Reaching: 2

364 5 0
                                        


Roshan

Tulad ng gusto niyang mangyari ay sabay kaming kumain ng breakfast. Sa sala set kami ng office niya kumain. Syempre! Ang binili kong breakfast namin ay iyong mamahalin talaga! Of course! I want what's best for my future.

Hindi ko magawang kumain ng tama dahil sa tuwing lilingunin ko siya ay napapatitig na lamang ako sa kaniya bigla. Did he know how sexy his jaws are whenever he's chewing his food? Sa bawat pag galaw ng panga nito upang ngumuya ay tila napupunta ako sa isang lugar na kung saan siya lang ang nakikita ko. Ilang beses niya akong nahuhuling nakatitig lang sa kaniya habang kumakain. Kapag ganoon ay iniiwas ko agad ang mga mata ko at nag kukunwaring napapadaan lang ang mga mata ko sa kaniya.

Kumakain lang siya pero halos mangisay na ako sa kasiyahan ko dito. Ang sarap ngumiti at sumigaw sa kilig sa totoo lang. Wala pa siyang ginagawa niyan ha! Paano nalang kaya kung meron na? Damn! Baka mamatay na ako kapag nangyari iyon!

"Finish your food Ms. Legazpi. Marami pa tayong gagawin."

Napakurapkurap ako. See? Ni hindi ko na naman namalayang nakatitig na naman ako sa kaniya. Nakakahiya ka Roshan!

"Y-yes sir."

Dali-dali kong inubos ang pagkain ko habang siya naman ay sumisimsim na sa kapeng binili ko para sa kaniya. I can feel him staring at me. Gusto ko iyon kaya hindi ako ulit lumingon sa kaniya. Malay mo sa pag titig niya sa akin ay marealize niya na ako pala ung future asawa niya diba? I can't let that opportunity slip away!

Pagkatapos kong kumain ay isinara ko na ang styrofoam na pinagkainan ko. Doon ay tumunghay na ako para tignan siya. At tama nga ako, nakatitig ito sa akin! Nakakunot na naman ang noo nito.

His eyes are looking directly on my lips. And damn! Hahalikan na ba niya ako? Is it too early? No way! Pag dating sa kaniya walang maaga, lahat pwede!

"M-Mr. Walter..."

Pagtawag ko dito. Kinakabahan na ako. Makukuha na niya ang first kiss ko! Ngayon na ba iyon? Sana nga!

"Ms. Legazpi, the side of your lips has a sauce. It looks dirty. Para kang batang kumain."

Napanganga ako sa sinabi niya sa akin. Dirty? Ako!? At parang batang kumain? Eh diba siya ang nagsabing bilisan ko ang pag kain dahil marami pa kaming gagawin? Hmmp! Paasa!

I thought he was staring at my lips because he wanted to kiss me. Iyon pala ay may sauce lang sa gilid ng labi ko. Nakakainis naman. Assumera ka kasi Roshan!

Tumayo na ito sa pagkakaupo sa harapan ko, hawak pa rin ang kape sa kaniyang kamay ay naglakad na ito papunta sa desk niya.

"Clean those mess and arrange this for me."

Turo niya sa pinagkainan naming dalawa sa center table saka niya ibinagsak ang napakaraming folrder sa desk ko. That much?! For my first day?!

"U-uhmmm...s-sir."

Aapila sana ako kung bakit napakadami nun ng tignan niya ako ng may naiiritang tingin.

"What now Ms.Legazpi?"

Umiling ako. Sa pag-iling ko ay bumalik na ito sa desk niya. Sungit! Suplado! Pero kahit ganoon ay gusto ko parin siya. Gustong-gusto ko pa rin siya! Bwisit!

Minadali ko na lamang ang paglilinis sa kalat namin sa mesa. Itinapon ko ito sa basurahan saka dumiretso na sa desk ko. I started aranging the files alphabetically. Mahirap mag hanap sa dami nito kaya lunch na ay hindi ko pa rin tapos ang ginagawa ko. Pero nakalahati ko naman na siya. Siguro naman ay matatapos ko na ito mamaya.

Reaching The Unreachable (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon