Chapter 7- Proposal

236 15 2
                                        

I was shocked and confused the whole weekend.

Bakit ako? Ano ba kasi ang nagustuhan ni Migz sa 'kin?

Kung noong Biyernes ay naguguluhan pa ako sa party, ngayon ay kumpirmado na totoong may gusto nga si Migz sa akin. Ayon nga kay Mommy ay nagpaalam na nga raw kay Daddy na liligawan ako. Is he really serious? Oh my gosh!

I was hesistant to tell my friends about it. Bukod pa sa alam kong mabibigla silang lahat ay iniiwasan ko ring masaktan ang damdamin ng best friend kong si Mary. Hindi siya iiyak no'ng Friday kung hindi totoo ang feelings niya para kay Migz.

"Gurl, how's your weekend? Bihira ka naming maabutang online ah!" si Stacey habang pinapanood akong abala sa paglalagay ng pressed powder sa magkabila kong pisngi. Huminto ako saglit sa aking ginagawa upang mas maharap siya ng maayos.

"Ah... May mga lakad kasi kami nina Mommy buong weekend. I haven't checked my soc med accounts lately," pagdadahilan ko. Napakagat tuloy ako sa aking pang-ibabang labi. Buong weekends lang kasi ako sa bahay. Sinadya ko lang na hindi mag-online dahil sa mga nalaman ko tungkol sa pagpapaalam ni Migz kay Daddy na liligawan ako. Nakakaramdam kasi ako ng guilt at hindi ko pa rin kasi kaya na ipagtapat ang lahat ng 'yon sa kanila.

I decided to keep everything from my friends throughout the whole week. On the other hand, kahit na nagpaalam na si Migz kay Daddy na liligawan ako ay hindi naman siya nagpaparamdam. From which I find very weird. Buti pa 'yong mga magulang ng liligawan niya alam ang tungkol sa plano niya. Samantalang iyong babaeng liligawan niya ay hindi naman niya kinakausap. Ewan ko ba, feeling ko nga napa-paranoid na ako kasi sa tuwing madadaan kami ng mga friends ko sa classroom ng mga third year ay lumalakas talaga ang kalabog ng dibdib ko.

Pakiramdam ko kasi any moment ay may isang Migz na magpapakita na lang bigla sa harap ko.

Magkasabay na pumasok ng classroom namin sina Irish, Mary at Cattleya. Hindi maalis ang pagkatutok ng mga mata nila sa cellphone screen. Mabilis akong tinabihan ni Irish pagkakita sa akin. Sinundan siya ni Cattleya samantalang si Mary ay tahimik na naupo sa isang gilid. Mabibikas sa mga mata niya ang lungkot. As if she was so broken.

"Hey sis! Nakita mo na ba 'to?" ani Irish sabay turo sa kanyang cellphone. Nakita ko agad 'yong isa sa mga unofficial FB page ng Montreal University.

Sobrang trending ng isang post doon kung saan 'yong mga picture ay kuha mula sa welcome party ng College of Medicine. Iba't ibang anggulo ang shot kung saan hinalikan ako ni Migz sa pisngi habang nakikipaglaro siya ng truth or dare. Umabot na sa libo ang reactions ng nasabing post. Binabaha rin nang husto ang comment section.

Bagay sila! :)

Ang swerte ng girl!

Juan Miguel Sandoval Bro! Siya na ba 'yon? Wait lang si Clare 'yan di ba?

Napatingin ako roon sa user na nag-tag kay Migz. Sa tono kasi ng usapan nila ay mukhang close sila. Natulala ako nang makita kong ni-reply-an din pala ni Migz 'yong comment na naroon.

Jake Sandoval yes it's her!

Pinanlamigan ako ng aking buong katawan pagkabasa ko roon sa comment ni Migz. If I'm not mistaken account ni Kuya Jake 'yon. Pinsan siya na Migz. Magkakilala kami at friend ko siya sa FB.

Hindi ako makapaniwala na sobrang kalat na pala sa buong MU ang nangyari noong Biyernes. Mary just remained silent on her seat while browsing her phone. Hindi man niya sabihin alam kong masamang-masama ang loob niya sa mga nabasa niya sa FB page.

"Bessy!" Pagkuha ko sa atensyon niya. Isang tipid na ngiti ang iginawad niya pabalik.

"Kung ano man 'yang nasa FB page. Wala lang 'yan. Gaya nga ng nasabi ko sa 'yo last Friday. Migz and I is so impossible to happen." Ibinaba niya sa desk ng arm chair niya 'yong hawak niyang Iphone pagkaraan ay tinanaw ako ng malulungkot na mga mata.

So Into YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon