Chapter 30 - Meeting

56 3 0
                                    

Birthday ko na sa Wednesday. I decided to spent it in Manila. Gusto ko kasi na roon ko i-celebrate sa puntod ng parents ko ang aking kaarawan.

Sabi ni Jane ay mag-file daw siya ng leave sa araw na iyon para masamahan ako. Tumawag din si Kuya Jasper kanina pupunta rin daw sila ng iba ko pang pinsan. For the whole week, I will be staying at Jane's condo.

May pasok si Jane ngayon kaya para hindi ako ma-bored ay nagpasya ako na dalawin si Ninang Heidi na nagtatrabaho bilang pediatrician sa Makati Med. Ninang ko siya sa binyag at matalik din na kaibigan ni Mommy. I brought with me her favorite pasalubong from Bulacan-her favorite "inipit."

Madaraanan mo muna 'yong isang OB-Gyn Clinic bago mo marating 'yong clinic ni Ninang Heidi. Napakurap-kurap ako nang mahagip ng mga mata ko ang pamilyar na pigura ng isang babae.

Si Mary...

Nakatalikod siya ng upo. May kausap siyang may kaedaran na rin na babae.

She was wearing a free flowing floral pink dress. Dumako agad ang mga mata ko sa umbok ng kanyang tiyan. Natigalgal ako nang makita ko na maliit lang iyon.

Kung tama ang tantya ko ay kabuwanan na dapat niya ngayon. Pero bakit ang liit lang ng tiyan niya?

Mayamaya pa ay naglakad na sila no'ng kasama niya paakyat ng hagdanan. Sa sobrang pagka interesante ko ay nawala na sa loob ko na kanina pa nga pala ako hinihintay ni Ninang Heidi sa clinic niya.

Sinundan ko 'yong lilikuan nila. Dimiretso sila sa fourth floor. Ginamit ko 'yong elevator para mas mabilis ko silang masundan.

Napahawak ang kamay ko sa aking bibig ng pumasok si Mary sa loob ng clinic ng isang Oncologist. Mayamaya pa ay pumasok na rin 'yong may edad na babae sa loob ng clinic

Pagkasara no'ng pinto ay maagap akong lumapit sa harap nito. Binasa ko nang mabuti ang pangalan ng doktor at ang kanyang espesyalisasyon.

Dra. Margarette D. Galvez. MD, FPCP, FPSMO, MCMMO

Bakit naman kaya pupunta si Mary sa isang Oncologist?

Kahit na natapos na akong makipagkita kay Ninang Heidi ay nalulunod pa rin ako sa malalim na pag-iisip.

Mga bandang alas kuwatro na ng hapon nang umalis ako sa clinic ni Ninang Heidi. Dumaan muna ako sa isang dessert shop bago ako umuwi sa condo ni Jane.

Habang hinihintay ko 'yong order ko ay siya namang pagtatama ng mga mata namin ng taong kanina pag bumabagabag sa isip ko-si Mary.

Halata ang pagpayat niya. Sobrang putla rin ng kulay niya. Napatingin din ako sa kanyang buhok. Bakit parang naka-wig lang siya? It was in light brown hue pero halatang hindi natural na buhok. Napatutok ang mga mata ko sa kanyang tiyan.

She followed my line of sight. She raised an eyebrow immediately.

"So, bumalik ka na pala ng Manila?" Medyo mahina lang ang paraan ng pagsasalita niya pero may halong katarayan pa rin ang tono niya.

I tried to divert my attention. Iniwasan ko siya ng tingin. I don't want to have further arguments with Mary especially if it is about Migz.

"Sabagay, hindi ka na rin naman babalikan ni Migz. We're happy anyway!" sabi niya bago ako ganap na talikuran.

The nerve of her! Kailangan pa talagang isampal sa 'kin 'yon! Nananahimik na nga ako!

Akala ko pa naman porket nandito ako sa Makati Med, kahit paano ay hindi ko makakasalamuha ni anino nina Migz at Mary. Minsan talaga kapag minamalas ka  parang susundan ka pa talaga ng espirito ng kamalasan!

Mabuti na lang at nag-ring na 'yong alarm ng order ko. I badly needed to sip my Cheesecake Oreo milk tea!

***

Sabi ni Jane ay mga alas nuwebe ng umaga na ako pumunta sa puntod ng parents ko. Pinauna na niya ako dahil dadaanan pa raw nila ni Kuya Jake 'yong mga inorder nilang pagkain. Sila Kuya Jasper naman ay on the way na rin daw.

Maaliwalas ang panahon. Hindi pa masakit sa balat ang tama ng sikat ng araw. I brought a big basket of yellow Chrysanthemum.

Who would have thought na huling birthday ko na pala na magkakasama kami last year. Ang saya-saya pa naman ng parents ko ng mga panahon na 'yon. Hindi talaga natin masasabi kung hanggang kailan ba natin makakasama sa mundong ito ang mga mahal natin sa buhay. Kaya't hanggang nariyan pa sila ay alagaan natin sila at ipakita ang ating pagmamahal.

Ayaw na paawat sa paglalaglagan ang mga luha ko nang matanaw ko ang lapida ng aking mga magulang.

Tinulos ko 'yong dalawang baso na may lamang kandila sa ibabaw ng lapida. Afterwards, I uttered a short prayer for them.

Ilang saglit pa ay may naaninag akong pares ng dalawang rubber shoes na nakatayo ngayon sa harap ko.

Nandito na ba si Kuya Jasper?

Dahan-dahan kong iniangat ang aking ulo.

Natigalgal ako nang matanaw ko ang pigura ng taong ni sa hinagap ay hindi ko  naisip na makikita ko ngayong araw. I saw Migz!

Walang tigil sa pagtambol ang dibdib ko. Si Migz ba talaga itong nasa harapan ko? Masyado siguro akong naging emosyonal kanina kaya hindi ko na namalayan 'yong paglalakad niya palapit sa kinauupuan ko.

Hindi ko na naman mapigilan ang mabilis na pagtulo ng mga luha ko nang magtama ang mga mata naming dalawa.

He looked depressed and gloomy. Wala na 'yong dating kinang sa mga mata niya. Sa ilang buwan na hindi namin pagkikita ay mukhang pumayat din siya. He was wearing a simple white polo shirt and dark blue denim jeans.

"Happy Birthday, Clare!" si Migz.

Hindi na ako nakapag-isip ng maayos, nakita ko na lang ang sarili ko maagap na tumatayo at niyakap nang mahigpit si Migz. Lord, pasensya na alam kong may iba na siyang pamilya! Pero for the last time, gusto ko lang po siyang yakapin!

Humahagulgol ako ng iyak habang nakadantay ang ulo ko sa isang balikat niya. I heard Migz sobs too.

I can't deny it anymore. Hanggang ngayon ay mahal na mahal ko pa rin siya. Sa totoo lang ay hindi ko na alam kung hanggang kailan ba mananatili si Migz sa puso ko. After a year? After five years? Magagawa ko pa bang kalimutan siya?

"Paano mo nga pala nalaman na nandito ako?" Tanong ko sa kanya nang bahagyang kumalma na ang pakiramdam ko. Inangat niya ang ulo upang mas matanaw ako.

"Tinawagan ko si Jane, nakwento niya kasi sa akin na rito ka sa Manila mag-spent ng birthday mo. Ibinenta mo na nga raw 'yong bahay n'yo at doon ka na sa mga grandparents mo nakatira."

Marahan ko siyang tinanguan. "Mas madali akong makakapag-move on sa pagkamatay ng parents ko kung doon muna ako titira sa mga lolo ko sa Bulacan." He looked at me keenly.

"Para na rin makalimutan ko lahat ng mapapait na nangyari sa ating tatlo nina Mary." Iyong mga huling sinabi ko ang nagpanumbalik sa mga luha ko. Pinagdiin ko ang mga labi ko at buong lakas ng loob na nagpatuloy.

"I'm letting you go! Mabuti na lang din at nabigyan tayo ng chance na makapag-usap. Migz, gusto kong sabihin na hangad ko ang kaligayahan n'yong dalawa ni Mary!" Sinsero kong sabi kay Migz. Hindi na naman mapigilan ni Migz na mapaiyak nang magtama ang mga mata naming dalawa.

"Hindi siguro talaga tayo ang para sa isa't isa!" Mapait kong sabi habang patuloy lang sa pagbagsakan ang aking mga luha.

I was so stunned when Migz gently cupped my face. Mabilis niyang pinaglapit ang mga mukha naming dalawa. Hanggang sa dampian niya ng isang pinong halik ang labi ko.

It was just a soft kiss but it brought thousands of blissful and lonesome memories to me.

So Into YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon