Reaching: 14

182 3 1
                                    

Roshan

"Let's go, I'll take you home."

Hindi ako gumalaw . I am still shocked with what he said. Ibig bang sabihin nito, ay may nararamdaman na rin siya sa akin? Is he really falling for me now? And what brotherhood? What's that supposed to mean?

"I...I have my car with me."

Nanatili pa rin sa akin ang mga titig nito. Tila ba nananantya. Pinapanood bawat reaksyong ginagawa ko.

"Then I'll be behind you. Saan ka nag park?"

Parang tanga akong tumingin sa paligid looking where I parked my car. Nang makita ko ito ay itinuro ko iyon. Bumaling naman doon ang paningin niya.

"Go get your car and I'll get mine as well. Hihintayin kita dito."

Tumango ako sa sinabi niya at parang maamong tutang naglakad papunta sa sarili kong sasakyan. Habang naglalakad ay tumingin pa akong muli sa gawi nito. He's still there, standing while watching me walk my way to my car. Binilisan ko ang paglalakad. I half run para lamang makarating akong agad sa sasakyan ko and when I finally got there. Sumakay na ako't inistart ang engine. And just like he said. He was already waiting for me. Nakastart na rin ang sasakyan nito at nang lagpasan ko siya ay doon lamang umandar ang sasakyan niya. He's following me like he said. It was a 15 minutes drive from my condo unit.

Pagkapark ko ay nagpark din ito katabi ng sasakyan ko. Nauna itong lumabas kaya nagkukumahog akong kuhanin ang pouch ko sa passenger seat saka lumabas.
He's already waiting for me at the side of my car. He was leaning there not until I got out. Lumapit ako dito, doon ko lamang napansin ang isang itim na leather jacket na hawak nito.

"Wear this."

Isinuot nito sa akin ang hawak na leather jacket. I was just staring at him while he helps me wear it . Nang matapos siya ay tumitig ito pabalik sa akin.

"Throw this dress. You're not wearing them anymore."

"What?!"

Nauna na itong naglakad. Sumunod ako dito.

"But this is expensive! At saka, iilang beses ko palang itong nasusuot! I'm not throwing it away!"

"Send me the amount of that dress and I'll transfer it to your bank account."

Tumigil ito sa paglalakad saka humarap sa akin kaya napatigil din ako.

"I don't care how many times you have worn it. If I see you again in this kind of dress I swear Ms. Legazpi, I'll undress you."

Umakyat lahat ng dugo ko sa aking mukha ng dahil sa sinabi niya. Hindi pa sana ako maglalakad nang dahil sa gulat ay hinawakan na nito ang aking kamay para magpatuloy sa paglalakad

Nakayuko ako hanggang sa makapasok kami sa unit ko.

"Go change. And give me that dress. Ako ang magtatapon."

"But Ashtim—"

"I'll double the amount, just give me the digits. Go."

"Ok fine! I won't wear this again but I won't throw it away, ok? And you don't have to pay for it, hindi ko naman iyon kailangan."

Tumitig lamang ito sa akin. Para bang sinisiguro nitong tutupad ako sa usapan. I rolled my eyes. Hindi ko alam na ayaw niya pala sa mga ganitong damit. But I saw Nessa wear this kinds of dresses at parties before. Bakit siya hindi niya pinagbabawalan?

"Throw it, hindi mo naman na pala gagamitin. I'll buy you new dresses if you want. Just throw that thing away."

"Ashtim naman..."

Reaching The Unreachable (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon