Chapter 13

813 11 6
                                    

Masaya ang naging relasyon namin ni Slater kahit na tinatago namin ito sa mga magulang namin –tanging mga kaibigan lang namin ang nakaka-alam tungkol dito -minsan nga natukso pa kami ni Jerico na para lang daw kaming highschool na bawal pa makipag relasyon kaya tinatago –sa totoo lang sinu ba may gusto nang patago di ba? –kaya lang wala pa kaming choice sa ngayun eh –palihim kaming nagkikita –gabi din ang tawagan namin –pero yung palitan ng text madalas walang pinipiling oras –hangang sa napaghalataan ako ni dad –kasi isang beses sya ang nakatanggap ng flowers na padala ni Slater para sa anniversary namin

Pag-uwi ko galing duty gabi na pero bukas pa rin ang ilaw sa may sala namin –pagpasok ko nandun buo kung pamilya pati si kuya Roy at ate Casey–nagtaka man ako pero hindi ko nalang pinapahatala

Good evening everyone –masaya kong bati sa kanila –pero nakatutok ang paningin ko kay dad mukha kasing galit eh –anung meron? –tanung ko pa –kumpleto ata tayo ngayun –may okasyon ba? –nung nagawi ang paningin ko sa mga kuya ko binigyan ako ng warning look ni kuya Carlo

Christine –sabi ni daddy –sinu si babe?

Dad? –ang sagot ko habang tahimik ang lahat na nandun

Who is babe? –mataas na ang boses ni dad –oo mabait sya pero ang boses nya sobrang mautoridad kaya nakaka intimidate minsan –may boyfriend ka? –hindi mo man lang sinabi sa amin? –Christine anung nangyayari sayo –patuloy pa ni dad –ikaw pa naman ang babae pero ikaw ang sobrang tigas ng ulo –I am so disappointed on you Christine

Naiyak na ako sa mga sinasabi ni daddy –grabe kasi matanda na naman ako kaya ko na naman desisyonan ang buhay ko pero lage parin syang nangingi-alam

Alvin tama na –sabat naman ni mommy

Yan –galit naman na baling ni dad kay mommy –ito ang napala natin dahil lage nyo kinukonsenti –lahat ng gusto sige pinagbigyan dahil sa bunso –dahil sya ang babae –ngayun anung ginawa nitong prinsesa natin ha? –napatayo na si dad sagalit –daig pa ang bata na pinagbawalan –patuloy nya pa

Dad –sabi ko –Im sorry –pero hindi ko po talaga kayang sundin ang gusto mong mangyari para sa buhay ko eh –dad may sarili naman din akong isip –may sarili din po akong damdamin –gusto ko lang naman maging masaya

Oh shut up Christine –ngayun nga at malakas na ang loob mong sumagot sa akin –alam mo bang ni isang beses hindi nagawa ng mga kuya mo yan? –pero ikaw? –sinusuway mo na ang mga gusto ko para sayo ngayun sumasagot ka na rin? –sige ngayun mo sabihin na magandang impluwensya yang boyfriend mo –nagiging bastos ka na –iharap mo ang lalaking yan sa akin -Roy –Carlo –patuloy pa ni dad sa mga sinasabi nya -paimbistagahan nyo kung sinu ang karelasyon nitong kapatid nyo ha –at hwag na hwag kayong magkakamaling kunsentihin ulit yan –at umalis na si dad umakyat papunta sa kwarto nila

Wala na rin akong ibang nagawa kundi ang umiyak –nilapitan naman ako ni kuya Carlo at kuya Roy –si mommy hinalikan ako tapos sabi nya –don’t worry iha maayos din to –tsaka sinundan si dad

Kilan mo ba balak sabihin to dapat kila daddy at mommy ha –tanung ni kuya Roy sa akin

Kuya kasi –ang sagot ko naman –gustong gusto ko naman ipaalam sa kanila eh –kaya lang natatakot din ako kuya –baka kung anu ang gawin ni dad kay Slater

Hon –sabat naman ni ate Casey patungkol kay kuya Roy –anu na gagawin natin ngayun galit na galit si daddy kay Tin malamang gagawa ng hakbang yun para paghiwalayin tong dalawa

Sa mga sinabi ni ate Casey mas lalo akong nalungkot at naiyak dahil hindi nga naman malayong mangyari yung mga naisip ni ate –sa galit ni dad ngayun sa akin lahat pwedi nyang gawin -at hindi ko kayang pati si Slater eh madamay

Message in the BottleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon