Roshan
Wala sa sarili akong pumunta sa pinakamalapit na flower shop. Papasok na ako nang mag vibrate ang phone ko. I took it out from my bag at nakitang may nag text sa akin na unregistered number. Binuksan ko ito. Sa mga salita palang ay alam ko na kung kanino iyon galing.
From: 09*********
Buy the medium sized one
Iyon lang ang nakalagay doon. Nakaramdam ulit ako ng pait. Ang sarap sana sa pakiramdam na tinexan siya ako. Pero wala naman akong maramdamang saya dahil alam ko ang dahilan sa text na iyon. Nakakainis! Ayoko na ng pink roses! Hindi na iyon ang paburito ko! Blue nalang!
Tumuloy ako sa pagpasok. The flower shop is beautiful, napakaraming flowers ang naka arrange sa dadaanan mo at lahat iyon matatanaw ng mga mata mo. It was really relaxing. Kung hindi siguro ako pumunta dito para bilhan ng bulaklak iyong babaeng gusto niya ay kanina pa ako nakangiti. Pero dahil doon ay nakasimangot lang akong lumapit sa cashier.
"Good afternoon ma'am! How may I help you?"
"A bouquet of pink roses. The medium one."
Tila para pang natakot si ateng nagtitinda sa lamig ng boses ko at sa ekspresyong ipinapakita ko. What? I'm jealous ok? You won't expect me to laugh and damn be happy knowing that he's fvcking giving flowers to somebody else except from me. And to think that he missed her. Kainis
Ayan tuloy, napa ingles ako ng di oras.
Ibinigay sa akin ng babae iyong bouquet of pink roses. Sa may card doon ay isinulat ko ang gusto nitong sabihin. Nang matapos ay napahinto ang kamay kong may hawak ng ballpen sa ere. I smiled evilly.
"Ate, pahingi po ulit ako ng isang card. Nagkamali po kasi ako eh."
Ngayon ay nakangiti na akong humarap kay ateng nag titinda na nagtaka naman dahil sa biglaang pag-iiba ko ng awra. Napakamot nalang ito sa ulo saka ulit ako binigyan ng isa pang card. Madali ko iyong tinanggap saka itinago iyong isa sa aking bag since wala akong mahanap na basurahan. Matapos ko iyong sulatan ay agad ko nang binayaran saka nakangiting naglakad papalabas ng flower shop.
Pumara ako ng taxi at sinabi sa driver iyong address ng condominium na pupuntahan ko. Medyo natagalan pa kami ni manong driver dahil natraffic kami sa daan. Ayos lang naman, hindi naman ako nag mamadali eh. Hihihi
Nang makarating na ay agad akong nagbayad kay manong saka bumaba na at dumiretso papasok ng condominium. Sumakay ng elevator at saka pinindot ang floor ng unit ni Ms. Saltivan. Nakasulat lahat ng iyon sa papel na ibinigay sa akin ni Ashtim. Hindi ko nalang inisip kung bakit alam niya lahat. Baka mainis lang ako at itapon nalang ang pesteng bouquet na ito.
Nang makarating ako sa unit niya ay agad akong nag doorbell. Ilang segundo lamang ay bumukas na iyon at tumambad sa akin ang isang babaeng naka dress ng puti, nakalugay ang mahabang kulot na buhok. Her skin is so white na parang gatas. Ang pisngi nito ay mamula-mula tulad ng heart shaped na labi nito. Her light brown eyes made her look angelic. Ginapang ako ng insecurities sa ganda ng babaeng nasa harapan ko.
Ibang-iba ako sa kaniya. Hindi naman ako maitim at hindi rin ganoon kaputi. I have a fair complexion. Ang labi ko ay mapula rin naman, but it isn't heart shaped, it is pouty hindi katulad ng kaniya. She's petite while I am not. Kulot ito while I have straight hair. Nakakainis dahil nasa kaniya lahat ng features na hiniling ko ay nasa akin rin.
"Uhmmm...what can I do for you miss?"
Doon lamang ako natauhan. Unti-unti ay nararamdaman ko ang panlulumo sa sarili ko. Kaharap ko iyong babaeng gusto ni Ashtim. Kaharap ko siya at titignan palang kaming dalawa ay alam na kung sino ang mas lamang.
BINABASA MO ANG
Reaching The Unreachable (COMPLETE)
RomanceHave you ever wonder what would it feels like to Reach the Unreachable? ****** Second Generation: Ashtim Éternelle Walter
