Chapter 15

800 10 14
                                    

Taliwas sa inaakala namin na lingo pinapapunta ni dad ang family lawyer namin sa bahay ngunit nakatanggap ng text si kuya mula kay mommy –nagsasabing papunta sa bahay mamaya ang lawyer at ang pamilya ng kaibigan ni dad

Dahil sa busy ako sa trabaho hindi ako nagkaroon ng time para tingnan man lang ang phone ko –alam naman din ng mga malalapit sa akin kung anung oras nila ako pwedi makontak kaya kampati ako na walang importanteng tawag o text ang pumasok –pero mali pala ako

Habang nagwaward visit kami ni Doc Joya narinig ko ang pangalan ko na pinage at pinapapunta sa reception area –kaya nagpa-alam muna ako sa kasama ko na pupuntahan lang ang kung sinu man ang may kailangan sa akin –pagdating ko sa reception

Christine –tawag sa akin ni kuya –sya pala nagpa page sakin

Kuya –anung ginawa mo dito? –tanung ko pa sa kanya –pero imbis na sagutin –tanung din ang binalik nya sa akin

Anung oras off mo?

Actually tapos na ang oras ko kuya –kaya lang alam mo naman ayokong umuwi ng maaga di ba?

Kunin mo na ang gamit mo aalis tayo? –sabi nya –na sobra kung ikinagulat

Kuya –wait anung aalis? –saan tayo pupunta? –ngunit ni isa walang sinagot si kuya

Sige na bilisan mo na kunin mo na gamit mo –kaya sinunod ko na lang sya –nagbilin nalang ako sa mga nurse na naka station sa reception na ipasabi kay Doc Joya na umalis na ako –pagkabalik ko sa reception dala-dala ko na ang bag ko naabotan ko si kuya na kausap ang mga nurse na naroon

Kuya lets go –I’m done –habang papalabas kami ng hospital –tinanung ko na ulit si kuya –kuya bakit ba? –anung problema? –kinakabahan naman ako sa bigla mong pagsugod dito sa hospital?

I’ve been calling you and I’m sending messages pero wala kasing reply kaya I decided na sunduin ka na –umpisa ni kuya –habang nagsasalita sya –tsaka ko naman kinuha ang phone ko may mga missed calls nga at text msgs.

Kuya sorry –nag ward visit kasi kami eh –hinging paumanhin ko sa kapatid ko –pipindutin ko na sana ang botton ng elevator para pumunta sa basement –nandun kasi naka park ang sasakyan ko –ng pigilan ako ni kuya

Leave your car here –kotse ko ang gamitin natin –naguguluhan man ako dahil wala pang sinasabi ang kapatid ko sa akin –pero sumunod pa rin ako alam ko naman kasi na para sa akin ang ginagawa nito

Habang nasa sasakyan na kami ni kuya –nagsalita na siya –Princess nag text si mommy sa akin tinawagan daw ni dad yung lawyer at yung kaibigan nya and papunta sila sa bahay ngayun –mukhang seryoso na talaga si dad sa plano nya –lalo pat napaghalata nya na wala kaming ginagawa ni kuya sa ipinag-utos nya sa amin

Sa narinig ko kay kuya –nag-umpisa nang nag-unahan ang mga luha ko dahil sa kaba, takot at frustration –kuya anung gagawin ko –tulungan mo naman ako please –pagusumamo ko kay kuya

Christine –ito na nga ilalayo kita dito –ilalayo kita kay dad –ilalayo kita sa lalaking gusto ni dad para sayo –calm down hindi ka makapag-isip ng maayos kapag nagpapadala ka sa takot at kaba mo

Maya-maya may tinawagan si kuya Carlo –at yun narinig ko nalang na binangit nya na papunta na kami –kaya nagtanung ulit ako –kuya sino yung kausap mo?

Si kuya Roy –pupunta tayo sa kanila dun natin pag-usapan lahat ng maari nating gawin

Di nga naglaon narating namin ang bahay nila kuya –pero nakahanda na rin sila para umalis –pagbaba namin ni kuya Carlo sa kotse agad akong sinalubong ng mag-asawa at sabay na niyakap –pinagbuksan pa ako ni kuya Roy ng pinto at sumampa na kami ni ate casey sa back seat samantalang si kuya Carlo naman ay tumabi kay kuya Roy na syang nagmamaneho –ang pamangkin kung si Asher ay nagpalinga-linga lang matapos humalik sa amin ni kuya Carlo ibinalik na rin ang atensyon sa kanyang nilalaro

Naguluhan man ako pero hinayaan ko ang mga kapatid ko na magdesisyon para sa akin sa ngayun –makalipas nga ang ilang oras narating namin ang resort nila kuya Roy sa Pangasinan at agad naman kaming pumasok

Carlo call Slater –utos ni kuya kay kuya Carlo –na agad naman itong tumalima

Carlo pare –sagot ni Slater sa kabilang linya

Pare –sandali gusto ka kausapin ni kuya Roy

At kinuha na nga ni kuya Roy ang telepono ni kuya Carlo –mataman lang akong nakikinig sa kanila –Slater –umpisa ni kuya Roy –mahal mo ba talaga ang kapatid ko? –tanung pa nito

Oo naman kuya Roy –agad naman nitong sagot

Pwes –lumuwas ka ngayun dito sa Manila at dumiritso ka sa Pangasinan –alam mo naman ang lugar dito di ba? –habang may panahon pa tayong unahan si dad sa plano nya –patuloy pa ni kuya

Sige kuya Roy darating ako –saad naman ni Slater

Slater kailangan ngayun na hindi na pweding ipagpabukas pa ito –dahil baka wala na tayong magagawa pag nangyari –at isa pa bawal mo munang sabihin ang pupuntahan mo kahit kanino

Oo kuya darating ako ngayun din –pagbibigay assurance naman ni Slater na darating siya –naguluhan man din ay dumiritso na ito sa airport ni hindi na nga ito nakapag-paalam sa ama –nag text nalang ito na may pupuntahan lang pero dahil nga binilinan siya ni kuya na dapat walang makaka-alam na iba muna hindi nya pweding sabihin kung saan sya pupunta

Pagkatapos makausap ni kuya Roy si Slater gamit ang phone ni kuya Carlo –agad naman ding may pumasok na tawag –pagkakita ni kuya sa tumawag agad nyang sinabi sa amin na si daddy daw –kaya nag sign sya na hwg kami maingay –at sinagot nya ang tawag ni dad –hello dad

Carlo where are you bakit hindi ka pa umuuwi? –tanung ni dad kay kuya –si Christine alam mo ba kung anung oras ang uwi nun? –tanung uli ni dad

Dad dito ako sa bahay ng isa sa mga katrabaho ko –kinuha kasi akong ninong –Christine is with me dad

Umuwi na kayo –bilisan nyo –utos pa nito

Sige dad bye –tinapos na ni kuya ang pag-uusap nila ni dad

Gabi na ng makarating si Slater sa Pangasinan –sabay-sabay na rin kaming naghapunan –pagkatapos namin kumain –tinanung kami ni kuya Roy

Slater-Christine –gaano nyo kamahal ang isat-isa?

Mahal na mahal ko si Christine kuya Roy –agad naman sagot ni Slater

Ganun di ako kuya –sagot ko naman

Slater siguro naguguluhan ka kung bakit ura-urada ka naming pinapunta dito –nakikinig lang si Slater sa mga sinasabi ni kuya Roy –kasi si dad disidido na naipakasal si Christine dun sa anak ng kaibigan nya –infact sa mga oras na yun malamang nasa bahay na sila naghihintay kaya ko pinapapatay ang phone ni Christine –at ang sayo

Slater –patuloy pa nito –handa ka bang panindigan ang kapatid namin?

Kuya Roy kahit sinu ang humadlang sa pagmamahalan namin ni Doc –kahit ang dad nyo pa ang makalaban ko ipaglalaban ko si Doc

Mabuti kung ganun –saad ni kuya –wala na kasi kaming ibang magandang naisip ni Carlo para hindi kayo mapaghiwalay ni dad –kung papayag kayo –nag pause muna si kuya Roy sabay tiningnan si kuya Carlo –na agad namang tumago –parang nagbibigay ng go signal  -at nagpatuloy si kuya sa pagsalita – kung papayag kayo sa plano namin na magpakasal na kayo –total nasa tamang edad na naman kayo hindi na kayo hihingan ng parents consent nyan –anu okay lang ba sa inyo ang plano namin –ito nalang kasi ang last na option na hindi na maipilit ni dad ang gusto nyang mangyari kay Christine.

Message in the BottleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon