Chapter 3

935 9 4
                                    

Hindi ko alam 3 days pala sila mananatili sa resort akala ko overnight lang pero may duty kasi ako kinabukasan kaya nauna na ako sa kanilang lumuwas –nakapagpa-alam na naman ako sa kanilang lahat bago kami nagsipagtulog alam ko kasi na hindi sila magigising ng maaga eh lahat kasi puyat mag-uumaga na kasi nung nagpasyang magpahinga –paglabas ko sa cottage kung saan ako nagpahinga nagulat ako ng makita ko si Slater naka-upo sa rocking chair sa may pinto.

Aalis ka na? –tanung nya sa akin pero hindi tumingin sa akin dun sya sa may dagat nakatingin

Oo may duty kasi eh –sagot ko nalang din sa kanya habang sinasara yung pinto

Ako na –tumayo sya at kinuha yung susi sa kamay ko at siya na naglock ng pinto –pagkatapos nya maisara ang pinto ang bag ko naman ang kinuha nya nagpati-una pa syang naglakad papunta sa kotse ko –pagdating ko sa may kotse –Salamat at kinuha ko na ang bag ko sa kanya pero hindi nya inabot sa akin

Buksan mo nalang, ako na maglalagay –utos nya sa akin –kaya binuksan ko nalang ang compartment ng kotse ko

Salamat uli –nginitian ko sya tapos binuksan ko na ang driver’s seat ng muli syang magsalita mula sa likuran ng kotse ko

Doc. –ahhh –ahh

Ah lang sya ng ah –wala ng ibang nasabi –kaya tinanung ko nalang –Engineer may masakit ba sayo kilangan mo ng medical assistance?

Ahh hindi Doc. ahh

Natawa ako di ko napigilan eh –naisip ko kasi habit nya ang ah –ah

Bakit? –tanung nya ng bigla akong natawa

Wala kasi –pinilig ko nalang ang ulo ko –anu ba kasi gusto mong sabihin ha? –tanung ko uli sa kanya sabay tingin sa relos ko

Ah wala- sorry Doc. at umalis na

Napailing nalang din ako –isasarado ko na sana ang pinto ng kotse ko nang bigla naman syang bumalik at hinawakan iyon kaya nagulat ako –oh Engineer anu?

Doc. kasi –ah---ah –pwedi bang mahingi number mo baka kasi alam mo na nagkibit balikat pa ito incase of emergency

Ay sos yun lang naman pala eh oh ito –inabot ko sa kanya ang calling card ko

Salamat –sabi nya at siya na mismo ang nagsara ng pinto ng kotse ko

Kumaway lang ako sa kanya at pinatakbo ko na ang kotse ko –di pa man ako nakalabas ng gate ng resort ng tuluyan nang may nag-text sa akin kaya nag preno ako tiningnan ko yung inbox ko number lang kaya naisip ko baka si Slater to –di nga ako nagkamali galing nga  sakanya –sabi ng text nya –salamat ingat ka sa pagmaneho sana makabalik ka pa dito sa resort bago kami umuwi J Slater

Nagreply din ako –tnx I will try. –at nag drive na uli ako.

Natapos na yung gtg nilang magbabarkada pero hindi na ako nakabalik pa nang resort marami kasi kaming pasyente laging on call –halos di na rin nga ako nakakatulog ng maayos uuwi lang ako para maligo at magbihis tapos balik na uli sa hospital.

Kasalukuyan akong nasa doctor’s station kaya nagkaroon ako ng time na tingnan ang mobile ko –nagulat ako first time na nangyari na may 20 missed calls ako yung iba galing kay ate Wendy, meron din galing kay ate Casey, yung iba kay kuya Carlo at marami ang unknown halos kalahati natawa naman ako –eh napansin pala ako ni Doc Joya.

Doc. Tin mukhang may nagpapangiti na sayo ha? –sabay kindat pa ni Doc Joya sa akin

Ha? –patay malisya kung sagot

Sinu ba yan ha yun ba yung kaibigan ng kuya mo na nasa company nyo din nagwork? –pang-iintrigang tanung ni Doc Joya

Alam mo Doc. hindi kalang pangmedical pang showbiz ka pa –intrigera lang ganun -excuse lang magrereturn call lang ako kay ate Casey

Message in the BottleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon