Roshan
Nang gabing iyon din ay maaga akong kumain ng hapunan at dumiretso na sa aking kwarto pagkatapos upang matulog. I wanted to text Ashtim but I restrained myself. It's his time for his family, ayaw ko namang maging abala lalo pa't aalis at magbabakasyon ang mga magulang nito sa ibang bansa.
Pinagod ko na lamang ang sarili sa mga gawaing hiningi ko kay Anton through email. Tinapos ko na rin ang iilang kailangan gawin para sa anniversary ng Walter Empire. Nang matapos na ay humiga na ako sa aking kama at naghandang matulog. Hindi ganoon naging mahirap kuhanin ang tulog kaya maaga akong nakatulog. But before I finally sleep, nagawa ko pang mag goodnight text kay Ashtim.
I hope they're enjoying their time together.
Kinaumagahan ay maaga akong nagising kaya maaga rin akong nakaalis papuntang opisina. Wala pa si Anton nang makarating ako sa sarili kong desk.
Bumaba nalang muna ako para bumili ng hot choco at sandwich na rin since hindi pa ako nakakapag-umagahan. Ubos na ang grocery ko kaya kailangan marami akong matapos na trabaho mamaya para makapag-out ako ng mas maaga. Doon ay titingin na rin ako ng maisusuot ko sa anniversary. Champagne dress right? Iniisip ko pa lamang na terno kami ng kulay na susuotin ay napapangiti na ako. It's as if a silent way of telling the world that I am his girl. Ang pinakahihintay kong mangyari ay nangyayari na.
Para akong tangang may ngiting naglakad pabalik sa aking floor. Marami ang napapasulyap sa akin sa hindi ko malamang dahilan. Pumasok na lamang ako sa elevator at hindi na sila pinansin. Pag-angat ko ng aking paningin ay sinalubong ako ng seryosong tingin ni Ashtim.
I smiled at him. Seryoso na naman ang mukha nito. Ang aga naman ata niyang mag sungit?
"Good morning sir."
Pagbati ko na tinanguan lamang nito. I felt a little disappointed. Mayroong pamilyar na kirot ang lumandas sa aking puso. He's being cold to me. Maybe because we're at work? Oo, siguro iyon nga. Sa bagay, marami din kasing mata ang nakatingin sa amin.
Ipinagsawalang bahala ko na lamang iyon at hinintay ang paglapag ng elevator sa floor namin. Both of us got out ngunit nakalabas na kami't lahat-lahat ay hindi pa niya pa rin ako tinapunan ng pansin. Doon ay kinabahan ako. Is this all about that night? Did he regret what happened to us the other night? No....he even called me right? Ano toh? Hindi kita maintindihan Ashtim.
Naupo na ako sa sariling desk at nagsimula na sa mga gawain. Inayos ko ang schedule ni Ashtim at isinend via email niya ang iilang mga importanteng meeting na kailangan nitong puntahan. Full ang schedule nito hanggang hapon. That just meant hindi ko siya makikita ng ganoong kadalas.
I sighed and just finished my job. Nang mag lunch na ay ako na mismo ang pumasok sa opisina nito. Kumatok muna ako bago pumasok.
"Sir, lunch na po. Ano pong gusto niyong kainin?"
"You could've just called me through the telephone Ms. Legazpi."
Kumirot ang puso ko sa sinabi nito. I just wanted to see him, masama ba iyon?
"I just...wanted to check up on you myself Ashtim. "
Nagpatuloy ito sa ginagawa, hindi man lang ako nito tinapunan ng tingin. Mas lalong kumirot ang puso ko dahil doon. Anong problema? Bakit hindi nito ako pansinin? May nagawa ba akong mali?
"Jut get me anything. I'm busy right now."
Gusto ko pa sana siyang tanungin kung may problema ba. Ngunit pinili ko na lamang manahimik at sundin ang sinasabi niya.
Malungkot akong naglakad papuntang cafeteria. Wala na si Anton sa desk nito nang makabalik ako dala ang pagkain namin ni Ashtim. This past few days tila ba ay hindi ako masyado nang inaaya ni Anton. May girlfriend na kaya iyon?
Siguro nga. Hindi ko na iyon inisip at inilagay na lamang ang sariling pagkain sa aking desk saka dumiretso na kay Ashtim.
BINABASA MO ANG
Reaching The Unreachable (COMPLETE)
RomanceHave you ever wonder what would it feels like to Reach the Unreachable? ****** Second Generation: Ashtim Éternelle Walter