Ilang buwan na rin ang lumipas nang hindi ko na naka-bonding ang mga kaibigan ni kuya Carlo dahil nga naman may mga kanya-kanya kaming trabaho.
Si Dad lage sila nagkikita nung kaibigan niya na ama nung lalaking ipapa-asawa niya sa akin -ngayun nga ay darating sa bahay ito, nataon pa na wala ang kuya Carlo ko si Mommy lang at Daddy ang kasama ko ngayun bakit ba kasi nagkaroon pa ako ng day off sana hindi nalang –naisaloob ko
Nasa loob lang ako ng kwarto hinintay ko na lang din kung anu mangyayari mas mabuti na rin siguro na magkita na kami nung guy para hindi na ako mapraning at ng malaman ko kung magkakagusto ako sa kanya o sya sa akin
Maya-maya lang may kumatok sa pintuan ng room ko –bukas yan –pasigaw kung sagot sa kung sinu man yung kumatok –si Mommy pala
Anak maghanda kana paparating na ang kaibigan ng daddy mo –dito daw mag didiner –imporma ni mommy sa akin
Okay mom –ang tangi kung sagot –pero sinunod ko naman din siya hinanda ko naman din yung sarili ko
Pagbaba ko naka handa na yung dining –hinintay nalang yung mga bisita –kaya nanood muna ako ng TV habang naghihintay -nang biglang may tumawag sa akin –galing kay ate Casey yung tawag kaya sinagot ko agad.
Yes ate napatawag ka anung meron? –agad kung tanung sa kanya
Tin I need your help –naiiyak nyang sabi
Ate bakit –medyo napalakas yung boses ko kaya natawag ko ang atensyon ng magulang ko na busy sa kung anu man ang ginagawa nilang paghahanda
Si Asher inaapoy nang lagnat wala pa naman dito ang kuya Roy mo –pwedi bang pumunta ka muna dito sa bahay samahan mo muna ako sa hospital please –pagmamakaawa ni ate Casey sa akin
Agad akong tumayo –alam ko kasi wala si kuya Roy may meeting sya ngayun at bukas pa ang balik mula Davao –Dad –Mom – I need to go to kuya Roy’s house may emergency –si Asher may sakit
Anu? papuntahin mo nalang dito ang ate mo –saad ni Daddy –bakit kasi hindi nalang hinatid ni Roy dito ang mag-ina nya
Dad alam mo namang hindi marunong si ate Casey mag drive eh –sabi ko kay Dad – I really need to go Dad sorry –titingnan ko ang sitwasyon ng bata tapos tatawagan ko kayo
Princess –sabi ni Mommy sasama ako sayo I need to see my grandson
Pero Mom paano yung bisita ni Dad baka hindi ako makabalik kaagad –saad ko kay Mommy
Maiintindihan naman siguro ni Samuel yun di ba Alvin –baling ni mommy kay daddy
Sige ako na bahala sa kaibigan ko magpaliwanag –unahin nyo muna ang bata –susunod ako kung anu man basta balitaan nyo kaagad ako –bilin ni daddy sa amin ni mommy
Nagmadali kami ni Mommy na pumunta sa bahay nila ate Casey –habang nagdadrive ako napadiin yung hawak ko sa manibela tapos umusal ako ng dasal –Lord God alam kung ayoko sa idiyang makita o makilala ang taong gusto ni daddy para sa akin –pero alam mo rin na ayokong may masamang nangyayari sa pamilya ko in the expense para lang may dahilan na hindi kami magkita.
Napansin pala ni mommy yung pananahimik ko –anak anung iniisip mo?
Alam naman din ni mommy lahat kaya sinabi ko sa kanya –mom kasi nung sinabi ni daddy na dumating na ang kaibigan nya at ipakilala nya na sila sa atin –nagdasal ako na sana bumagyo or may miracle na ibibigay si Lord para hindi matuloy ang pagkikitang iyon –nangyari naman dahil nga doon sa may nanganganak –pero ngayun mom hinanda ko naman ang sarili ko –pero ito naman kaya lang nakokonsensya na ako mom dahil pati mahal ko nadadamay na –bakit si Asher –mom I swear hindi ko hiniling na may mangyayari ngayun –halos maiyak na ako habang nagkwento ako kay mommy
BINABASA MO ANG
Message in the Bottle
FanfictionHow would you feel when you learn that your parents set you to marry someone whom you don’t know and you don’t even meet? Would you agree because it’s a family tradition or would you find a way to oppose?