Reaching: 17

208 0 0
                                        


Roshan

Hindi ko alam kung ilang minuto na akong nakatitig sa dinaanan ni Ashtim. Parang lumutang sa ere ang utak ko nang dahil sa sinabi niya. Hindi ko ba alam kung nanaginip ba ako ng gising, if I hallucinated and just made up things, hear things. Hindi pa rin pumapasok sa kokote ko na sinabi niya ngang mahal niya ako.

How? I mean- how come he can say it so easily? Kasi ako hirap na hirap na amining mahal ko siya, lalo na noong una ko pa lamang itong naramdaman. But aside frome all of those things....aaminin kong natutunaw ako. Simula kanina hanggang ngayon, I feel like I'm melting.

Hindi ko ma-explain ang saya sa puso ko. Ni kanina pa nagwawala ang puso ko sa loob ng dibdib ko. Hindi ko nga alam kung paano pa ako nakakahinga kahit pa mabibigat ito, gayong napakalakas ng tibok ng puso ko.

To make it all short, I am still in shock. Tila ba nag lo-loadinh pa rin sa utak ko ang nangyari.

Nang bumukas ang elevator at may lumabas doon ay nagdesisyon na akong pumasok sa unit ko. I am a fool but I don't wanna make it obvious to the world.

Para akong lumulutang na tumataas papunta sa aking kwarto. Wala sa isip akong nag ayos at nag-bihis dahil walang ibang laman ang isipan ko kundi ang sinabi ni Ashtim na mahal niya rin ako. And when it finally sunk in my mind, naghihihiyaw ako sa aking kama. Umikot-ikot na tila ba isa akong uod na binudburan ng asin.

Damn it!

Sh*t!

Ilang mura pa ang nabanggit ko sa aking utak. Hindi lamang ang dalawang iyan. I can't think straight. Ni hindi ko na rin mapigilan ang malapad na ngiting nagpumilit sa mga labi ko! Damn it Ashtim!

Pagkatapos kong sumigaw-sigaw sa kilig at mag paikot-ikot sa kama ay muli akong natahimik at muling napatitig sa kisame. I was breathing heavily because of my outburst.

"I'll take my leave. I love you."

"I love you..."

"I love you..."

"I love you..."

Napakatagal kong hinintay ang araw na marinig ko siyang sabihin iyon sa akin pabalik. For how many years have I waited? Simula nang araw na makita ko siya sa birthday ni kuya when he was 21, and now that my brother is 28. How many years? Damn! Hindi na talaga gumagana ang utak ko. Wala na akong ibang maisip kundi si Ashtim lamang. Si Ashtim dito, si Ashtim doon. Every corner of my mind you can find his name while my heart screams his name. He owns both of my superior organs. Ano pang natira sa akin? None. I am his body and soul. Even though he owns everything I am, I still can't find any regrets laying all of me in front of him.

It's crazy how much I am in love with him. It is dangerous, I am dangerously in love with Ashtim Éternelle Walter. The man of my dreams. At ngayon mahal niya na rin ako, what else could I ever ask for?

Napabalikwas ako nang biglang tumunog ang aking cellphone. Dali-dali ko itong kinuha. Hindi ko na tinignan pa ang caller ID dahil alam ko na kung sino iyon sa ringtone pa lamang na tumunog.

"Ashtim..."

{"Our dinner meeting is done. Did you eat your dinner?"}

Doon lamang ata ako biglang bumalik sa matino kong pag-iisip. Napatingin ako bigla sa digital clock sa aking side table at nakitang mag a-alas otso na ng gabi. Damn! Ilang minuto akong nalutang??

"U-uhmm...p-pakain palang."

Pagsisinungaling ko. Mabilis akong tumayo at lumabas ng aking kwarto.

{"What? Why? Anong oras na ah? Haven't I told you to eat dinner then rest? I thought you would be resting right now. Did something happened?"}

You said you love me, that's what happened.

Reaching The Unreachable (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon