Chapter 4

894 12 12
                                    

Makalipas ang ilang buwan mula nung nakasama ko ang mga kaibigan ni kuya Carlo sa get together nila feeling ko naging masaya na ulit ako lage ko sila ka text katawagan mas lalo ko nakilala sila once in a while lumuluwas din sila sa Manila kapag may mga importang okasyon ang nasa Manila base ganun din naman ang ginawa ng nasa Manila pumupunta sila sa Cebu kapag naman ang nandun ang may mahalang kaganapan katulad ngayun papunta kaming cebu kasi birthday ni Slater eh inimbita nya rin ako sabi nya kasi kapag hindi ako sumama magtatampo siya –eh ayoko naman ng may taong nagtatampo sa akin kaya humingi ako ng leave sa hospital buti napagbigyan ako kahit isang araw lang.

Pagdating namin sa Mactan airport nandun na ang apat nag-aabang sa amin –grabe bilib ako sa samahan ng mga ito kahit na ilang taon na sila grumaduate hindi pa rin nagbabago lage pa din sila magkasama –naiisip ko tuloy sana ako din may ganitong kaibigan –yung dalawa ko kasing kaibigan although may contact naman kami pero iba eh nasa malayo kasi sila bukod dun may time difference pa.

Habang nasa sasakyan kami papunta sa bahay ni Slater dun daw muna kami para sa lunch tapos tsaka pupunta sa beach.

Pareng Slater –tawag ni Biggel kay Slater na syang nagda-drive at ito naman ang nasa passenger seat habang kung anu ang tinitingnan di ko alam kasi nasa dulo ako naka-upo –akala ko ba sa Plantation Bay Resort tayo bakit sa Tambuli itong naka reserve? –tanung pa ni Biggel

Okay naman ang Tambuli ah –mahinang sagot ni Slater pero narinig pa rin namin yun

Oo nga pare sagot naman ni Kevin kapag nag-oouting tayo lage sa Tambuli mo gusto anu ba meron sa lugar nayun ha dati naman hindi tayo nagpupunta dun –usisa pa ni Kevin

Wala –basta lang naging importante ang lugar na yun sa akin dahil sa isang bagay -at kung ayaw nyo sumama di maiwan kayo sa bahay sila Carlo nalang dadalhin ko dun sigurado pa ako hindi sila aangal –di ba Carlo pasigaw na tanung ni Slater kay kuya

Kahit saan mo kami dalhin pare basta sisiguraduhin mo lang na maganda yung lugar ayos na sa amin yun –sagot naman ni kuya

Pagdating namin sa bahay nila Slater may nakahanda nang pagkain kami lang naman ang bisita nya

Engineer nasaan pala parents mo? –tanung ko kay Slater nung inabutan nya ako ng plato –wala kasi akong ibang taong nakita eh bukod dun sa medyo may edad na babae.

Ah wala nasa ibang bansa Papa ko –tapos yung iba naman ang inasikaso nya.

Kumuha nalang ako ng pagkain tapos naghanap ako ng mapupwestuhan sa labas kasi naka-set ang pagkain -sa may ilalim ng puno ng manga may upuan kaya dun ako nagpunta sumunod naman din sila ate Wends, Kim at Jessica sa akin.

Pagkatapos naming kumain nagyaya na agad si Slater kung pwedi na kami umalis para daw mas ma-enjoy namin ang resort.

Pagdating namin dun namangha kami sa ganda ng Tambuli Beach Resort –tahimik lang sya hindi masyadong maraming tao medyo malamig kasi ang panahon kaya siguro hindi ganun kadaming turista ang naroon sa lugar –sabay pa naming nilapag ang bag namin ni Ate Wendz at Kim tapos nag-unahan kami sa pagtakbo papunta dun malapit sa dagat tapos naghiwa-hiwalay na kami ng pinuntahan.

Habang tinatanaw ko si ate Wendz at kuya Carlo na naghahabolan sa dalampasigan naupo naman ako sa may malaking bato –pakiramdam ko nung nandun ako sa taas nun parang ang luwag luwag ng pakiramdam ko –ang totoong dahilan kung bakit ko ginustong sumama ngayun sa kanila dito ay hindi naman dahil sa sinabi ni Slater na magtatampo siya sa akin –ang totoo kasi bumalik na naman yung topic sa bahay tungkol sa pag-papakasal although si kuya Carlo ang kinukulit ni Dad pero ang rason kasi kung bakit dahil malapit na daw dumating ang kaibigan ni Dad at ipakilala nya na daw sa amin ang lalaking mapapangasawa ko.

Message in the BottleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon