Chapter 12 - Birthday

202 18 4
                                    

A/N: Please play the media above.

Hindi na ako nakaimik pagkarinig ko ng mga sinabi ni Migz. Sobrang obvious naman na iniiwasan niya ako. Hindi ko naman siya masisi, dahil hindi gano'n kadaling kalimutan ang mga pinagdaanan niya.

Matamlay akong naglakad pabalik ng clasroom. Ilang sandali pa ay nakatanggap ako ng tawag galing kay Mark.

"Hi, Clare!"

"Hello, Mark! Napatawag ka?"

"Am I disturbing you?"

"No... Actually, vacant period namin ngayon."

Humaba pa ang naging pag-uusap naming dalawa na mostly ay about school stuff lang naman. Kaya naman nagulat ako nang bigla niya akong ayaing manood ng sine sa darating na Sabado.

"Are you free this Saturday? Would you like to watch a movie with me?"

Ilang segundo rin akong hindi nakapagsalita.

"I'm sorry Mark, may practice kasi kami this weekend para sa birthday party ko," pormal na pagtanggi ko sa paanyaya niya. Mabilis naman siyang tumugon.

"Oh, I almost forgot. Birthday mo na nga pala next week. It's alright." He sound convinced on his reply. Mabuti naman at hindi sumama ang loob niya.

"Oo. Mabuti na nga lang at kumuha sina Mommy ng event organizer. Sa sobrang ka-busy-han ko sa school. Hindi ko na alam kung paano ko pa isisingit sa schedule ko 'yong preparation para rito."

We talked for almost fifteen minutes. Ibinaba na lang niya 'yong tawag nang ayain akong pumunta ng cafeteria ng mga kabarkada ko.

I don't know how to define my "friendship" with Mark. Simula kasi no'ng kinuha niya ang number ko ay naging constant na ang communication naming dalawa. Halos kabisado ko na nga ang everyday routine niya. Kapag umaga ay sa dorm lang siya. It's either nagre-review siya o nagbabawi ng tulog. Panggabi kasi halos lahat ng klase niya. He seldom hang out with his friends because of his studies. Sabi nga niya literal na sa law school na raw talaga umiikot ang buhay niya.

Never akong nagtanong about his personal life. Feeling ko kasi off limits na 'yong topic na 'yon. Palaisipan pa rin kasi sa akin 'yong mga ipinapakita niyang gestures. Was it only friendship or is there anything else? Ayoko namang mag-assume.

Besides, kahit ultimate crush ko si Mark dati ay wala naman akong maramdamang "spark" sa pagitan naming dalawa. Interesante lang talaga kasi siyang kausap saka marami rin naman akong mga lalaking kaklase at kaibigan na nakaka-chat or katawagan pa rin hanggang ngayon.

"Bakla ka! Type ka no'ng Mark!" Natatawang saad ni Jane habang pumapapak ng Cheetos.

Nandito kami ngayon sa bahay. Kakatapos lang kasi ng buong araw na practice namin para sa coutillion ko. May dress rehearsal pa nga kami bukas.

Naikwento ko kasi sa pinsan ko 'yong pag-aaya sa akin ni Mark na manood ng sine.

"Paano mo naman nasabi na gusto niya ako. Inaya lang naman akong manood ng sine?" Pilit kong pagsalungat sa mga sinabi niya.

"Ewan ko ba sa'yo couz. Pagdating sa mga ganyan napakamanhid mo!"

I drank straight from the Coke in can on my hand.

"Sa tingin mo a-attend si Migz sa birthday party ko?"

Biglang nanlaki ang mata ni Jane pagkaraan ay ngumisi ng makahulugan.

"Ang bilis namang magbago ng topic natin couz. Kanina lang parang si Mark pa 'yong pinag-uusapan natin. Hindi talaga pwedeng mawala si Migz sa usapan 'no?" Napakurap-kurap ako sa mga sinabi niya.

So Into YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon