Chapter 1

1.2K 13 14
                                    

Umpisahan ko ang kwento ng buhay ko nang isang araw bigla nalang na open ni daddy ang topic tungkol sa pag-aasawa –araw iyon ng lingo family day namin nasa lawn kami ng aming bahay nag barbeque.

Carlo nakausap ko na ang parents ni Wendy at napag-usapan na namin ang inyong nalalapit na kasal –sabi ni daddy kay kuya Carlo (si kuya syempre nagulat although alam nya na ikakasal sila ni ate wendz pero hindi nya na-anticipate na pati pala sa pag schedule noon parents pa rin namin ang magpaplano)

Dad di ba sabi ko naman kapag ready na ako, kami ni Wendy mismo ang magpaplano ng kasal namin –gusto namin kami ang pipili ng schedule ng kasal, simbahan –gusto namin maging hands-on sa preparation –dad ibigay nyo na sa amin to –pakiusap ni kuya kay daddy

Pero kilan Carlo gusto ko sana sa lalong madaling panahon para ang kay Tin naman ang maayos ko.

Nagulat ako sa sinabi ni daddy –actually kaming lahat -22 lang kasi ako at ang dami ko pang plano sa buhay gusto ko pa magtayo ng sarili kung clinic gamit ang sarili kung pera -pero hindi ako nakapag react tumulo nalang basta ang luha ko nakita iyon ni kuya Carlo at kuya Roy pati ni mommy.

Dad Tin is too young to get married –sabi ni kuya Roy ako 28 na noong pinakasal mo –si Carlo naman 26 na sya but si Tin….-Dad naman give her time to enjoy her life –yakap parin ako ng dalawang kung kuya

Bumulong sa akin si kuya Carlo –don’t worry princess kung pipilitin ka ni daddy at kung kilangan namin gumawa ng aksyon ni kuya itatakas ka namin di bali nang magalit sya sa amin. –kaya tama na ang iyak pumapangit ka.

Nangiti na rin ako sa sinabi ni kuya Carlo kaya tumahan na ako pero wala na akong gana kaya pumasok na ako sa loob ng bahay diritso sa kwarto ko at doon pinagpatuloy ang pag-iyak.

Bakit ganun uso pa ba ngayun ang arrange marriage? –wala sa sarili kong naisulat ang mga katagang iyon sa isang stationary pad na tweety bird -collector kasi ako ng stationary pad simula grade school ako halos doon na nauubos ang baon ko –pati sila kuya yun lage ang regalo nila sa akin kapag birthday ko –ni roll ko yung sinulat ko tapos nilagay ko sya sa empty bottle ng perfume tapos tinakpan at nilagay sa bag ko.

Araw-araw kung naiisip ang bagay na yun tungkol sa pag-aarange nila sa kasal naming magkakapatid –naiisip ko panu kung sa pagkakataong ito makapili sila ng hindi kasing bait nila ate Casey at ate Wendy syempre lalaki yung ipapartner sa akin hindi naman parehas ang ugali ng lalaki at babae diba?

Dumating uli ang araw ng family day naming eh nataon na birthday ni kuya Roy at gusto nito na sa resort kami mag-celebrate nakabili kasi sila ni ate Casey ng resort sa Pangasinan –at mahilig kasi magtampisaw sa tubig ang anak nilang si Asher.

Ewan ko ba kung bakit noong nag-empake ako ng mga gamit kung dadalhin eh dinala ko pati yung message ko sa bottle –habang napagod ako sa paglalakad sa tabing dagat umupo ako sa may bato –tapos kinausap ko yung bottle –sana totoong may prince charming noh tapos darating siya at iligtas ako. –hindi ko alam kung bakit yun ang lumabas sa bibig ko –iligtas saan at kanino?- tanung naman ng kabilang bahagi ng utak ko –nababaliw na ata ako kakaisip sa maaring mangyari sa mga susunod na araw –tapos tinapon ko na sa dagat yung bottle tiningnan ko nalang sya habang inaanod ng alon.

Lumipas ang mga araw napapansin na ng mga kapatid ko at ni mommy ang pag-iiba ko hindi na daw ako ang dating masayahin at palakwentong Christine.

Princess sabi ni mommy hwag mo masyado iisipin ang balak ni daddy mo this time mag e-intervene na ako nyan your too young pa and I know that  -your kuya’s are here hindi ka nila pababayaan okay –don’t think it too much baby.

Nangiti ako sa sinabi ni mommy medyo lumuwag na din ang pakiramdam ko na malaman na hindi ako pababayaan nila.

Parang bumalik na rin sa dati ang takbo ng buhay ko, trabaho –bahay minsan sumasama ako kina ate Wendy at ate Casey sobrang close na din sila. Ininvite si ate Wendy at kuya Carlo ng kaibigan nilang si Kim birthday kasi nito at sinama naman kami ni ate Casey kakilala din kasi ito ng huli –pagdating namin sa bahay nila Kim pinakilala nila ako sa mga kaibigan –ang saya ng barkadahan nila ako kasi wala akong masyadong kaibigan eh si Divine lang at si Pamu ang ka close ko kaklase ko sila noong college sa iba kung medical subject kaya lang mas pinili ni Pamu na magtrabaho sa ibang bansa habang si Divine naman ay sa kanilang company din nagtrabaho.

May pinakilala sila sa akin si Jerico gwapo ito at mukhang mabait naman –nakagaanan ko kaagad siya ng loob halos siya nga lang ang kakwentuhan ko buong gabi –makulit din kasi sya at dahil kaibigan din sya ni kuya Carlo at ate Wendy.

Pag-uwi namin patulog na ako medyo napagod ako kahit wala naman akong ginawa kundi ang tumawa lang sa mga kwento nila ng biglang may nag text –number lang ang nakita ko hindi ko kilala kung kanino galing – pagbukas ko ito ang message “hi princess are u asleep? Just want u to know that I have a great night chatting wid you hope to see u soon, Jerico.

Panu kaya nya nakuha number ko? -di naman siya nanghingi sa akin ah kaya nireplyan ko “how did you get my #?

Nagreply naman din sya agad “from Wendy. I hope u don’t mind.

Ok lang. sige nighty-night. At nakatulog na rin ako.

Sa kabilang banda si Slater kasama ang mga kaibigan nasa outing nasa isang beach sila sa Cebu–isa syang happy go lucky masasabing middle class ang pamilya nila nagtatrabaho siya bilang isang engineer sa isang government sector –habang nagpapahinga ang mga kaibigan -sya naisipan maglakad-lakad sa dalampasigan sinipa sipa nya ang mga buhangin hangang sa masipa nya ang maliit na bote at yun nalang ang kanyang sinipa hangang sa makarating siya sa ilalim ng puno ng niyog –habang nakaupo doon kinuha at tiningnan nya ang bote at ng mapansin na may nakalagay sa sulat bunuksan nya ito at kinuha ang lamang papel at nabasa nya nga ang katagang bakit ganun uso pa ba ngayun ang arrange marriage?

Kawawang tao –ang naibulalas niya –sinu kaya siya? -babae kaya ito o lalaki? –malamang babae anang isang tinig sa kabilang bahagi ng kanyang utak -mga babae lang naman ang mahilig mag sentimento eh –grabe naman meron pa palang ganito sa panahong ito arrange marriage kung yun ngang magkasintahan na sa mahabang panahon nag-aaway at naghihiwalay din panu pa kaya kung hindi mo kilala ang mapapangasawa mo –tsk, tsk at napailing nalang ito habang hawak hawak ang papel –binalik nya ito sa loob ng bote at nilagay sa kanyang bulsa at bumalik na sa cottage.

Slater pare saan ka ba galing –tanung sa kanya ni Biggel –kanina ka pa namin hinahanap sila pareng Kevin nauna na sa restau sunod nalang daw tayo.

Sige mauna kana susunod nalang ako maliligo muna ako pinagpawisan ako sa paglalakad eh.

Pagpasok ni Slater sa kwarto agad nyang nilagay sa bag ang maliit na bote –ewan daw nya kung bakit pinag-aksayahan niya pa ito ng panahon hindi naman nya kilala ang nagmamay-ari niyon –pero para kasing nangangailan ng tulong ang taong ito pero anu ba paki-alam nya di ba? -ni hindi nya alam kung nasaan ang may ari nito malay nya ba kung saang bahagi ng pilipinas o mundo ito nanggaling at tinangay lang ng tubig. –naiiling nalang si Slater at nagpasyang maligo at sumunod sa mga kaibigan nagugutom na rin sya.

Message in the BottleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon