I was taken a back from what I heard. Ano kaya ang ibig niyang sabihin? I blinked twice.
Hinawi muna ni Migz ang kanyang buhok bago muling nagpatuloy.
"I-I mean, are you dating anyone?" He said, stammering a bit. Napaawang ang bibig ko. Bakit kaya niya itinatanong ito sa akin? My heart kept drumming inside my rib cage.
Kumalma lang ang pakiramdam ko nang marinig ko ang boses ni Tita Rhoda mula sa di-kalayuan.
"Oh, Clare is with Migz pala!" aniya kay Mommy.
"Sumunod na kayong dalawa sa loob. We'll be having our dinner," pag-aaya ni Mommy sa amin ni Migz.
Hindi ako makatingin ng diretso kay Migz hanggang sa makapasok kami sa loob ng bahay nila. Palaisipan pa rin kasi sa'kin 'yong itinanong niya kanina.
My deep thoughts got distracted by the bountiful dinner that Tita Rhoda prepared for us. Pagkakita ko pa lang sa nakahain na kare-kare at chicken cordon bleu ay natakam na talaga ako.
"Clare, I cooked your favorite pork kare-kare and chicken cordon bleu," ani Tita Rhoda. Nangislap ang mga mata ko.
Kaagad na inabot sa akin ni Tito Armando 'yong mangkok ng kanin. Kumuha ako mula rito.
"Thanks po, Tito," pagpapasalamat ko sa kanya. He smiled afterwards.
"I heard from your dad that your groupmates in school chose SMC for your research?" Nginitian ko siya pagkaraan ay tinanguan.
"Yes po, Tito." Tito Armando bestowed his serene smile.
"That's good to hear hija. If your group needs any other help from us, huwag kayong mahihiyang magsabi."
Our parents got busy catching up with each other. Kahit kasi sa SMC silang lahat nagtatrabaho ay sobrang hectic ng mga schedule nila. I just remained quiet and enjoying the sumptous food on my plate. Bukod kasi sa mga paborito kong ulam, napakasarap din ng ihinain nina Tita Rhoda na buttered oyster and spicy crabs. Mabuti na lang talaga at naging abala ang lahat. I stopped myself from feeling awkward because of my encounter with Migz earlier.
Hanggang sa pagtulog ay binabagabag ako nang mga itinanong sa akin ni Migz...
Are you seeing anyone right now?
Are you dating anyone?
Bakit niya ba tinatanong 'yong mga bagay na 'yon sa'kin? Bakit bigla siyang naging interesado sa lovelife ko? Or...
Does Migz like me?
Napailing-iling ako. No way!
Ilang beses kong ibinaon sa unan ang aking mukha dahil sa mga alalahaning iyon. Sa dinami-dami ng mga babaeng nagkakandarapa at halos ibalandra na ang mga sarili nila sa harap ni Migz, imposible na wala siyang magustuhan sa mga 'yon-na puro halos campus' beauty queens at 'yong iba nga ay supermodel pa.
***
Maaga akong pumasok kinabukasan, t-in-ext kasi ako ni Mary na pagdadala niya raw kami ng breakfast. Do'n kami nagkita sa bench na malapit sa may football field- kung saan madalas din naming tinatambayang magkakabarkada. Masarap kasi magpahinga rito dahil mahangin at malilim pa; natatakpan ito ng lilim ng isang puno ng Narra.
Inabot kaagad sa akin ni Mary 'yong bento box. I was so thrilled to see the panda design of my food.
"You're so talented Mary!" wika ko sa kanya.
Binuksan na rin niya 'yong box na ginawa niya para sa sarili niya.
"Looked at my bento box. It is Hello Kitty design!" excited niyang sabi. Agad ko namang tinignan iyon.
BINABASA MO ANG
So Into You
RomantizmSimula pagkabata ay may lihim ng pagtingin si Juan Miguel Sandoval kay Clarette Amethyst Fernandez. Migz is two years ahead of Clare sa med school. He is a certified campus heartthrob; running for summa cum laude. Idagdag pa riyan na galing siya sa...