Reaching: 15

201 1 0
                                    


Roshan

Buong umaga ay labas pasok ako sa opisina ni Ashtim. Marami itong ipinag uutos sa akin. Mayroong mag bibigay ng dokumento sa ibang department, saka muling babalik para mag bigay ng report na ipinabibigay ng mga department na napupuntahan ko. Mayroon namang tatawagin ako upang bumili ng kaniyang maiinom. Pagkatapos ay babalik akong muli sa aking pwesto. Ngunit wala pa lamang limang minuto ay tatawag na naman ito gamit ang telepono at tatawagin ako sa loob.

Seriously? Bakit hindi niya nalang pagsabayin ang kaniyang mga iuutos? Damn my legs are hurting! Akala ko ba ay mas kailangan nito si Anton dahil mas may alam ito kesa sakin?

Bumuntong hininga na lamang ako at imbis na mag-isip pa ay pinagtuonan ko na lamang ng pansin ang tinitipang dokumento na kakailanganin nito sa isang dinner meeting mamaya. But then hindi pa ako nakaka isang paragraph sa aking tinitipa ay muli na namang tumunog ang telepono. I rolled my eyes before answering the telephone. Nakita ni Anton ang pag-ikot ng aking mga mata at tinawanan lamang ako nito. Nahahalata na rin kasi nito ang pabalik-balik ko sa loob ng opisina ni Ashtim.

Humugot muna ako ng isag malalim na hininga bago tuluyang sagutin ang tawag. Sinubukan kong pasiglahin ang aking boses kahit pa maliban sa trabaho ay mayroon pa akong ibang iniisip.

"Yes, Mr. Walter."

{"Uhh...I need you to read a document for me Roshan. Hindi ko na ito mabigyan ng atensyon dahil mayroon pa akong hinahabol. But I also need this one later so can you help me?"}

I bit my lip. Of course I will always help you Ashtim. Ano pa bang magagawa ko? Hindi din naman ako pwedeng magreklamo dahil tungkol naman ito sa trabaho.

"Yes sure Mr. Walter. You can just prepare all the documents that you need help with. Dito ko na gagawin sa sarili kong desk. I'll be right there in less that three minutes sir."

Hindi ko na ito hinintay pa na magsalita at tumayo na ako upang pumuntang muli sa kaniyang opisina.

"Now it makes me wonder why Mr. Walter placed you here with me, outside, kung lagi ka rin naman pala nitong kailangan sa loob Roshan."

Napasinghap ako. Hearing those words made me confused even more. Binigyan ko na lamang ng maikling ngiti si Anton bago muling nagpatuloy sa paglalakad.

Pagpasok ko ng kaniyang opisina ay naabutan ko itong nakatayo habang nakatingin sa glass wall, watching the busy city down him. Akala ko ba ay busy ito sa isa pang dokumento kaya kailangan nito ng tulong ko? Hindi naman iyon ang nakikita ko ngayon ah?

Tumikhim ako upang kuhanin ang atensyon nito. Lumingon naman ito agad sa akin. His eyes met mine at tulad pa rin ng dati, pinatibok nitong muli ang puso ko.

I needed to gasp for air dahil nakulangan ako sa hangin pagkaharap nito.

"Sir. Andito po ako para kunin iyong mga dokumentong kinakailangan niyo ng tulong."

"Sit first Roshan."

I bit my lip at sumunod na lamang sa gusto nito. Hindi ko alam kung bakit kailangan ko pang umupo kung ang gagawin ko lang naman ay kunin ang mga dokumento.

Akala ko ay ibibigay na nito ang mga dokumeto sa akin. Nagtaka ako ng lumapit ito sa aking at umupo sa tabi ko without holding any single document.

"Where's the documents sir?"

Tanong kong muli. Iniisip na baka sakaling nakalimutan lamang nito. But then he leaned on my shoulders making my heart race. Naamoy ko ang panlalaki nitong shampoo and goodness it smelled so nice. I'm aching to touch him but I restrained myself. Hindi ko alam kung bakit ako nagpipigil. The Roshan before would absolutely pull him even more closer. Ngunit ngayon tila mayroong isang bagay ang humihinto sa akin upang gawin iyon na mas lalo kong ipinagtaka.

Reaching The Unreachable (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon