Roshan
Tatlong linggo na simula ng tumira ako dito sa bahay ni kuya sa San Juan. Walang araw na hindi ko naisip si Ashtim, kung anong ginagawa nito o kung hinahanap niya ba ako. Iniisip ko kung ngayon ay magkasama ba sila ni Nessa? Anong nangyari noong araw na umalis ako? Hinanap niya ba ako? Umiyak ba siya katulad ko?
But there's no use of stressing myself thinking of those things. Galit man siya sa akin o hindi alam kong wala akong pagkukulang. I gave him my all until there was nothing left. Hindi ko rin inilihim sa kaniya na buntis ako... siya ang hindi naniwala sa akin.
Kung talagang mahal niya ako bakit hindi niya ako hinanap sa loob ng tatlong linggo? May kaya siya, hindi imposibleng mahanap niya ako sa isang pitik lamang ng kaniyang mga daliri. Pero hindi, hindi niya ako hinanap.
Sa loob ng tatlong linggo wala akong ginawa kundi ang aliwin ang sarili ko. Nilibot ko ang kahabaan ng tabing dagat, naligo rin ako ng dagat ngunit saglit lang iyon dahil nag-aalala ako sa anak kong nasa sinapupunan ko pa lamang. Mayroon nga akong nakitang mangga sa isang mansyon hindi kalayuan sa bahay ng kuya ko, bigla akong natakam kaya humingi ako sa hardinero nilang naroroon ng mga oras na iyon.
Napag-alaman ko na ang mga Domingo ang nagmamay-ari ng mansyon na iyon. Nasa ibang bansa daw ang pamilya habang ang iba ay nasa Maynila. Mayroon ding mga araw na malakas ang alon ng dagat kaya maramin nag su-surfing. Gusto ko rin sanang maranasan iyon, ngunit dahil buntis ako ay kailangan kong pigilan ang sarili ko. Sa huli ay uupo na lamang ako ng duyan habang pinapanood silang sakyan ang alon ng dagat.
Ngayon ay pababa nang muli ang araw. Naka-upo akong ulit sa duyan at pinapanood ang pagbaba ng araw. Bukas ay darating dito si kuya kasama sina mommy at daddy. Matagal na daw kasi siyang kinukulit nila mommy at daddy na isama sila sa tuwing pumupunta siya dito tuwing weekend.
Nang malaman nila mommy at daddy ang nangyari ay hindi sila nagalit sa akin, naintindihan nila ang paglayo ko at sosoportahan nila ako saan man ako masaya. Natakot ako noong una dahil alam ko sa sarili ko that I have disappointed them. Ang sabi nila ay hindi na iyon ang mahalaga, that the most important right now is my well being lalo pa't nagdadalang tao ako. Unti-unti na ring lumalaki ang tyan ko. Ngayon ay hindi pa ito masyadong nahahalata ngunit kapag tititigan mo naman ay doon mo makikita na medyo lumalaki na ang aking tyan.
I shut my eyes as I felt the cold breeze of the night. Plano kong maghanap ng lupa katulad ng sa rest house ni kuya na malapit sa dagat. Gusto kong doon ako magpapatayo ng bahay at doon kami maninirahan ng magiging anak ko. I want a life like this, peaceful and away from the city. Though I miss the city life sometimes, masgugustuhin ko pa rin ang buhay na payapa katulad nito.
Sa loob ng tatlong linggo ay si Thea lamang ang kinakausap ko sa cellphone ko maliban kila kuya, mommy at daddy. I told her everything. Lahat-lahat, wala akong hindi sinabi sa kaniya. Sinabi ko simula noong pumasok ako as Ashtim's PA hanggang sa narinig ni Nessa ang pag-uuspa naming dalawa ng kuya nito na si Ashthy.
She also wanted to see me at sumama kila kuya sa pagpunta dito kaya hinayaan ko na. Miss ko naman na rin ito since ang tagal na simula ng last bonding naming dalawa. Naging madalang ko itong makita simula noong umiiwas ito kay kuya.
But she's coming together with my brother. Does that mean na nagkaayos na ang dalawa?
Muli kong naramdaman ang malamig na simoy ng hangin kaya tumayo na ako at maglalakad na sana papasok ng bahay ng maramdaman ko ang dalawang brasong yumakap sa akin mula sa likuran. Sa loob ng tatlong linggo ay muli kong naramdaman ang paghuramentado ng puso ko.
BINABASA MO ANG
Reaching The Unreachable (COMPLETE)
RomanceHave you ever wonder what would it feels like to Reach the Unreachable? ****** Second Generation: Ashtim Éternelle Walter
