Reaching: 25

203 4 1
                                    


Roshan

"N-Nessa..."


Nanghihina kong tawag sa kaniya. Kitang-kita sa mga mata niya ang galit at sakit sa lahat ng narinig. Her eyes were on me pero ng nalipat ito kay Ashthy ay walang kasing sakit ang ipinakita nitong ekspresyon sa kaniyang mukha. Lumingon ako kay Ashthy hoping he'll do something about it. Baka makausap niya pa si Nessa at sabihin niyang hindi totoo ang lahat ng sinabi niya!

Ngunit ng lumingon ako sa kaniya ay sa akin pa rin ito nakatingin. Napa awang ang labi ko. Napailing na lamang ako sa dismaya at napailing na lamang sa kaniya bago muling humarap kay Nessa.


"N-Nessa... let me explain-"

Humakbang ako palapit dito ngunit umiling ito sa akin saka patakbong umalis doon. Kinabahan ako, natakot akong sabihin niya ang lahat kay Ashtim. Lahat ng kaniyang narinig. 

"Nessa!"

Humarap ako kay Ashthy at binigyan siya ng matatalim na tingin bago ako tumakbo para sana habulin si Nessa ngunit napahinto ako sa tapat ng awang ng pinto ng makita kung ano iyong nahulog kanina.

Napasinghap na lamang ako ng makita kung anong bagay iyon. Nanginig sa takot ang aking sistema ng makitang isa rin iyong pregnancy test. Nessa is also pregnant! 

Nanginginig ko itong pinulot saka muling nag martsa pabalik kay Ashthy. Sa galit ko ay ibinato ko ito sa kaniyang dibdib.

"Ngayon mag sisi ka! She's pregnant like me Ashthy! Buntis si Nessa! Buntis siya sa anak ninyo!"

Nakita ko ang gulat sa kaniyang mga mata ng makita ang pregnancy test na ngayon ay nasa sahig ulit dahil sa pagbato ko nito. Hindi ko na hinitay pa ang sasabihin nito at tumakbo na ako para hanapin si Nessa. Buntis siya! Sana lang ay hindi ito nag maneho papunta dito. 

Kinakabahan ako habang tumatakbo papunta sa parking lot. Nang makarating ako doon ay hinanap ko siya sa kabuoan ng parking lot but I didn't see her. 

Oh god, please...please be safe Nessa. Please..

I tried calling her phone but it just keeps on ringing. Hindi ako nito sinasagot. Hindi na mapigil sa pag-agos ang aking mga luha. Kinakabahan ako ng sobra dahil baka mapano si Nessa. Baka mapano ang batang dinadala niya! My god Roshan! Anong ginawa ko? Ano itong nagawa ko!?

Sinubukan ko ulit siyang tawagan habang patuloy na umiikot sa loob ng parking lot. Paki-usap, sagutin mo ang tawag ko Nessa! Jusko...ano itong nagawa ko. Kinakabahan ako. Sana lamang talaga ay na taxi ito at hindi nag dala ng sariling kotse. 

Nang hindi ko na talaga siya mahanap sa parking lot ay pumasok ulit ako at sa loob nag hanap. Maybe she didn't went out? Siguro ay nasa loob pa ito. Tama... baka nasa ladies room ito. Hindi ba ay iyon ang takbuhan ng mga babae tuwing umiiyak?

Madali akong naghanap sa lahat ng ladies room na alam ko pero ni isa doon ay wala siya sa loob. Mas lalo akong kinabahan dahil hindi ko pa rin siya nakikita.

I was about to give up at bumalik sa unit ni Ashthy upang awayin ito ng nakatanggap ako ng mensahe mula kay Thea.

From Thea:

Sinugod si Nessa sa ***** hospital! Ashtim said she was bleeding! Please come here quick. Tito Rein is fuming mad at magsasampa daw ito ng kaso kay kuya Ashthy. 


Nahilo ako ng dahil sa nabasa. Mabuti na lamang at nakahawak pa ako sa ding-ding kundi ay malamang lumagapak na ako sa sahig. Umiiyak akong tumakbo palabas ng building at sumakay ng taxi papunta sa ospital na binanggit ni Thea sa akin. 

Reaching The Unreachable (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon