Roshan
Kaunti lang iyong ibinigay sa akin ni Ashtim na babasahin. Inihiwalay ko ang sa tingin ko ay worth it at iyong sa tingin ko ay scam lang. Oo, scammer ang iba dito dahil halata naman iyon. The way they propose their deals ay hindi makatotohanan. Scammer naman ang tawag doon hindi ba? Iyong iba naman ay ayos lang, sa tingin ko naman ay makakatulong ito sa Hotels nila. Mas marami kasing proposals at deals ang hotel kaysa sa airport nila. Iyon ang napansin ko.
Tumingin ako sa wrist watch ko. It's already 11:54 am. Malapit na ang lunch. Inayos ko na lahat ng documents. Sa kanang kamay ko hinawakan iyong mga proposals na sa tingin ko ay makakatulong, sa kaliwa naman iyong sa tingin ko ay scam. Tumayo na ako sa desk ko at inilang hakbang ang desk ng future ko.
"Sir. Heto po iyong sa tingin ko ay makakatulong sa kompanya," inilahad ko sa kaniya iyong mga dokumentong hawak ko sa aking kanang kamay. Ibinaba niya ang binabasa saka kinuha iyon sa akin at itinabi sa isang sulok ng kaniyang desk.
"...ito naman po iyong—"
"Throw it. After that you may go."
"Eh sir...hindi niyo na po ba babasahin?"
Kumunot ang noo nito. Hindi pa rin naaalis ang tingin sa dokumentong nasa harapan niya.
" If I wanna read it I wouldn't have gave it to you Ms. Legazpi."
Napangiwi ako sa sariling katangahan. Bawas ganda points iyon Roshan!
"Yes sir. Sorry sir. Anyway, anything for your lunch sir? Sabay po kasi kaming kakain ni Anton. Maybe I can get you something to eat?"
Doon niya lang naibaba ang kaniyang binabasa saka malamig na tumingin sa akin. Imbis na manlamig ako sa mga titig niya ay nag-init lamang ang pisngi ko. Ewan ko ba, pero kahit ano pang kalse ang titig na igawad niya sa akin ay bumibilis pa rin ang tibok ng puso ko.
"You have a date with my secretary?"
Date? Wala naman akong date ah! Sasabay lang naman akong kumain kay Anton dahil libre niya at wala akong pera. At saka, kung makikipag-date man ako ay siya lang ang qualified na maging ka-date ko. Over qualified pa nga eh.
"Date? Wala naman akong sinabing date sir ah! May naririnig ka bang hindi ko naririnig sir? Ang sabi ko, sabay lang kami kakain ng lun—"
"Whatever! Just go and quit bothering me!"
Ang sungit talaga ng isang toh! Eh siya nga ang tinanong ako eh. Hmmp! Pero may plano pa rin ako kaya humanda ka sakin Ashtim. Hindi ako papayag na matapos ang araw na ito na hindi kita naliligawan!
"Ok sir. Chill! Ako na po ang bahala sa lunch mo. Bye sir! "
Kinuha ko na ang bag ko sa aking desk saka naglakad papalapit ng pinto, pero bago ako lumabas ng tuluyan ay nilingon ko pa ito. And there I caught him intently looking at me with his dark intense brooding eyes. Napalunok ako at tila ba nawala sa isip ko ang sana ay sasabihin ko.
Napakagat labi ako.
"Huwag masyadong ikunot ang noo sir. Try smiling a bit. Mas gumagwapo kasi ang isang lalaki kapag nakangiti sir! Not that you look bad when you're all serious, but—"
"Aren't you gonna get me my lunch Ms. Legazpi?"
"Y-yes sir."
"Then quit talking and just go!"
"Oo na! Ito na! Ikaw naman Sir di makapaghintay. Ihain ko sarili ko sayo diyan ng makita mo."
Ibinulong ko ang huli kong sinabi na nagpakunot ng noo nito. Syempre! Saka ko na iyon sasabihin kapag kami na!
BINABASA MO ANG
Reaching The Unreachable (COMPLETE)
RomansHave you ever wonder what would it feels like to Reach the Unreachable? ****** Second Generation: Ashtim Éternelle Walter
