh

Gusto ko nang may makakausap ng mga oras na iyon kaya nag-isip ako kung sino pwedi kung matawagan –hindi naman kasi pwedi si Divine at Pamu dahil nagpapahinga na sila sa mga oras na yun –kaya naisip ko si Jerico gusto ko lang tumawa ng mga sandaling iyon –kaso naka off ang phone nya eh.

Message in the BottleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon