Hanggang makapasok kami kinabukasan ay 'yong close encounter pa rin nila kay Migz ang topic ng mga kaibigan ko.
I opened my notes right away. May quiz kasi kami mamaya sa isang subject. Dahil sa sobrang ingay sa loob ng classroom namin ay nagpaalam ako sa kanila na ro'n muna ako sa study area mag-s-stay. May ilang topics pa kasi akong hindi masyadong napag-aralan kagabi dahil hindi ko na talaga kinaya ang antok.
May mangilan-ngilang estudyante sa loob ng study area pagdating ko. I preferred to study here instead in the library. May wifi connection din naman dito. Iyon nga lang may kaunting ingay dala ng mga estudyanteng nag-uusap.
I memorized the terminologies that I highlighted last night. As I was reciting, napadako ang mga mata ko sa isang sulok ng study area. I saw Migz...
Dito rin pala siya nag-aaral. Nakapikit ang magkabila niyang mga mata. Mukhang abala rin siya ngayon sa pagkakabisa. May exam din siguro sila.
Hindi ko na lang namalayan na napapatagal na pala ako nang pagtitig sa kanya. The way his soft lips pursed as he recites. His face looked calm but there were moments that he was creasing his forehead.
Maamong tignan ang mukha niya. No wonder why my friends were drooling over him. His patrician nose made him more attractive. Bumagay ito sa mapupungay niyang mga mata. Promimente ang dimples niya sa magkabilang pisngi. There is no doubt why he is considered as one of the campus heartthrobs of Montreal University. Idagdag pa roon na galing siya sa isang napakayamang ankan.
I got distracted when my cellphone vibrated. Nag-text pala si Stacey.
Gurl, wer r u?
Kaagad akong nagtipa ng reply sa kanya.
Nasa study area pa rin.
Ilang minuto pa ang lumipas ay natanaw ko nang papalapit sa pwesto ko ang mga kabarkada ko. Nanlaki ang mga mata nila nang matanaw si Migz na abalang nagre-review.
"OMG! Sissy nandito pala si Migz!" palatak ni Irish.
Kamuntik na siyang tumili nang malakas. Mabuti na lang talaga at napigilan ko siya.
"Sshh! Ang ingay mo!" Maagap kong pagpapakalma kay Irish. Hinila ko ang isang braso niya at pinaupo sa tabi ko.
"Kahit wala tayo sa library, study area pa rin 'to," dugtong ko pa.
Mabuti na lang at mukhang hindi naman napansin ni Migz ang ginawang iyon ni Irish.Sinabayan na lang nila ako sa aking ginagawang pagre-review. Nauna kaming umalis kay Migz sa study area. Mukhang tutok na tutok pa rin siya sa inaaral niya.
***
Every weekend ay umuuwi ako sa bahay. Sinusulit ko 'yong mga panahon na ganito; na wala akong masyadong hinahabol na chapter readings at exams. I spent my whole Saturday watching Netflix.
I was busy munching popcorn as I watched "Kissing Booth 3". Kasalukuyan kaming magka-videocall nina Irish, Stacey, Cattleya at Mary sa GC naming lima.
Kanina pa ako nabo-bore sa topic nila na as usual ay ang Ingleserong froglets na si Migz na naman.
"I heard his parents bought him a Chevrolet Corvette!" ani Stacey.
Papalit-palit ako ng tanaw sa cellphone ko at sa tv screen.
"Hey, sissy! Is that true?" kuryosong tanong pa ni Irish. All of their eyes were on me.
Tamad ko silang tinignan. "I don't know. I haven't been to their house lately," tugon ko.
Walang kakurap-kurap silang apat habang pinapakinggan ang mga sinasabi ko.
"Gosh! Ang swerte mo talaga girl! Alam mo 'yon welcome kayo na pumunta sa bahay nila Migz!"si Stacey.
BINABASA MO ANG
So Into You
RomanceSimula pagkabata ay may lihim ng pagtingin si Juan Miguel Sandoval kay Clarette Amethyst Fernandez. Migz is two years ahead of Clare sa med school. He is a certified campus heartthrob; running for summa cum laude. Idagdag pa riyan na galing siya sa...
