Roshan"Oh? Anong nangyari sayo? Para kang namatayan Roshan."
Tawa sa akin ni Thea na sanhi ng pag nguso ko. Pabagsak kong ibinaba sa desk nito iyong mga files na gustong ipabigay dito ni Ashtim.
"Ipinabibigay sayo ng magaling mong kapatid!"
Dahil sa inaasta ko ay mas lalo lamang itong natawa. Ano bang meron sa mga tao at lagi nalang akong pinag tatawanan? Nakakatawa na bang nawawasak ang puso ko ng dahil sa Ashtim na yan!? Nakakainis naman eh! Masakit kaya!
"Geez Roshan! What happened? Aba't bakit parang kinamumuhian mo na ngayon ang kuya ko?"
Ngingisi-ngisi parin nitong saad sa akin. Pasalampak akong naupo sa upuang nasa harapan nito sabay ekis ng aking mga braso sa ibaba ng aking dibdib.
"Why didn't you tell me? Thea naman eh! Sana naman sinabi mo sa akin na sila na pala ni Nessa nang nakapag ready ako!"
Dahil sa sinabi ko ay napatigil ito sa katatawa saka ako binalingan nang may pagtataka sa kaniyang mga mata. Don't tell me hindi niya alam? O baka naman kani-kanila lang naging sila at wala pang announcement na nagaganap?
"What the hell are you saying now Roshan? Nahihibang ka na ba?"
I snorted, " Thea, naroon kanina si Nessa giving Ashtim a cooked lunch! Habang may free massage pa! Do you know how heart breaking it is seeing them smiling at each other as if nothing ever matters at all?"
Nangilid ang mga luha ko nang maalala ang naabutan kong sitwasyon nila kanina. Nag halo ang pait, inggit at sakit sa aking sistema. Hindi ko na rin alam kung paano pa ako nakakasalita nang maayos ngayon gayong tila mayroon na namang nakabara sa aking lalamunan.
Thea sighed when she saw how serious I am and how my tears swelled because of the memory.
"Roshan, I don't know anything ok? Pero ang alam ko ay Si Ashthy ang gusto ni Nessa. Although I admit, Kuya Ashtim likes ate Nessa. But they're impossible to happen lalo na't ate Nessa is head over hills in love with my brother Ashthy. Iyon ang alam ko Roshan. Hindi ko na sinabi sayo kasi akala ko hindi na yun importante since Nessa likes Ashthy so much."
Medyo gumaan ang kalooban ko ng kaunti dahil sa kaalamang si Ashthy ang gusto ni Nessa. But knowing that Ashtim do really like Nessa is keeping the pain inside. Isa lang ang gusto kong malaman sa ngayon.
"Do I have a chance Thea? "
She smiled at me before answering.
"The choice is not his nor mine Love. Nasa sa iyo yan. Will you let your chance slip away?"
Tila ba dahil sa narinig ay nabuhayan ako ng loob. Tama siya! As long as it's one sided I can still reach him. Kaya ko iyong gawin. Sasagipin ko ang aking mahal sa sakit na kaniyang nararanasan ngayon nang dahil kay Nessa. Ako ang sasalo sa kaniya, ako at hindi si Nessa.
"Thank you, thank you talaga Thea!!! The best ka talaga! Don't worry sister-in-law. Ako na bahala sa kuya mo. Pasasayahin ko siya ng buong-buo!"
"That's the spirit sister-in-law! Fighting lang! Anong lagi nating sinasabi?"
Hinawakan ko ang kamay nitong nakalapag sa mesa before we said in chorus.
"The pain will be worth it at the end! Fighting!"
Sabay kaming tumawa pagkatapos. Nanatili muna ako doon ng ilang sandali bago ko napagdesisyonang umalis na. Miss ko na kasi ung future ko. Hihi!
Nag taxi lang rin ako pabalik, hindi rin ako nag tagal dahil maluwag naman ang daan.
![](https://img.wattpad.com/cover/218197324-288-k745096.jpg)
BINABASA MO ANG
Reaching The Unreachable (COMPLETE)
RomanceHave you ever wonder what would it feels like to Reach the Unreachable? ****** Second Generation: Ashtim Éternelle Walter