Chapter 13 - True Feelings

179 13 6
                                    

Hindi na namin namalayan na patapos na pala iyong kanta. Ibig sabihin ilang minuto na kaming nagsasayaw ni Migz sa gitna. Napasulyap tuloy ako sa male emcee; hindi man lang niya kasi nagawang i-cut 'yong pagsayaw namin ni Migz. Lumaki tuloy ang hinala ko na plinano nga ito ni Mommy.

Hanggang sa matapos ang awitin na "Your Song" ay hindi kami nagkaroon ng chance ni Migz na makapag-usap. Tuluyan na akong nawalan ng lakas ng loob na makipag-usap kahit na kaswal lang sa kanya. May aftershock pa rin yata ako dahil sa biglaang pag-attend niya ngayong gabi sa birthday party ko.

I never expected him to come. Pagkatapos naging parte pa siya ng 21 roses ko. Iba na ang kasayaw ko pero parang nakalutang pa rin ang isip ko. Mabuti na lang at si Kuya Jasper iyong pang last dance.

"So siya pala ang prinoxyhan ko." Natatawang bungad sa akin ni Kuya Jasper. Inilapit niya nang maigi ang kanyang bibig sa aking kanang tainga nang mas maayos kong marinig ang mga sinasabi niya.

Kinunutan ko siya ng noo.

"Binasted mo naman kasi. Mabuti na lang at mukhang naka-recover na. Pumayag naman palang maging part ng 21 roses mo."

Doon ko lang nakuha kung sino ba ang tinutukoy niya.

"Sabi ni Jane in denial ka lang daw pero may gusto ka rin naman." He chuckled loudly. Mabuti na lang talaga at walang ibang nakakarinig ng sinabi niya dahil sa lakas ng sound system.

Gusto ko ng tapakan ang paa ni Kuya Jasper dahil sa pang-aasar niya sa akin. Mag-best friend talaga silang dalawa ni Jane kaya siguro naikwento na rin nito sa kanya 'yong tungkol sa 'min ni Migz.

"Sa bagay bata ka pa. I-enjoy mo lang muna. Saka mahirap daw talaga magka-love life ang mga nasa med school." I made a short laugh. Hanggang sa unti-unting sumeryoso ang ekspresyon ni Kuya Jasper.

"But always remember what's meant to be will always find a way."

I narrowed my eyes. Mabibilang mo kasi 'yong mga oras na serious mode itong si Kuya Jasper. Tinanggal ko saglit iyong kanang kamay kong nakapatong sa balikat niya. Ginulo ko ang bahagyang kulot niyang buhok.

"Thanks Kuya. Kahit paano may maituturo ka rin palang magandang payo sa akin," sambit ko bago pa putulin ng emcee ang aming pagsasayaw upang tawagin muli ang lahat ng naging parte ng 21 roses sa harapan.

Bumilis ulit ang pintig ng puso ko nang matanaw kong naglalakad si Migz papalapit dito sa gitna.

They formed a semi circle. Lumapit ako sa kinaroroonan ng four-layer birthday cake ko. Nagsimula ng magsi-awit ang lahat ng "Happy Birthday!"

Nilapitan ako ng parents ko. Pinatakan nila ako ng pinong halik sa aking pisngi. Hindi ko mapigilang maluha.

I'm really thankful to them for all the love and for giving me this extravagant party.

Nagpalit na ako ng white gown para sa next part ng programa. Dito na namin ipe-perform 'yong coutillion na buong araw naming prinactice last weekend. I'm so glad that it was a success.

Napalinga muna ako sa paligid bago ako tuluyang maglakad papuntang backstage. Nakita ko si Migz na naroon pa rin sa naging pwesto niya kanina. Akala ko ay uuwi na siya pagkatapos ng 21 roses. Siguro ay sasabay na siya kina Tita Rhoda pag-uwi.

Itong champagne colored gown ang huling outfit ko for my birthday. Magbibihis na lang ako ulit mamaya for the after party. Baka roon na lang kami sa club ng hotel mag-celebrate ng mga pinsan at kaklase ko.

Ilang saglit pa ay nag-instruct na 'yong event coordinator na kailangan ko na raw magpa-picture sa bawat lamesa ng aking mga guest. Natanaw kong lumapit si Migz sa pwesto na kinauupuan ng parents niya.

So Into YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon