Roshan
Mataas na ang sikat ng araw ng magising ako. Agad akong tumakbo ng banyo dahil hinahalukay na naman ang sikmura ko. Pagkatapos kong mag suka ng ilang minuto ay naligo na rin ako at nag-ayos ng sarili bago bumaba at tumungo sa kusina.
My mouth watered when I smelled pancakes across the living room. Madali akong naglakad at pagpasok ko ay tumambad sa akin si Ashtim na nakasuot ng apron habang inilalagay sa mesa ang pancakes na ginawa nito. May strawberry syrup pa sa tabi na mas nagpadagdag ng aking gutom.
Tumunghay ito sa akin at saka ngumiti. Agad nag huramentado ang puso ko makita lamang siya. Umiwas ako ng tingin at hindi ipinahalata ang epekto nito sa akin. Ayaw kong malaman niya kung gaano ko pa rin siya kamahal. Aminin ko man o hindi, desidido na akong huwag siyang papasukin ulit sa buhay ko. Natatakot na akong mawasak niya ulit gayong unti-unti ko ng binubuo ang sarili ko.
"Good morning baby! Come eat breakfast, I cooked pancakes for you. Pinagtimpla na din kita ng gatas. Anything else you want to eat baby?"
Bumuntong hininga ako bago muli siyang tinignan saka sinamaan ng tingin.
"What are you still doing here? Hindi ba sinabi ko sayong umuwi ka na?"
Umiling ito't ngumuso. What the hell!? He knows how to pout now huh? Damn it! Gutso kong matawa dahil sa inaasta nito. Pero pinigilan ko ang sarili ko't pinanatili ang sama ng tingin ko dito.
Really Roshan? A small pout can melt you anger away from him? Alalahanin mong ipinagtabuyan ka niya kahit pa sinabi mong buntis ka! Hinayaan ka niyang umalis mag-isa knowing that you're pregnant! Hindi siya naniwala sayo! Hindi ka niya mahal! Ginamit ka lang niya kaya dapat lang na magalit ka sa kaniya!
"Nope, I won't leave. Hindi ako aalis hangga't hindi mo ako napapatawad Roshan. Even if I have to sleep every night inside of my car ayos lang. I'll stay here until you learn to forgive me. I love you baby, now let's eat."
Tumaas ang kilay ko. Talaga lang ha?
"Kakain ka?"
Pabalang kong tanong dito ng pa-upo na ito sa upuang katapat ng inuupuan ko. Napahinto ito sa pag-upo't napalunok.
"A-Ahh o-oo nga pala. B-Busog pa pala ako. K-Kain ka na...magpapalamig lang ako sa tabing dagat. Just call me if you need anything."
Naglakad na ito palabas ng pinto papunta sa tabing dagat. Bumuntong hininga ako ulit bago kumuha ng pancake at nilagay sa sariling pinggan. Kumuha din ako ng isa pang pancake at nilagay sa ibang pinggan. Nilagyan ko ng syrup ang dalawa.
"Manang patimpla naman po ako ng kape. Pakibigay po iyong kape at pancake sa lalaking iyon. Huwag niyo pong sasabihin na sa iniutos ko po sa inyo. "
Saad ko kay manang na kanina pa nanonood sa aming dalawa sa gilid ng kusina. Alam kong gusto nitong magsalita tungkol sa mga nangyayari sa aming dalawa ni Ashtim. Pero wala itong magagawa dahil hindi naman ako nito ganoon pa kilala. I know she's thinking of her boundaries as just a house maid. I like her because of that.
Ngumiti nalang ako dito at nagsimula ng kumain. Agad sinunod ni Manang ang gusto kong gawin nito at lumabas na para ibigay ang kape at pancake kay Ashtim. Nagulat ako ng pagbalik nito ay dala-dala pa rin nito ang tray na naroon pa rin ang kape at pancake na pinabibigay ko. Nangunot ang noo ko sa nakita.
"Ano yan Manang? "
"Eh ayaw niyang tanggapin iha. Ang sabi niya'y baka kulang sayo ang pancake kaya ibigay nalang daw sayo. Ewan ko nga sa batang iyon at hindi pa kumain kagabi. "
Napaawang ang labi ko. Damn it! Is it my fault then? No! I am giving him a choice, he can decide to leave or stay. And he decided to stay. Kaya hindi ko kasalanan kung mamatay ito sa gutom! Besides, hindi ko naman ipinipilit sa kaniya na manatili dito. Bahala siya sa buhay niya!

BINABASA MO ANG
Reaching The Unreachable (COMPLETE)
RomanceHave you ever wonder what would it feels like to Reach the Unreachable? ****** Second Generation: Ashtim Éternelle Walter