Roshan
Nagising akong puting kisame ang bumungad sa akin. I tried getting up from the bed.
"Hey, easy there little sis."
Bumaling ako sa nagsalita, nakita ko si kuya na ngayon ay tumayo ng upuan upang alalayan ako sa pag-upo.
"Nasaan ako kuya? Anong nangyari?"
He looked at me with his serious eyes. Na tila ba napakabigat ng kasalanang nagawa ko sa mundo. Oh? Ano na namang ginawa ko? Kakagising ko lang ah!
"You were having a severe tummy ache Roshan. Ashtim brought you here. Ano bang kinain mo at halos nahimatay ka na sa sakit ng tyan mo?"
Dahil sa sinabi ni kuya ay bumuhos sa akin ang alaala nang nangyari kanina. Oo nga pala. Kumain ako ng coffee crumble flavored na ice cream at kalaunan ay nanakit ng sobra ang tyan ko. Naalala ko rin ang pinakaunang pagkakamali kong kilalanin kung sino sa dalawa ang nasa harapan ko noon.
Pero si Ashthy ang tinawagan ko noon. Bakit siya ang dumating? Diba ay galit siya sa akin? Naaalala ko palang ay nalulungkot na ako. Hanggang ngayon ay wala akong maramdamang pagsisisi sa sistema ko sa ginawa ko huwag lang silang mapalapit sa isa't-isa. Nalulungkot ako dahil lalayo na naman ako sa kaniya. Ang hirap pa man ding hagilapin ng isang yun!
Pangalawa ay nasasaktan pa rin ako sa mga sinabi niya sa akin. Kung alam niya kaya ang dahilan kung bakit ko yun ginawa ay hindi niya kaya iyon masasabi sa akin?
"Roshan Love Legazpi, at saan na naman ba lumilipad iyang utak mo? The doctor said babalik siya dito pagkatapos ng test sayo para malaman kung bakit nananakit iyan tyan mo."
"I ate coffee crumble flavored ice cream kuya. The reason why I drink milk instead of coffee tuwing umaga ay talagang sasakit ang tyan ko. Pero cremel-S lang naman ang katapat nun, huwag kang mag-alala. Sadyang minamalas lang ako ngayong araw na ito."
Ngumungusong sagot ko sa kuya ko na mariin pa rin ang titig sa akin.
"You know it's bad for you bakit ka parin kumain!? Goodness Roshan! Do you know how worried I am nang tawagan ako ni Ashtim para lang ibalita sa akin na itinakbo ka niya sa ospital? Akala ko ay napano ka!"
Napayuko nalang ako. I know it's my fault. Hindi ako pwedeng magdahilan dahil sa sitwasyon ngayon ako naman talaga ang may kasalanan. I made him worried. At kahit kailan ayaw na ayaw niyang nababalitaan na may nangyayari sa aking masama. Kaya nga ayaw niya nang ginagawa kong pag hahabol kay Ashtim eh. Alam niya kasing masasaktan lang ako.
"I know. I'm sorry kuya. Hindi na mauulit."
Tinignan ko siya nang may nagsusumamong mga mata. Napabuntong hininga na lamang ito bago halikan ang aking noo. Napangiti na lamang ako sa ipinapakitang sweetness sa akin ng kapatid ko. After all, I am their one and only princess.
"Do you wanna eat something? Habang hinihintay natin ang results ng tests mo. Baka may gusto kang kainin?"
Umiling ako kay kuya. But I wanna know something.
"Kuya asan si Ashtim?"
I heard him groan bago umirap sa akin.
"Tigilan mo ako Roshan Love."
I pouted, "Sige na kuya. Please? Asan siya? Diba siya ang nag dala sa akin dito? Bakit wala siya dito sa loob ng kwarto ko?"
Bumaling ito sa akin ng may matalim na tingin.
"Do you really know I don't know anything Roshan?"
Napakagat labi ako. Hindi ko alam kung paano niya nalaman. Wala naman akong pinagsabihan at tanging si Thea lang at si Ashtim ang nakakaalam ng kalokohang ginawa ko.
BINABASA MO ANG
Reaching The Unreachable (COMPLETE)
RomanceHave you ever wonder what would it feels like to Reach the Unreachable? ****** Second Generation: Ashtim Éternelle Walter
