Reaching: 1

800 9 0
                                    

Hello guys!! Excited na ba kayo sa kwento ni Ashtim! Pwes ako din!!! Wala nang masyadong sali-salita! Let's get this started!

Sana po ay magustuhan niyo :)

Enjoy!

️❣️❣️❣️❣️❣️❣️❣️❣️❣️❣️

Roshan

I grabbed a piece of bread on the table and put it on my mouth. Nag mamadali ko itong nginuya bago kinuha ang baso ng gatas upang ito ay inumin.

"Iha are you sure about this? You can have your experience to our own company! Hindi mo naman kailangan pang lumayo anak."

Nilagok ko na ang nahuhuling patak ng gatas bago ito ibinabang muli sa mesa at hinarap ang aking ama at ina na ngayon ay nag-aalalang nakatingin sa akin. Actually hindi naman nila kailangang mag-alala. I am reaching for my dream! Hindi ba pwedeng maging masaya nalang sila sa akin? Not that they know what my true intentions are, kaya, reasonable naman siguro na mag-alala sila sa akin right?

"Mom, Dad, I'll be fine. At saka, isa pa, alam ko namang mag kakaroon ng special treatment sa akin kung sa sarili nating kompanya ako kukuha ng experience. Gusto ko rin naman pong malaman kung ano ba talagang pakiramdam ng totoong empleyado mi,di."

Not that I really aim for the experience though. Kung wala lang talaga akong pangarap ay bakit hindi ko pagsisilbihan ang kompanyang bumubuhay sa akin hindi ba? It's just that, I want to reach for that one dream no one can ever have, except from me of course, dahil gagawin ko ang lahat basta ba mapasaakin lang siya

"Experience? Really sister?"

Nilingon ko ang kuya ko na ngayon ay may ngisi nang nakakaloko sa akin. Damn this one! Bakit ba kasi parehas sila ng circle of friends ni Ashtim? Inirapan ko ang kuya kong hindi matanggal-tanggal ang nakakalokong ngisi sa labi. Ghad! Ang sarap tirisin!

"Yes kuya, experience. So shut up ka nalang at ihatid mo na ako sa Real Estate ng mga Walter. In that way, maybe you can help."

May diin sa bawat salitang sinabi ko. My brother just chuckled on my runts. Ewan ko ba kung paano ako nakakatagal sa lalaking ito! Tss.

He's Roshan Arthur Legazpi, my jerk of an ass brother. How unfortunate for me to have a brother like him. Lagi ako nitong inaasar at iniinis. But I am still thankful for him. Kung hindu dahil sa kaniya ay malamang hindi ko makikilala ang lalaking pakakasalan ko.

Yeah, I am claiming him already as mine. Dahil sa bandang huli ay sa akin pa rin siya mapupunta. I'll make sure of that.

Kinuha ko na ang bag ko na nasa isang upuan at saka ito isinukbit sa aking balikat. Tumingin ako sa kuya ko saka siya tinaasan ng kilay. Ang sarap tanggalin ng bibig nito sa totoo lang, para matanggal ang nang-aasar nitong nagisi sa akin!

Mabuti nalang at hindi iyon napapansin nila mommy! My ghad! Paano nalang kung makaramdam ang mga magulang ko? Paano nalang ang kinabukasan ko?

"Stop grinning and just drive for me!"

Naiirita ko nang sabi sa kaniya na tinawanan lang ako.

"Relax sis! It's not as if may makakaku—"

Hindi ko na siya pinatapos pa at ako na ang kumaladkad sa kaniya papalabas! Damn this man! Ibubuko pa ako sa parents namin! Arrghh!

Bago kami tuluyang makalabas ng bahay ay narinig ko pa ang pag sigaw ni mommy na mag-ingat daw kami sa daan.

Hindi na ako lumingon para sagutin si mommy. Mamaya ay baka kung ano pang masabi ng magaling kong kapatid.

Reaching The Unreachable (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon