Reaching: 29

217 0 0
                                        


Roshan


Maagang nagising sila mommy upang maghanda na sa pag-uwi. I was crying while bidding them goodbye.

"Ang sabi niyo ay mananatili kayo rito hanggang hapon ng Linggo kuya. Bakit iiwan niyo ako ulit?"

Hindi ko alam kung bakit grabe ang pag-iyak ko gayong babalik din naman sila sa susunod na Sabado. Is it because I'm pregnant? Kaya ganito na lamang ang iyak ko?

Hinahagod ni kuya ang aking likuran habang yakap ako. Ang pagpapatahan nito sa akin ay hindi nakatulong upang ako ay kumalma. Mas lalo ko lamang ginusto na sana ay manatili pa sila dito ng mas matagal para naman may kasama ako. I told mom kung pwede ba akong sumama na sa kanila sa pag-uwi dahil nahanap naman na rin ako ng lalaking tinatakbuhan ko. Mom said it is better for me to stay here lalo pa at buntis ako. That it is better to stay here at hindi sa Manila mag buntis. Hindi na ako nakaangal pa ng pati si daddy ay sumang-ayon sa sinabi ni mommy.

"Bibisita din kami tuwing weekend,Roshan. And I promise next time that we'll stay longer. Narito naman sina mang Canor at ang asawa nito para samahan ka."

I pouted. Hindi na ako nagsalita pa. Hindi ko naman sila pwedeng pilitin dahil alam ko naman kung bakit kailangan na nilang umuwi sa Manila.

"Promise?"

Tanong ko kay kuya. I felt him kiss the top of my head before answering.

"We promise."

Sa huli ay wala na akong nagawa kundi ang yakapin ulit silang lahat bago panoorin ang sasakyang papaalis ng bahay ni kuya. I sighed at ng hindi na sila matanaw ng mga mata ko ay doon lamang ako pumasok  ng bahay. Hindi ko alam kung anong gagawin ko sa buong araw kaya napagdesisyonan kong kumuha ng libro at sa duyan magbasa.

Ganoon ang ginawa ko buong umaga hanggang sa tawagin na ako ni Manang Secy para kumain ng tanghalian. Bago umakyat ay lumibot muna ang aking mga mata sa kahabaan ng dagat. Bumuntong hininga ako at tumaas na rin para kumain. Pagkatapos ng tanghalian ay namalagi na ako sa aking kwarto.

Lumipat ako sa kwarto ni kuya kung saan mayroon itong veranda na tanaw ang dagat at ang papalubog na araw. Ipinalipat ko na rin kay Manang Secy lahat ng damit ko sa kwarto na iyon. Manang Secy was smiling dahil daw ay mukhang pinaglilihian ko ang dagat at ang araw. I smiled because it's somewhat true. 

Ng mag dapit hapon ay lumabas ako ng veranda at doon pinanood ang muling pagbaba ng araw. I love sunsets, hindi ko mawari kung gaano ito kaganda kahit pa nag sisimbulo ito ng pagtatapos. 

I closed my eyes as I feel the breeze caress my face. Maalat ang hangin at unti-unti na rin itong lumalamig. Nagsisimula ng magsilabasan ang mga bituin sa langit. Ibinaba ko ang tingin sa dalampasigan at pinanood ang mga taong nadadaan sa harap ng bahay. Nakita ko pa si Manang Secy na naglalakad sa buhangin papasok ng bahay na may dala-dalang tila isang supot na may lamang isda. Siguro ay mayroong nag bebenta ng ganoon sa di kalayuan. Iyon kaya ang ulam namin ngayong gabi? 

Nanatili ang mata ko sa ibaba at pinapanood lamang ang mga taong dumadaan. Kita ko din sa di kalayuan ang mga ilaw na nanggagaling sa mga hotel, inn, at mga resto bar. Gusto ko sanang pumunta at mamasyal doon. Saka na siguro kapag nanganak na ako. I'll ask kuya to tour me around here. At kapag malaki na ang anak ko ay buong La Union naman ang papasyalan namin.

Unti-unti ng dumidilim, unti-unti na ring lumalamig ngunit hindi ko magawang pumasok sa loob. Gusto ko pa dito sa labas, gusto ko pang sumilip sa ibaba, sa mga taong dumadaan, sa mga taong nasa harap ng aming bahay. 

Naputol ang panonood ko sa ibaba ng pumasok si Manang Secy.

"Iha pumasok ka na at malamig na ang labas. Baka mapano ka at magkasakit."

Reaching The Unreachable (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon