Kasalukuyan ngayong kinukuhanan ng blood pressure ng nurse si Mary. Mabuti na lang at hindi niya napansin ang pagdaan ko dahil nakatalikod siya ng upo. Hanggang sa makarating ako sa parking lot ng SMC ay parang nawala na ako sa aking sarili.
Could it be? Buntis si Mary? My hands automatically covered my mouth because of that frightening thought. Wala rin naman akong maisip na ibang rason kung bakit nagpapa-check up ngayon si Mary sa klinika na para sa mga nagdadalang tao. It's so impossible that she's in a pill too. Matagal na silang nagkakalabuan ni Migz at imposible rin namang may bago na siyang boyfriend ngayon.
My heart kept drumming inside my rib cage as I started the engine of my car. Laglag ang balikat ko habang papasok ako sa loob ng aking silid.
I looked for the calendar on my cellphone. Tinignan ko 'yong petsa kung kailan kami pumunta ng Baguio. Kung tama nga ang bilang ko ay mahigit isang buwan na rin ang nakalilipas. I knew that Migz and Mary spent the whole night together while we were in Baguio. Bukod pa roon ay alam kong matagal ng "may nangyayari" sa kanilang dalawa. I have no idea if they use protection or not.
Just imagining those thoughts gave me goosebumps. Hindi ako mapalagay sa loob ng dorm ko. Kanina pa ako pabalik-balik ng lakad. I was about to dial Jane's number pero bigla kong naalala na kakatapos lang niyang mag-exam. Hanggang sa hindi ko na lang namamalayan na nagda-drive na ako papunta sa direksyon ng condo ni Migz.
Hindi ko mapigilan ang malalayang paglalaglagan ng mga luha ko habang papalapit na ako sa Seventh Avenue. Should I tell Migz? Sasabihin ko ba sa kanya na nakita kong nagpa-check-up si Mary sa OB kanina? I was drowned with that thoughts as I parked my car.
I came unannounced kaya naman gulat na gulat ang reaksyon ni Migz nang tawagan ko siya. "Hello, Babe!"
"Babe, I'm sorry kung hindi kita kaagad nasabihan..." Dahan-dahan kong wika sa kanya.
"I am here now at the lobby," dugtong ko habang palinga-linga sa paligid ng Atlanta Suites.
"Babe, why you didn't inform me? Para nasundo sana kita."
Naupo muna ako sa asul na sofa habang naghihintay kay Migz. Mabilis lang naman siyang nakababa ng lobby. Gaya ng reaksyon niya kanina sa cellphone ay mabibikas pa rin ang kanyang labis na pagkabigla pagkakita sa akin.
"Is there a problem, Babe?" bulong niya. Kapansin-pansin pa rin ang pag-aalala sa boses ni Migz habang nasa elevator na kami. Pirming nakaakbay ang isa niyang braso sa aking baywang.
I tilted my head and smiled sweetly. "Wala naman, na-miss lang kita. Saka may ipapaturo lang din sana ako sa isang subject." Migz immediately kissed me on my forehead.
Pagkarating namin sa pad niya ay kaagad siyang umorder sa Shakeys. Mag-a-alas-sais na rin kasi kaya tamang-tama lang ang dating noon mamaya for our dinner.
We cuddled on the sofa while watching House of the Dragon in HBO. Mukhang bago pa man ako dumating ay pinapanood na niya ito.
We got pre-occupied with the program hanggang sa may tumawag na sa landline phone para sabihin na dumating na 'yong inorder ni Migz.
Migz ordered a bundle meal which consist of pizza, Choc'o S'mores, chicken and Mojos. Kumain na muna kaming dalawa. Siya pa 'yong naglagay ng fried chicken sa plato ko. Inuna ko munang kainin iyong pizza.
"Babe, pwede bang dito muna ako mag-stay for the whole week?" I asked him without hesitation. Kamuntik na yatang mabulunan si Migz dahil sa itinanong ko. Kakasubo niya lang kasi no'ng pizza. Bahagyang nanlaki 'yong mga mata niya habang mataman na nakatingin sa akin.
"Alright, Babe! You're always welcome here. Pero bakit nanggugulat ka naman yata?" Natawa ako dahil dito. He chuckled too.
"Nami-miss nga kasi kita. Ewan ko ba simula kahapon, nasanay na yata ako na lagi kang nakikita!" Mabilis na pinamulahan ng pisngi si Migz.

BINABASA MO ANG
So Into You
RomanceSimula pagkabata ay may lihim ng pagtingin si Juan Miguel Sandoval kay Clarette Amethyst Fernandez. Migz is two years ahead of Clare sa med school. He is a certified campus heartthrob; running for summa cum laude. Idagdag pa riyan na galing siya sa...