WARNING: SPG content!!!************
Roshan
For the whole three weeks I have only stayed at my brothers beach house. Hindi na ako muling pumunta sa bahay nila Manang Secy. Nagtataka man ay hinayaan na lamang nila ako sa dahilan ko na gusto kong manatili sa tabing dagat.
Ang totoo niyan ay gusto ko lamang manatili dito dahil nagbabakasakali ako na makita si Ashtim kahit saglit lamang. It pained me when he stopped messaging me after a week of talking to me. Hindi ko na alam kung ano ang nangyayari dito. Hindi ko alam kung bakit ito bigla na lamang tumigil sa pag te-text at pag tawag sa akin.
Hindi ko mapigilang mag-isip na baka napagod na ito sa akin. Nagsawa na kaya hindi na ako kinakamusta. Sa tuwing maiisip ko iyon ay hindi ko mapigilang maluha. Is it really that hard to love me back? Is it really that hard to stay?
I thought he was willing to wait like I do. Kaya kong maghintay basta ba ay sasabihin nito na babalik talaga siya. Ngunit bakit ganoon? Matatapos na ang tatlong linggo na paglayo nito sa akin ngunit wala pa rin itong paramdam.
Umasa na naman ba ako? Nagpakatanga na naman ba ako para sa wala?
Hindi ko mapigilan ang mapaluha ulit ng muling dinaga ang aking puso ng sakit.
I hate myself for missing him when I'm supposed to be mad. I hate myself for still waiting for him despite not hearing from him for almost two weeks.
Am I really that stupid?
Damn it Roshan! Hindi na ako natuto. Ano pa bang aasahan ko? When in the first place ay pangalawa lamang ako?
But I hoped. Umasa ako lalo na ng nagpakita ito sa akin noong Linggo na iyon. He felt sincere, his words felt so real. Or was it just me?Tinakpan ko ang aking mukha gamit ang aking dalawang palad at doon umiyak. Nakaupo ako sa aking higaan. Nakaharap sa bukas na veranda. Patay lahat ng ilaw at tanging ang buwan lamang ang nagsisilbi kong liwanag.
Bukas ay Lunes na. Aasa pa ba akong darating siya? Aasa pa ba ako na babalik siya sa akin? He said he loves me right?
Ramdam ko sa puso ko ang pagsibol ng pag-asa, ang kagustuhang hintayin ang pagbabalik niya. But my mind is screaming 'No', that his words were nothing but flowers soon to wither.
I love him. I love him so much to the point of obsession. I love him too much to the point of insanity. And it pains me to think that he does not feel the same way. That he only loves me because I am bearing his child.
"I....I hate you Ashtim.....I-I h-hate you so much...."
Bulong ko sa hangin bago piniling mahiga sa kama at itulog na lamang ang sakit at pangaba na sa pagdating ng umaga ay ako pa rin mag-isa.
****************
Unti-unting nagising ang aking diwa. It felth so warm. I did remember that I forgot to close the veranda door. Naiinitan na ba ako ng araw kaya mainit? But then, even if my eyes are closed ay wala akong liwanag na makita.
I tried moving to the other side ngunit napatigil ako ng makaramdam ng mabigat na bagay sa aking bewang. Gumalaw ako ulit ngunit hindi nawala ang bigat, instead, it even pulled me closer. Now my back is touching something warm and hard like wall.
Unti-unti kong iminulat ang aking mga mata. Bumaba ang aking tingin sa kung anong bagay ang yumayakap sa aking bewang. Doon ay nakita ko ang isang brasong marahang nakapalibot sa aking bewang.
Sa gulat ay marahas akong napalingon sa aking likuran. Dahil sa biglaan kong paggalaw ay ang pag ungol ng kung sino.
"Hmmmm...it's still too early baby. Let's go back to sleep."
BINABASA MO ANG
Reaching The Unreachable (COMPLETE)
RomanceHave you ever wonder what would it feels like to Reach the Unreachable? ****** Second Generation: Ashtim Éternelle Walter