Reaching: 9

193 4 0
                                        

Roshan

Bago ako nag simulang mag luto ay inayos ko muna ang mga natitirang mga groceries na asa loob pa ng mga plastic bags. Iniwan ko sa mesa ang mga kakailanganin kong ingredients para sa curry na gustong kainin ni Ashtim.

Una ay nag saing ako ng kanin na sakto lamang para sa aming dalawa. Habang naluluto ang kanin sa kalan ay nag simula na akong mag hiwa ng carrots at patatas. I pan-fry the potatoes and carrots hanggang sa mag brown ito ng kaunti. I also like to briefly saute the bell peppers as it draws out their natural sweetness.

Inilagay ko na ang chicken at saka ito nilagyan ng tubig para maluto ang manok.

Hindi matanggal ang ngiti ko habang nag luluto. Hindi talaga matanggal sa isipan ko na kakain siya ngayon dito ng dinner. It's like a dream come true. Na uuwi siya sa akin pagkatapos ng trabaho. That I just can't keep my smile to myself.

Tinignan ko ang kanin at nakita itong luto na kaya pinatay ko na ang apoy nito saka ulit bumaling sa curry na niluluto ko.

For a smooth and creamy sauce, I cooked it in a gentle simmer lest the coconut milk curdles. Hinalo ko na ang curry powder at hinayaan itong maluto ng ilang minuto. I slow cooked it to give a boost to its spices to release their flavors.

Hinintay ko na lamang itong maluto ng ilang minuto pa. Hindi ko muna ito isinalin sa isang bowl dahil wala pa naman si Ashtim.

I looked at the wall clock at nakitang 6:45 na ng gabi. May oras pa ako para makapag handa.

I took off my apron. Pinatay ko muna ang gas tank bago umakyat na sa aking kwarto para makaligo at makapag-ayos. I took my time getting ready. Tutal ay seven ang umpisa ng meeting niya. May oras pa ako para mag ayos ng mabuti ng aking sarili.

Pagkatapos mag babad ng ilang minuto sa bathtub ay naisipan ko na ring mag shower. After that lumabas na ako ng cr. I checked my phone for the time and it's already seven. Siguro ay nag umpisa na ang meeting niya. Pumasok na ako sa walk in closet ko dito sa loob ng kwarto ko. It wasn't that big but it is big enough for my everyday clothes. Pumili ako ng isang blue sunday dress na off shoulders at iyon ang isinuot.

Matapos masuot iyon ay lumabas na ako doon at naglakad sa harap ng salamin. I blow dried my hair and tied it in a bun. I let some loose curls hang on my face to give it a frame. Nang matapos ay pinakatitigan ko ang aking sarili sa salamin. Nag tatalo ang isip ko kung mag me-make up pa ba ako o hindi. Kapag hindi ako nag make up, my face looks so normal, kapag naman nag make up ako baka isipin niyang masyado ko itong pinag handaan. Well, with what I can see now masyado ko ngang pinag handaan.

I already smell like sweet roses dahil sa pag bababad ko sa bathtub kanina para lamang mag-amoy mabango sa harapan niya. I even tide my hair in an elegant bun. And looking at my dress I look like I'll be going on a date!

Is it too much? Mag palit nalang kaya ako ng mas simple? But I wanna look beautiful in front of him! I wanna look more beautiful than Nessa! I have no skin as white as her's but I have this fair complexion and I can't do anything about it but to enhance it. Para naman kahit papaano matatawag ko ang sarili kong kasing ganda niya kahit wala pa ako sa kalingkingan ng kung gaano man ito kaganda.

I sighed, sa huli ay pulbo at lipbalm lang ang nailagay ko, like the usual. My cheeks aren't red but it's pinkish so I think that'll do. Kinuha ko ang aking pabango amd sprayed a little bit on my body. Nang sa tingin ko ay ayos na ako ay doon lamang ako bumaba. Holding my phone on my hands I checked if he texted me.

It's already 7:28. Ganoon ba talaga ako katagal nag-ayos? Hindi pa nga ako nag make up nun eh!

Umupo nalang muna ako sa couch para mag hintay sa kaniya. I opened the television to entertain me. Palipat-lipat ako ng channel looking for a good show to watch. Ngunit sa huli ay nanood na lamang ako ng news.

Reaching The Unreachable (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon