Makalipas ang isang lingong leave ko kinailangan ko nang bumalik ng Manila dahil darating na rin ang daddy ko mula sa kanyang business trip sa Europe –kaya nagpa-alam na rin ako kay papa John –noong una parang ayaw nya muna akong umuwi dahil parang nasanay na raw siya na tatlo kaming tao sa bahay nila –pero hindi kasi pwedi dahil nga sa sitwasyon namin ngayun ng anak nya –nangako nalang ako na bibisita sa kanya kapag may pagkakataon
Sige iha pero mas masaya sana kung medyo mapapadalas ang pag punta mo dito bago ako bumalik ng Qatar –na ikinagulat naman ni Slater
Pa???? –akala ko ba napag-usapan na natin to –di ba pumayag ka na at hindi kana babalik doon? –saad ni si Slater na nalungkot sa napag-alaman mula sa ama
Anak –sagot naman nito –nakakalungkot kasi dito maghapon lang ako sa bahay walang kasama –mabuti doon sa Qatar nasa trabaho ako hindi ako mababagot maghapon
Pa…. –malumanay na pahayag ni Slater hwag ka nalang bumalik dun, pumayag na naman si Tin na dito magtrabaho –kakausapin nya ang director ng hospital ng pinagtatrabahu-an nya sa Manila hihilingin nya ang magpalipat dito –tapos gusto nya pa magpatayo ng clinic sa Busay
Sa narinig mula sa anak biglang nagliwanag ang hitsura ng ama –ang ibig bang sabihin nagustohan mo iha ang lugar namin sa Busay –masiglang tanung pa nito sa akin
Oo pa –sagot ko naman –masarap talaga sa pakiramdam pag sa probensya nakatira –sana lang po pumayag si Director Dianne Lapera at bigyan ako ng release at nang maka-transfer ako dito
Pagbalik ko sa Manila ang request for transfer ko kaagad ang inasikaso ko kaya lang nasa bakasyon si Director Lapera –kasalukuyan siyang nasa Kingdom of Saudi Arabia para sa isang mahalang kaganapan sa buhay kasama ang asawang si Mayor John Llyod Cruz –na ngayun ko lang nalaman na ang JLC na kaibigan ni kuya Roy na syang nagkasal sa amin ni Slater ay ang JLC din na asawa ng director ko sa hospital –what a coincidence diba? –kaya ayun naka pending muna ang request ko sa office ni Dir. Lapera
Samantalang sa bahay naman namin si daddy atat na atat na sa kasal nila kuya Carlo at ate Wendy
Carlo –pasimula ni Daddy habang umiinom kami ng tea sa lanai nakagawian na kasi namin ito na kapag mahaba pa ang oras namin after hapunan ay may kunting family chitchat kami –since nandito na si Wendy at ito naman ang promise nyo sa amin ng mga magulang nyo –patuloy ni daddy habang kausap sina kuya Carlo at ate Wendy –sana maayos nyo na ang kasal nyo sa lalong madaling panahon
Dad –saad naman ni kuya –where doing on our plan but please give us time kakarating lang ni Wendy pwedi naman siguro natin muna siya pagpahingain right dad? –pahayag pa ni kuya
Alright son –sang-ayon naman ni daddy at least ngayun panatag na ang loob ko na tuloy na ang kasal nyo this year –anything na kailangan nyo sa amin ng mommy nyo alam nyong nandito lang kami –patuloy pa ni Daddy
Thanks dad –saad naman ni kuya
Wendy iha –makakauwi ba ang sister mo? –tanung naman ni mommy kay ate Wendy patungkol sa kapatid nitong nasa Indonesia
Oo mommy nangako naman na aattend sila sa kasal namin ni Carlo pero hiniling po kasi nya na hwag nalang siyang isali sa entourage dahil nga sa buntis ito at tsaka kasi masilan ang pagbubuntis nya bawal ma pressure –paliwanag naman ni ate Wendy
Eh paano yan sino ang maid of honor mo? –tanung ulit ni mommy
Si Christine sana mom kung okay lang sa kanya –sabay tingin ni ate Wendy sa akin –Tin okay ba? –sabay tanung ni ate Weny
Okay lang po ate –sang-ayon ko naman
What about your best-man anak –baling naman ni mommy kay kuya
BINABASA MO ANG
Message in the Bottle
FanfictionHow would you feel when you learn that your parents set you to marry someone whom you don’t know and you don’t even meet? Would you agree because it’s a family tradition or would you find a way to oppose?