Roshan
Pagkatapos kumain ay nagkayayaan sila kuya na maligo ng dagat. Napansin ko na medyo malapit na si Thea kay kuya ulit, nagtataka nga ako kung ano nang nangyayari sa dalawa. Sina mommy at daddy ay sumamang maligo kila kuya ngunit nasa mababaw lamang sila habang ako ay naiwan sa may duyan habang pinapanood silang naliligo.
Pagkatapos ata ng limang minuto sa umahon na sina mommy at daddy habang sina kuya naman at Thea ay nawala na sa paningin ko. Nasaan na ang dalawang iyon?
"Enjoying the beach mom?"
Tanong ko kay mommy pagkarating nila sa pwesto namin sa ilalim ng umbrella tree kung saan ibinaba ni mang Canor ang isang plastic na mesa at iilang mg upuan para magamit. May mga soft drinks at chips din na nandoon. Iyon ang nilalamutak ko habang nanonood sa kanilang maligo.
"It was so fun anak! I missed the beach so much! Bukas naman ay saan tayo pwedeng pumunta? Pwede ka bang bumyahe anak? Kahit mamasyal lang sana tayo bago kami umuwi."
Ngumiti ako kay mommy at tumango, tatanungin ko na lamang ang doctor na tumingin sa akin kung pwede akong sumama at mamasyal.
"Sige po ma. Tatanungin ko po ang doctor ko kung papayagan ako nitong bumyahe. And about sa pasyalan dito sa La Union I think it's best to ask kuya tutal ay siya naman ang maalam patungkol diyaan ma."
Tumango si mommy saka nagkibit ng balikat. Si daddy naman ay kumakain lamang habang nakikinig sa amin ni mommy.
"Sa bagay. Ewan ko ba sa kuya mo at talagang gustong-gusto nito ang probinsya. I can't blame him though, the beaches here are so nice!"
Madami pang ikinuwento sa akin si mommy habang kumakain ito lalo na ang naging business trip nila ni daddy. Nakinig lamang ako at paminsanminsan ay sinasagot ang iilang tanong nito. Ng medyo bumaba na ang araw at hindi na maysadong mainit ay naligo ulit sila mommy at daddy habang sila kuya naman at Thea ay nawawala pa rin. Hindi ko mapigilan ang ngiting bumalot sa labi ko ng maisip kung anong posibleng nangyayari sa dalawa.
Umiling-iling na lamang ako at pinanood ulit sila mommy at daddy na masayang nagbababad sa dagat. Napangiti ako dahil hanggang ngayon ay hindi nagbago ang turingan nilang dalawa sa isa't-isa. They're still so in love with each other kahit pa lumipas na ang madaming taon.
Bumigat ang dibdib ko at napayuko na lamang sa aking mga daliri. Akala ko, katulad nila mommy at daddy ay makakatagpo din ako ng ganoong klase ng pagmamahal. I was really hopeful then. Masyadong mataas ang kompyansa ko sa sarili ko na maaakit ko si Ashtim. At ng akala kong nagtagumpay ako ay doon naman ako ginising ng katotohanan.
Natawa ako ng mapakla. Thinking about it now makes me feel so pathetic. Ashtim was my first love, my first kiss, my first with everything. Ibinigay ko sa kaniya ang lahat, isinugal ko ang lahat sa pagkakaalam na sa larong ito ay ako ang mananalo. Na kaya kong abutin ang hindi nila kayang abutin. Malaki ang naging tiwala ko sa sarili ko na kaya ko siyang paibigin kung mamahalin ko lamang siya ng lubos. Umasa ako na sa pagmamahal ko sa kaniya ay matututunan niya rin akong mahalin.
But I was so stupid, thinking that by giving your all means they'll be able to reciprocate it back. That by showing them that you love them so much might make them love you with the same intensity. Akala ko sa paraan ng pagbibigay sa kanila ng sobra-sobrang pagmamahal ay magagawa ka na ring mahalin ng taong iyon, na nakalimutan kong isipin that love should never be forced.
Siguro iyon ang pagkakamaling nagawa ko. Ipinilit ko sa kaniya ang pagmamahal ko na sa huli ay ang dahilan ng pagkawasak ko. Ipinilit ko ang pagmamahal ko sa kaniya na hindi ko dapat ginawa. Love should be willing, it should never be forced.
BINABASA MO ANG
Reaching The Unreachable (COMPLETE)
RomanceHave you ever wonder what would it feels like to Reach the Unreachable? ****** Second Generation: Ashtim Éternelle Walter