Hindi na nag-isip pa si Slater –agad syang sumang-ayon sa alok ni kuya Roy –sige kuya papayag ako dyan sa gusto nyo –noon pa naman sinabi ko na kay Doc na handa akong harapin ang dad nyo –kaya lang natatakot syang baka edis-own daw sya ng ama nyo
Princess ikaw –tanung ni kuya Carlo naman sa akin
Kuya kung ito nalang ang natitira naming choice papayag ako
Mabuti –saad uli ni kuya Roy –at may tinawagan ito –matapos syang makipag-usap sa kung sinu man binalingan na nya kami –sige na maghanda na kayo –imporma nya sa amin –darating na ang kaibigan kung mayor na syang magkakasal sa inyo
Pero kuya wala po kaming dalang damit na para sa okasyon na ito –sabi ko kay kuya –buti sana kung dala ko yung kotse ko kahit papano may damit ako dun –patuloy ko pa
Don’t worry Tin meron kaming gamit dito na pwedi nyong magamit ni Slater –halika kayo sumunod kayo sa akin sa kwarto –yaya pa ni ate Casey sa amin
Magkahawak kamay kami ni Slater na sumunod kay ate Casey –habang naghihintay kami sa kung anu man ang iabot ni ate sa amin –pinisil ni Slater ang kamay ko na hangang sa ngayun ay hawak pa rin nya
Kinakabahan kaba? –tanung ni Slater sa akin
Tango lang ang tangi kung sagot –hindi ko mahanap ang boses ko eh
Pinisil nya ulit ang kamay ko –don’t worry hindi naman tayo nag-iisa sa laban na ito eh –nandyan ang mga kapatid mo –at ang swerte natin dahil tayo ang pinapaboran nila –hinalikan nya ako sa mga labi –smack lang tapos hinalikan nya din ako sa ulo at niyakap
O ito –sabay abot ni ate Casey sa puting damit na may spaghetti strap at hangang tuhod ko ang haba –at inabot din nya ang puting pants at puting polo kay Slater –since sa beach naman gaganapin ang kasal nyo –patuloy ni ate Casey pwedi na siguro ang damit nayan
Oo ate pwedi na to -sabi naman ni Slater –maraming salamat sa lahat ng tulong nyo para sa amin ni Tin
Walang anuman Slater –sagot naman ni Ate –alam kasi namin kung gaano nyo kamahal ang isa’t-isa kaya nandito kami para suportahan kayo –oh sige na magbihis na kayo –Slater -dugtong ni Ate sa kabilang room ka magbihis bawal magkasama ang ikakasal sa isang room –natawa pa ito –dapat kasi sa ibang bahay pero wala na kasi tayong oras kaya ibang kwarto nalang –pahayag pa nito
Alam namin na pinapagaan lang ni ate ang sitwasyon kaya sya nagbibiro –bago lumabas si Slater hinalikan muna nya ako sa harap pa talaga mismo ni ate ha –pero sa pisngi lang naman –at sya namang pagbukas ang pinto –at iniluwa dun si kuya Carlo
Oi kayong dalawa tsaka na yan kapag kasal na kayo ha pare –nag-apir pa sila ni Slater -O anu? –ayus na ba kayo? –tanung ni kuya sa amin
Magbibihis palang kuya –sagot ko naman
Pare nandyan naba yung pari? –tanung ni Slater
Pare –sabi naman ni kuya at inakabayan si Slater -mayor ang magkakasal sa inyo ng kapatid ko muna –tsaka na ang pare kapag naayos na natin to at tanggap na ni daddy –hwag ka dyan -hindi ka muna makaka score sa kapatid namin –at nag apir sila ulit –nag blush naman ako dun
Oi Carlo –sabad ni ate Casey tingnan mo ang prinsesa natin nag blush –pero di nga mamaya na natin ituloy ang kwentuhan magbihis na kayo baka darating na si mayor JOHN LLYOD CRUZ –at pinalabas na ni ate sina kuya Carlo at Slater
Sa kabilang kwarto kung saan naroon sina kuya Carlo at Slater pumasok naman si kuya Roy –naupo ito katabi ni kuya Carlo habang nag-aayos si Slater ng sarili nya
Slater –simula ni kuya Roy –ngayun ipinagkatiwala namin sayo ang buhay at kapakanan ni Christine –alam mo naman siguro kung gaano namin sya kamahal di ba? –kaya nga ginagawa naming salungatin si daddy dahil gusto namin maging masaya lage ang bunso namin –at alam din namin na sayo lang sya sasaya –kaya sana hwag mo kaming biguin
BINABASA MO ANG
Message in the Bottle
FanfictionHow would you feel when you learn that your parents set you to marry someone whom you don’t know and you don’t even meet? Would you agree because it’s a family tradition or would you find a way to oppose?