Kahit na ilang minuto na kaming magkasama ni Mark ay hindi pa rin mawala sa isip ko 'yong naging reaksyon ni Migz kanina pagkakita niya sa aming dalawa.
Halos wala akong natapos sa assignment ko. Mabuti na lang at bukas pa naman ang pasahan nito. Si Mark naman ay mukhang pre-occupied pa rin sa topic na kinakabisado niya. 3:40 p.m. nang ayain niya akong umalis ng Lore's.
Laking pasalamat ko rin na mukhang walang alam si Mark sa nangyari noong Biyernes. Hindi naman siya kasi nagtanong ng tungkol dito at parang walang epekto sa kanya 'yong presensiya ni Migz kanina. Baka nga hindi naman sila magkakilala.
Pagkalabas namin ng coffee shop ay nagprisinta pa si Mark na ihatid ako hanggang classroom. Habang naglalakad kami sa corridor ay hindi inaasahang nakita kami ng mga kabarkada ko.
"Sissy, ipakilala mo naman kami d'yan sa kasama mo!" Palatak bigla ni Irish nang makaharap ako. Tinignan niya pa ako nang makahulugan. I was caught off guard.
Napasulyap ako saglit kay Mark na bahagyang namumula. Sumunod na rin kay Irish ang iba ko pang mga kabarkada upang makiusyoso. Mataman sila ngayong nakatanaw kay Mark. I granted them a thrift smile before I spoke.
"Guys, si Mark nga pala. Pinsan siya ng dati kong kaklase," wika ko pagkaraan ay nilingon ang katabi.
"I'm Mark Andrew Valederama! It's nice to meet you." Nakipag-kamay si Mark sa bawat isang kaibigan ko.
"Mark Andrew Valderama? Are you the son of Senator Bong Valederama?" Kuryosong tanong pa ni Cattleya na naging sanhi para mas maagaw pa ang atensyon ng mga kabarkada ko.
Mark flaunted a jovial smile. "Yes, I am," tugon niya.
Sunod-sunod ang naging tanong nila kay Mark hanggang sa makarating kami sa clasroom.
"Thanks ulit sa treat kanina. Nag-abala ka pa," nahihiya kong sabi. I think Mark blushed. He pursed his lips and smiled afterwards.
"Wala 'yon, Clare. Na-bore ka nga yata kanina. Medyo napatagal kasi 'yong pagme-memorize ko."
"Hindi naman. Busy rin naman akong gumawa ng assignments ko."
"Alright. I hope we can hang-out again. No schoolworks this time." Medyo napaawang ang bibig ko dahil sa sinabi niya. Does it mean, he is asking me out again?
Pirming nakatingin lang si Mark sa mga mata ko. Hindi ko alam kung naramdaman niya na medyo nahihiya ako sa kanya. Ilang segundong wala siyang nakuhang sagot mula sa akin.
"I mean, kung walang magagalit?" tanong niya pa. Napakagat ako sa pang-ibabang labi ko.
"Ahm wala namang magagalit. Medyo busy nga lang ako sa school lately," tugon ko sa mahinang boses.
"It's good to hear that. Can I get your number, Clare?" I typed my number as he handed to me his Iphone. He smiled sweetly after he returned his phone inside his bag.
"Salamat ulit sa time, Clare. See you soon!"
"Thanks also, Mark."
Pagkaupo ko sa arm chair ko ay pinutakti agad ako ng sangkaterbang tanong ng mga kabarkada ko.
"So how did you guys meet?" kuryosong tanong sa akin ni Mary. Her eyes widened due to excitement. Wala pa kasi 'yong prof namin for our next class kaya may oras pa kaming mag-usap-usap.
Kinuwento ko sa kanila kung paano kami nagkakilala ni Mark no'ng birthday party ko.
"Kaya pala ayaw mong sumama sa amin kanina kasi magkikita pala kayo ni Mark sa Lore's!" si Cattleya naman. Kinurot niya pa bahagya ang tagiliran ko.
BINABASA MO ANG
So Into You
RomanceSimula pagkabata ay may lihim ng pagtingin si Juan Miguel Sandoval kay Clarette Amethyst Fernandez. Migz is two years ahead of Clare sa med school. He is a certified campus heartthrob; running for summa cum laude. Idagdag pa riyan na galing siya sa...
