Chapter 19 - Seen

271 17 5
                                        

Pinag-isipan ko nang mabuti ang dapat kong i-reply kay Migz.

Kung sasabihin ko ba sa kanya na hindi ko naman talaga boyfriend si Mark, will it change a thing?

Girlfriend na niya si Mary. Kung sasabihin ko ba sa kanya ang totoo ay hihiwalayan niya ang girlfriend niya?

Sobrang big deal ba sa kanya 'yong totoong relationship status ko kay Mark kaya naglakas loob na siyang magtanong sa akin?

Ano ba kasi ang totoong alam niya? Akala ba niya ay boyfriend ko si Mark. Kaya ba naging sila ni Mary?

Totoo kaya ang hinala ko na si Mary ang nagsabi kay Migz na boyfriend ko si Mark?

At ginawa ni Mary 'yon para sulotin si Migz sa akin?

I couldn't help but to overthink the whole night. Dapat bang kausapin ko na si Migz?

Hanggang sa makatulugan ko na ang malalim na pag-iisip.

It was around 7:00 A.M. when I woke up. Kaagad na akong naligo at nagbihis sa cr. I wore a white cardigan that I paired with a faded blue jeans and white Nike shoes. Sumabay na ako kay Cattleya palabas ng room namin.

Masyado akong naging conscious ngayong araw. Hindi ko kasi alam kung ano ang magiging reaksyon ko kung sakaling makikita ko si Migz since I haven't replied to his message.

Nakaupo na sa dining table ang mga kabarkada namin at si Kuya Jake nang dumating kami. Napalingon ako sa gawi ni Mary na tahimik lang na kumakain. Si Manang Rowena ang nagluto at nag-se-serve ng agahan. Rinig ko sa usapan nila kanina na asawa raw siya ni Mang Pablo.

I put bacon, fried egg and pancake on my plate. Habang naglalagay ako ng maple syrup ay hindi ko maiwasang mapasulyap ulit kay Mary. Siya lang kasi ang tahimik sa mga barkada namin. Mahahalata rin ang mugto niyang mga mata.

Ilang sandali pa ay mabilis namang hinanap ng mga mata ko si Migz. Ngayon ko lang napansin na hindi pala siya sumabay sa amin mag-agahan. Mukhang hindi pa rin talaga sila nagkakaayos ni Mary at iniiwasan niya ito.

Napahigit ako ng isang malalim na buntong hininga. Grabe siguro 'yong naging pagtatalo nilang dalawa kagabi.I just shrugged my thoughts at inabala na lang ang sarili ko sa pagkain.

Doon pa rin ako sumakay sa sasakyan ni Alex. Sa Valley of Colors, Bell Tower at strawberry farm ang destinasyon namin ngayong araw.

Sa sasakyan pa rin ni Migz sumakay sina Mary, Irish at Stacey pero kapansin-pansin ang pagiging aloof nina Migz at Mary sa isa't isa. Pagkababa kasi ni Mary ng sasakyan ay kina Irish at Stacey siya sumabay maglakad papunta sa tulay kung saan kami magpapa-picture.

Napansin ko na hindi na bumaba si Migz mula sa driver's seat ng Montero niya.

Napakagandang pagmasdan ang mga bahay na magkakahilera. They were in pastel colors. Sobrang ganda tignan 'yong mga kuha ko sa DSLR.

Pagkababa namin sa tulay ay sinabayan ako ni Lester sa paglalakad. Nilingon ko siya.

"May LQ yata 'yong dalawa." aniya. I creased my forehead. He immediately bestowed a grin. Kita tuloy 'yong braces niya sa ngipin.

"Tama nga 'yong sinabi ko sa 'yo kahapon. Wala ka pa rin bang balak ipagtapat kay Migz 'yong totoong nararamdaman mo para sa kanya?" Napaawang ang labi ko dahil sa sinabi ni Lester.

"Huwag ka ng magbulag-bulagan, Clare. Magpakatotoo ka na sa nararamdaman mo. It was so obvious that Mary is just a rebound."

Bumilis ang pintig ng puso ko. "Nag-away sila nang malaman ni Migz na hindi mo naman boyfriend si Mark. Nagkwento si Mary kina Irish at Stacey kanina."

Hindi ko pa rin nagawang umimik. Masyado na kasi akong na-o-overwhelmed sa mga bagay na nakunpirma ko.

"Don't miss your chance, Clare. Ayoko rin makitang patuloy na umaasa si Mary. Migz still has feelings for you."

Kahit na nandito na kami sa Bell Tower ay nagple-play pa rin sa utak ko 'yong mga sinabi ni Lester kanina. I couldn't think straight. Gusto niyang ipagtapat ko na rin kay Migz ang totoong nararamdaman ko. Ngunit paano? Girlfriend niya pa rin si Mary!

Maaatim ko ba na tuluyan ng magkasira 'yong dalawa ng dahil sa pag-amin ko ng totoo kong damdamin para kay Migz?

Kilala ko ang sarili ko and I'm not that kind of person!

Hanggang sa strawberry farm ay pre-occupied ang isip ko. I was about to browse on my IG when I realized that I haven't reply on Migz message. Napapitlag ako ng mapansin ko na may mga bagong mensahe na naman pala si Migz doon.

Clare, we really need to talk.

Mag-usap tayo pagbalik ng Manila.

He sent those messages at around 8:00 A.M. Mag-a-alas-onse na ngayon. I just read his messages and didn't make a reply.

Pagkagaling namin sa strawberry farm ay dumaan muna kami sa bilihan ng mga pasalubong bago bumalik sa rest house nina Migz. I acted normal in front of my friends. As much as possible ay ayokong may mapansing kakaiba ang mga kabarkada ko.

Mas naging kapansin-pansin ang pag-i-iwasan nina Migz at Mary. They seldom talk. Halos hindi na nga lumalabas si Mary ng room namin.

Nang pabalik na kami sa Manila ay nakipagpalit si Mary kay Cattleya ng sasakyan. Mukhang ayaw niyang sumakay sa sasakyan ni Migz. Pagkapasok ni Mary sa loob ng kotse ni Alex ay naglagay siya agad ng neck pillow sa leeg at natulog na.

Doon na ako sa bahay namin nagpahatid. As I lay in my bed ay nagdadalawang isip ako kung ibabalita ko ba kay Jane ang mga nangyari sa Baguio. Una pa lang kasi ay pinapalayo na niya ako kina Migz at Mary. Mas lalo pa siguro kung malalaman niya na gusto akong kausapin ng personal ni Migz dahil sa nalaman niya tungkol sa amin ni Mark.

Isang linggo na ang lumipas ay hindi ko pa rin nagagawang reply-an si Migz. Just a few minutes ago, I received another DM from him on my Instagram account.

Nasa airport kami ngayon ng parents ko. We're heading for our flight to Australia. We're gonna be on a vacation trip. Bibisitahin tuloy namin si Ninang Thelma. Isa siya sa mga best friend ni Mommy sa Med School. Last year pa ito plinano ni Mommy pero ngayong sembreak lang natuloy.

Pagkaupo ko sa waiting area ay agad kong binasa 'yong message ni Migz.

Clare, please let's talk.

I closed my eyes tightly. Nagdadalawang isip pa rin ako kung re-reply-an ko ba siya o hindi.

"Clare, i-airplane mode mo na 'yang cellphone mo. Malapit na tayong mag-check in," si Mommy. Naagaw ang atensyon ko dahil dito.

Pinasadahan ko ulit ng tanaw iyong huling message ni Migz sa IG ko. Napabuntong hininga ako bago ko nagawang i-uninstall 'yong Instagram app. Pagkatapos nito ay ni-airplane mode ko na ang aking cellphone.

Kung ano man 'yong tungkol sa aming dalawa ni Migz. I guess I'll just think about it pagbalik namin ng Pilipinas. Ayoko munang mag-overthink. I want to enjoy our family's vacation.

So Into YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon