Reaching : 7

171 4 0
                                    


Roshan

Bumalik ako sa aming mesa nang may seryosong mukha. Kahit pa halos yanigin na ang kaloob-looban ko, makita lamang siya na ngayon ay naka-upo na sa tabi ni Ashthy.

Habang nag lalakad ako papalapit ay nasa kaniya lamang ang paningin ko. Iniisip kung gaano siya ka-iba sa kaniyang kakambal na katabi lamang nito. They both look so much like the same. But when you know them, you'll definitely notice their difference. Mula sa mata, hanggang sa mole nila.

Hindi ko pa sana tatanggalin ang mata ko sa kaniya nang tumaas ang paningin nito deretso sa akin. Damn!

Halos masugat ko na ang mga palad ko sa kakakuskos ko ng kuko ko para lamang hindi ako mawala sa huwisyo.

Kasalanan ko naman kasi eh! Tsk!

It wouldn't be like this, it won't be this awkward kung hindi ako nakinig sa payo ni Thea. (T^T)

Kasalanan niya talaga toh (T^T)

Nang makalapit na ako sa mesa namin ay naroon na ang pagkaing inorder ni Ashthy. Umusog si Thea pa-left kaya ang nangyari ay katapat ko na si Ashtim.

"Alright! Let's eat! Gutom na ako! Ano bang ginawa mo sa cr at napakatagal mo Love?"

Tinaasan ko ng kilay si Ashthy sa kaniyang sinabi. Ibinalik ko ang kaniyang sinabi ng isang asar. Nag babakasakali na maiibsan nito ang kabang nararamdaman ko. Pero namali ata ako ng sabi (T^T)

"Sumama ka sana nang nalaman mo!"

Natigil sila sa sinabi ko, pati rin ako ay tila nagulat sa sinabi ko. Goodness Roshan Love Legazpi! Ung utak ko na flash ko ata sa toilet! Damn it!

"A-ayaw ko nga! Baka mamatay lang ako sa baho noh! Eeeeeeww!"

Doon lamang ako nakahinga. I looked at Ashthy thanking him for saving my face and he just winked at me before continuing his food.

"Dios ko kayo! We're eating guys ok? Kain na! Alam ko kasing iyang isa diyan hindi na halos makakain ng tama!"

Hindi naman ako umiinom pero bakit nasamid ako sa sinabi ni Thea? I looked at her, then to everyone else. Ahsthy was laughing while Thea is grinning from ear to ear. Nang madako ang mata ko kay Ashtim ay halos mangilabot ako sa lamig ng tingin na ibinibigay nito sa akin.

Bakit? Hindi na ba pwedeng magbago ang paninging iyan para sa akin? Kumirot ang puso ko sa naisip kaya sa huli ay ako ang unang umiwas ng tingin.

Ibinuhos ko ang lahat ng nararamdaman ko sa pag lamon ng pagkaing nasa harapan ko. Kaya sa aming apat ako ang naunang natapos kumain.

"Gutom ka pa? If you wanna eat just order anything Roshan."

"No I'm full I—"

Pag-angat ko ng tingin ay kay Ashtim agad dumiretso ang tingin ko. He's looking at me, staring at me, again. Damn!

Dios ko naman Ashtim! Maawa ka naman sa puso ko! Ipakain ko toh sayo nang makita mo!

Nilingon ko na si Ahsthy.

"Pero pabili ako sunday Ashthy, hehehehe."

Kailangan ko ng ice cream! Kailangan kong kumalma kundi baka magwala ako dito at sundin nalang ang gusto kong gawin kaysa sa gustong mangyari ni Thea!

"Sure! But—uuhh...can you get her, her sunday bro? Para hindi na ako mahirapang umalis dito sa pwesto ko."

"Money."

Iyon lang ang sagot niya. Nanatili ang mata ko kay Ashthy. Nang matanto ang sinabi niya ay agad kong kinuha ang cellphone ko at binuklat ang phone case nun. I was about to hand him my fifty peso bill when he suddenly stood up and walker away leaving my hands on air with the fifty peso on it.

Reaching The Unreachable (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon