Chapter 2

994 9 16
                                    

Lumipas ang panahon napapadalas ang paglabas namin ni Jerico –naikwento ko na rin sa kanya ang balak ng daddy ko tungkol sa arrange marriage na yun –sabi nya naawa daw siya sa akin dahil paano daw kung salbahi ang mapili nila daddy para sa akin –kung kaya lang daw nya salungatin ang daddy ko magpapangap daw kaming magboyfriend pero sabi ni kuya Carlo at kuya Roy hwag ko daw yun gagawin at hwag ko daw idamay si Jerico dahil pagnagkataon tatangalin ito ni daddy sa trabaho kahit ito pa ang pinaka-magaling nilang empleyado engineer din kasi si Jerico magkasama sila ni Kuya Carlo sa department –kahit naman noong college sila magkakaibigan na ang mga ito –may iba pa silang mga kaibigan yung iba umuwi sa mga probensya nila at doon piniling magtrabaho –pero every year daw sila may get together ng mga kaibigan at ngayun nga ay naka schedule na ang sunod nilang pagkikita.

Sabi nalang ni Jerico sa akin isasama daw nila ako sa get together nilang magkakaibigan para naman daw makakilala ako ng iba pang tao bukod sa pamilya ko –na sinang-ayunan naman ni kuya Carlo.

Nasa hospital pa ako tawag na nang tawag sila Jerico, Kim & ate Wendz ang tagal ko daw kasi kanina pa sila nandun sa resot nila kuya Roy –si ate Wendy ngayun ang kausap ko

Tin nasaan ka na ba? Matagal ka pa ba dyan? –anu makakasunod ka ba sa amin dito? –o kailangan ka naming sunduin? –sunod sunod na tanung ni ate wendz

Ate Wendz susunod ako mayroon lang kasing emergency di pa kasi dumating si Doc. Joya kaya hindi pa ako maka-alis pero susunod ako di ba overnight naman kayo dyan?

Oo sa hospital ako ng tatrabaho dahil isa akong doctor –sa aming magkakapatid ako lang sumuway sa gusto ni Daddy –gusto niya kasi Accountancy or any course na magagamit sa kompanya namin pero sa medisina kasi ako nahilig eh –buti nalang at tinulungan ako ng mga kuya ko na kausapin si Daddy para pumayag sa gusto ko –sa huli pumayag na rin siya –alam naman din kasi namin na mahal ako ni Daddy –kami ng mga kapatid ko

Sa wakas dumating na rin si Doc. Joya at nagmadali akong umalis dina rin naman ako uuwi ng bahay dahil naka handa na naman ang mga gamit ko sa resort nalang din ako magpapalit wala nang oras eh baka mamaya tawagan na naman ako ng mga iyon.

Pagdating ko sa resort agad akong sinalubong ni kuya Carlo siya na ang kumuha sa mga gamit ko –masyado akong pampered sa mga kuya ko. Pinakilala na rin nya ako sa mga kaibigan nila actually namumukhaan ko naman sila kasi pag may okasyon sa bahay sila din naman ang bisita ni kuya hindi ko lang alam mga pangalan nila –hindi naman kasi ako nakipaghalubilo sa kanila.

Guys this is our princess Doctor Christine Vergara –pasensya na at late sya may duty kasi –baby this are my college friend, Kevin –na tumayo naman at nakipag kamay sa akin nakipagkamay na rin ako, Biggel ganun din ginawa nya nakipagkamay din at si Slater tumango lang sya sabay sabi hi…nag hello nalang din ako bilang sagot sa kanya, si Jerico which is kilala mo na –nag beso kami ni Jerico since close naman na kami, ito naman si Jessica girlfriend ni Kevin –nagbeso din kami.

Pareng Carlo siya na ba yung bunso nyo ang ganda naman nya –bulalas ni Biggel

Oo sya na ito –sige princess palit ka muna ng damit nandun sila Wendy at Kim sa loob ng room nagpalit mag-swimming daw sila

At nag excuse na ako sa kanila para pumasok sa isang cottage kung saan nandun ang dalawang girls –nang bigla akong napalingon sa kinauupuan ni Slater at nahuli ko nga na nakatingin sya sa akin medyo kanina ko pa napapansin na tinitingnan nya ako pero hindi ko lang pinansin –nginitian ko lang sya at umalis na

Pagbalik ko sa kinaroroonan nila kuya kasama ko na sila ate Wendy at Kim naka two piece suit sila pinatungan lang ng sarong ako naka short at bikini top pero may malaking shirt akong pinatong hindi ko pa kasi alam kung maliligo ako eh –ang gusto ko lang gawin sa mga oras na ito ay kumain dahil kanina pa ako nagugutom.

Message in the BottleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon