Reaching: 30

290 4 0
                                        


Roshan

Linggo at inaya ako nila manang na sumama sa kanila na mag simba sa malapit na chapel roon. Naghahanda ako ng kumatok sa aking pinto si Prescy.

Pumasok ito sa akong kwarto na nakahanda ng umalis. Naka dress ito ng summer dress na kulay dilaw na mas lalong nagpaganda sa kutis nitong morena. Ngumiti ito sa akin saka ako nilapitan.

"Ate ayusan po kita ng buhok."

It warmed my heart that she volunteered to do my hair kaya malawak ang ngiti kong tumango dito.
Tuluyan itong lumapit sa akin saka pumwesto sa aking likuran. Ako naman ay humarap na sa salamin habang naka-upo.

Her hands gently glided through my hair gathering little strands of it.

"Alam mo ba ate, pangarap ko po ang magkaroon ng kapatid. Iyong aayusan ko po ng ganito. Kaso nga lang ay isang anak lang ata ang balak nila nanay at saka tatay."

Natatawa nitong kwento sa akin. Ngumiti din ako sa sinabi nito. Although it confused me. Kung wala siyang kapatid ay para kanino ang pang-apat na upuan noon sa kanilang hapag kainan?
Hindi naman iyon masama kaso nga lang ay nakapagtataka lang.

"I can be your sister Prescy. Kung gugustuhin mo."

Kita ko sa salamin ang pagtingkad ng saya sa kaniyang mukha. Napakaganda niya talaga. I can't express how pretty she is in my eyes. Mukha atang pinaglilihian ko si Prescy.

"Syempre naman po ate! Sino ba namang hindi gugustuhing maging kapatid ka? Napakaganda niyo po ate!"

Natawa ako ng mahina sa sinabi nito.

"Maniwala ka Priscilla, isa kang magandang dalaga."

Nakita ko ang pamumula ng kaniyang pisngi. Doon at hindi na ito nagsalita at tinapos na lamang ang aking buhok.

"Ayan ate! Ayos na po. Tara na po at naghihintay na po sa ibaba sila nanay at tatay."

Tumango ako at sabay na kaming lumabas sa aking kwarto at bumaba sa living room. Naroon na sila Manang Secy at naghihintay sa amin. Ng makita nila kami at agad na rin kaming pumunta sa garahe. Gagamitin namin ang sasakyan ni kuya na iniwan niya talaga dito.

Pagdating sa chapel ay si Prescy ang umalalay sa akin pababa. Ngumiti ako dito at nagpasalamat. Alam na nito ang kalagayan ko kaya siguro ganoon na lamang itong mag-alala sa akin.

"Ate may pamaypay po ako dito. Gamitin po natin mamaya. Alam ko ng magiging mainit sa loob kasi ang daming tao. Sabihin mo lang sa akin kung may nararamdaman ka ate ha? At agad kong sasabihin kila nanay at tatay. May dala din akong tubig dito ate at saka mga biscuit kung sakaling uhawin ka at gutumin."

Ani Prescy habang hinahalughog ang dala nitong handbag na katamtaman ang laki, sakto para sa mga binanggit nitong kaniyang dinala.

"Salamt Prescy, ayos lang ako. Huwag kang mag-alala."

"Kailangan kitang alagaan ate. Utos sa akin ni—"

Natigilan ito sa sana ay kaniyang sasabihin. Nakita ko ang panlalaki ng mga mata nito na tila nagulat sa muntik ng sasabihin. Naningkit naman ang mga mata ko. Sino naman ang nag-utos sa kaniyang alagaan ako?

"Sino Prescy? Ang nag-utos sa iyo na alagaan ako?"

Umangat ang tingin nito sa akin. Kita ko sa kaniyang mga mata ang pagpipigil na sabihin sa akin ang sagot sa tanong ko. I don't know what's keeping her from telling me. Maaaring sila Manang Secy lang naman ang nag-utos dito.

Unless...

"Iha, halika ka na. Mayroong nakitang upuan sa likod si Canor. Doon tayo mauupo."

Nawala sa aking isipan ang hinuha ng marahan na akong ginabayan sa paglalakad ni Manang Secy sa upuang sinasabi nito.

Reaching The Unreachable (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon