Paglabas namin ni kuya sa room ko –agad naman siyang dumiritso sa kwarto nya pahinga na daw siya at inaantok na –tinuro nalang nya kung saan naroon si Slater
Good Night kuya –sabay halik sa pisngi niya
Good Morning Princess –nakangiti nyang ganti –sabay hinalikan din ako sa pisngi
Oo nga pala 1am na –sabi ko nalang –at pinuntahan ko na ang tinuro ni kuya –pero wala namang tao –inikot ko muna ang paningin ko pero wala na talagang tao –naisip ko baka nainip kasi medyo matagal din kami ni kuya sa loob ng room ko –kaya baka pumasok na sa kwarto nya si Slater –babalik na sana ako sa loob ng kwarto ko nang pag-ikot ko ay nabungo ako sa bulto ng isang tao –grabe ang gulat ko –kaya nasapak ko ang mukha nya
Aray –sabay sapo sa mukha nyang nasapak ko
Slater? –tanung ko naman ng mapagsino ko –anu ka ba naman –ano bang plano mo patayin ako sa gulat ha –isa pa uling sapak pero sa balikat na at mahina lang
Grabe ka Doc –ang lakas nun ha –pero nakangiti naman nyang sabi –para kang amazona kung manapak pala
Eh ikaw naman kasi ano bang iniisip mo at napagtripan mo akong gulatin –alam mo namang madaling araw na –grabe ka Slater nagbago kana talaga –nakangiti na rin ako –medyo nakalma na ang sarili ko mula sa pagka gulat
Sorry –sabi naman nya
Okay lang –sabi pala ni kuya gusto mo raw ako makausap –tungkol saan bayan –tanung ko sa kanya
Tungkol sa atin –hinawakan nya ang kamay ko –tapos ginuide niya ako naglakad kami sa tabing dagat ang laki kasi ng buwan at ang liwanag pa –nasabi ko kay Carlo ang intension ko sayo –Doc anu ba talaga ang problema –kasi sabi din ni Carlo na baka masaktan lang ako-tayo –pagpapatuloy ni Slater
Ahm –ewan ko kung ngayun na ang tamang panahon na sabihin ko sayo ang tungkol dun –medyo nag pause ako medyo matagal din mga ilang seconds din yun –tapos nagsalita na ulit ako –tsaka nalang siguro kapag handa na akong sabihin sayo –hangang sa marating namin yung duyan –pina-upo nya ako tapos tumabi din sya sa akin
Hoy –sabi ko baka maputol to –mapagalitan talaga tayo ng may-ari nito
Hindi tayo papagalitan ng may-ari nito –ako bahala
Yabang mo rin anu –sabi ko sa kanya –bakit kakilala mo ba ang may-ari nitong resort?
Hindi pero yung may-ari nitong duyan kilala ko –pagyayabang pa nya
Weehh di nga –sinu daw siya? –sige nga? –hamon ko pa sa kanya
Ako –syempre
Hmm ewan ko sayo –sabi ko kasi di ako naniniwala eh
Ako nga kulit nito ayaw maniwala hindi naman ako sinungaling ah –kahit ikaw pwedi ka maglagay ng duyan dito kung gusto mo –hindi naman nila pinagbabawal yan eh
Di nga? –seryoso –ulit ko pa
Oo nga –ito mahahalikan na talaga kita ayaw mong maniwala
Oi anu kaya yun –nag mocking face pa ako –nanakot ka ganun?
Hindi ah –bakit gusto mong totohanin ko –nag wink naman sya
Hindi syempre –nagulat ako kasi niyakap nya ako –niyakap ko na rin siya
Doc – I love you –bulong nya sa akin –habang yakap nya pa rin ako
Hindi ko alam pero naiyak ako –ewan ko bakit pagkasama ko talaga sya laging gusto magwala ng mga luha ko –napansin nya ang pananahimik ko kaya niluwagan nya yung pagkayakap nya sa akin –tapos inangat nya yung mukha ko
Bakit? –malumay nyang tanung tapos pinahid nya mga luha ko –iling lang ang sinagot ko ayaw ko magsalita kasi baka humagulgol na naman ako –kaya niyakap nya ako uli –hinagod nya pa ang likod ko
Nung naging okay na ulit ako nilayo ko sarili ko sa kanya –tapos tiningnan ko sya ng diritso –kung sakali ba kaya mo pa akong ipagtangkol kahit kanino –tulad ng pagtangkol ng mga kuya ko sakin? –naitanung ko kay Slater
Kahit kanino Doc. ipagtatangol kita mas higit pa sa ginawa ng mga kapatid mo –niyakap nya ulit ako
Salamat –at niyakap ko rin siya –ilang seconds din kami sa ganung posisyon ng inangat nya ang mukha ko tapos dahan-dahan nyang nilapit ang mukha nya sa mukha ko –hangang sa maglapat ang mga labi namin –smack lang naman –tapos niyakap niya ulit ako –at bumulong –I love you Doctor Christine Vergara
I love you too Engineer Slater Lee –sa wakas nasabi ko din ang kanina ko pa pinigil na gustong sabihin –at muli nya akong hinalikan –sa pagkakataong ito gumanti na ako kaya medyo napalalim yung halikan namin –tinulak ko sya nang mahina –tapos sabi ko –baka may makakita sa atin –nahiya ako eh
Ha? –napalingon pa sya –sinu naman eh madaling araw na wala nang gising ngayun –tapos hahalikan na naman sana nya ako pero hinarang ko yung palad ko sa mukha nya
Anu ka ba eh hindi naman natutulog ang mga guards dito eh –tapos tumawa ako
Hay naku Tintin –ikaw talaga –pero dito nalang muna tayo ha –giniginaw kaba? –tanung nya sa akin
Hindi naman okay lang –tapos ganun lang kami yakap nya ako –tapos sinandal sa dibdib nya ang ulo ko -at hangang sa humikab na ako
Antok ka na? –mahinang tanung nya sa akin
Oo eh –tulog na tayo –alok ko naman
Inalalayan naman din nya ako sa pagtayo –tapos magka holding hands kaming naglakad –hinatid nya muna ako sa room ko nag-early goodmorning kiss pa sya –yun ang tawag nya eh –bago sya pumasok sa room nya –napapagitnaan lang kasi ang room ko sa room niya at ni kuya Carlo
Pagkatapos ko maghugas ng mga paa ko –humiga na ako –bigla naman tumunog ang message tone ko –napangiti ako alam ko kasi si Slater to eh –binasa ko yung message nya –i love you my Doctor Princess, sleep well and dream with me in the dreamland
Nag reply din ako –corny naman ng my Engr. Prince ko pero sige na nga I love you too –sleep well also
Nag reply pa uli sya I love you, I love you, I love you a million times –muah
Sige na tama na to pano tayo makatulog nito – reply ko sa kanya
Kinabukasan medyo tinanghali ako ng gising –at laking gulat ko na naman kasi ang daming white petals sa kama ko pati sa floor –tapos sa ibabaw ng unan ko isang malaking stalk ng white rose ang katabi ko –may note pa –napangiti naman ako habang binuksan ang maliit na card –to a very beautiful princess who made my life complete –good morning –love your engr. prince –natawa ako sa huling nakasulat pinanghawakan kasi talaga ang pagiging Engr. Prince
Naligo na muna ako bago ako lumabas –pagkatapos pupunta na sana ako sa restaurant doon ng tinawag ako nila Kim
Tin dito –sabay kaway pa ni Kim –wow ang ganda naman ng gising nya –tukso pa nito sa akin
Anu napanaginipan mo ba ang iyong mahal na prince charming? –tukso rin ni Jessica –alam mo girl –iba talaga nagagawa ng pag-ibig anu? –nag-apir pa sila ni Kim
Naman sinabi mo pa –tugon naman ni Kim
Anu ba kayo –bakit ako ang napagdiskitahan nyo ha –ikaw ang pag-uusapan natin dahil ikaw ang ikakasal –baling ko kay Jessica
Oo nga dapat ako -kaya lang mas exciting yang sa inyo ni Slater eh –kasi parehong first love nyo ang isat-isa
BINABASA MO ANG
Message in the Bottle
Fiksi PenggemarHow would you feel when you learn that your parents set you to marry someone whom you don’t know and you don’t even meet? Would you agree because it’s a family tradition or would you find a way to oppose?