Roshan
Gabi at kakatapos naming kumain ng hapunan. Nauna na ako sa kwarto habang siya ay nasa baba pa dahil mayroon daw itong kailangang tawagan. Hindi ko na tinanong kung sino ang kailangan niyang tawagan. It may be for business for all I know.
Narito ako sa veranda habang nakatitig sa maliwanag na buwan. Dumiretso agad ako dito pagkatapos kong magbanyos, imbes na mahiga. Pumikit ako at dinama ang hangin na mula sa dagat habang naglalaro sa aking tenga ang mapayapang tunog ng alon. Unti-unti ay napangiti na lamang ako na parang tanga. Iniisip ko kung gaano ako katanga sa pag-ibig. Pero wala akong maramdamang pagsisisi doon dahil totoong masaya na ako ngayon.
Who would have thought that he'll be able to love me back? I can still remember back then how confident I am na kaya kong pa-ibigin ang isang Ashtim Walter. I remembered the things I have done para lamang mapansin ako nito. Lahat ng effort kong magpapansin. Now that I think about it...nakakahiya pala ang mga pinaggagagawa ko noon.
But so what? At least panalo ako! Sumugal ako at hindi natalo. All my efforts were all worth it. Kasi nga mahal ko. That I am willing to do everything just to gain his love. At least mayroon akong inani sa aking itinanim.
Natupad ko na ang pangarap ko sa buhay at iyon ay ang mahalin din ako pabalik ni Ashtim. Now that I have reached for that dream, mayroon ulit akong panibagong pangarap. Iyon ay ang mabuhay hanggang pagtanda na kasama si Ashtim at ang bubuoin naming pamilya.
We may had experience adversities in the process of reaching each others hearts, at least we both learned in the end.
Dalawang kamay ang bumalot sa aking bewang mula sa aking likuran na nagpamulat sa aking mga mata at nagputol sa malalim kong pag-iisip. Hindi na ako lumingon dahil kilala ko ang init na ngayon ay unti-unting bumabalot sa aking likuran.
"It's cold out here baby. Halika na sa loob."
Hinaplos ko ang kamay nitong nasa aking tyan. His palm gently moved to touch my growing tummy. I felt him kiss my nape na sanhi ng pagdaloy ng bulta-bultaheng elektrisidad sa aking likuran.
"Our baby.."
Napangiti ako sa ibinulong nito sa aking tenga. Napuno ng pagmamahal at saya ang aking puso ng puno ng apeksyon ang kaniyang boses habang ibinabanggit ang mga salitang iyon.
"Done with your calls? May importante ka bang kailangang asikasuhin Ashtim? Ayos lang ba na andito ka? Hindi ka ba hahanapin sa opisina?"
Ipinatong nito ang kaniyang baba sa aking balikat kaya naramdaman ko ang marahan nitong pag-iling na nagdulot sa aking ng kaunting kiliti.
"No. Dad replaced me for a while. Dad told me na siya na muna ang sasalo sa trabaho ko maibalik lamang kita sa akin. They love you Roshan...and they can't wait to hear from you."
I crooked my head a little more on the side to allow his face to burry more on my neck. Naramdaman ko muli ang mumunting halik na kaniyang ginagawa sa aking leeg.
"Do you want to go home?"
Tanong ko dito. Lumayo ang kaniyang mukha sa aking leeg. I felt his hands pushing me to turn to him and so I obliged. Ngayon ay magkaharap na kaming dalawa. His eyes were twinkling while looking at me intently as the light from the moon shines on it.
"No...I want to stay here, with you Roshan."
Kinapa ko ang kaniyang mukha saka ngumiti.
"But you need to go back quick. You can't let you father handle the business for too long. "
BINABASA MO ANG
Reaching The Unreachable (COMPLETE)
RomanceHave you ever wonder what would it feels like to Reach the Unreachable? ****** Second Generation: Ashtim Éternelle Walter
