Mabuti na lang at pag-uwi ko sa bahay ay wala pa ang parents ko. May duty pa kasi sila ngayon sa Sandoval Medical Center. Hindi ko alam kung nabalitaan na ba nila ang nangyari kahapon sa school.
Mamayang gabi pa dapat ako pupunta sa bahay nina Mary pero nagdesisyon na akong umalis dahil masyado lang akong mag-o-overthink kapag mags-stay ako nang matagal dito sa bahay.
Natanaw ko si Mary na nag-aabang sa labas ng kanilang gate. Agaw-pansin mula rito sa kalye ang modern design ng two-storey house ng pamilya nila. Mary was busy making hand signal as I parked my car in a corner.
Masigla akong binati ng kaibigan ko pagkababa ko ng sasakyan. "I'm so glad that you came, Bessy!"
Isang mahigpit na yakap ang kaagad niyang iginawad sa akin. Mary looked fresh on her striped red, white and black scoop dress. Medyo basa pa 'yong mahaba niyang buhok; mukhang kakatapos lang niyang mag-shower.
"Our maids are busy cooking pasta and fried chicken. Iyong barbecue mamaya na lang natin ihawin sa pool area," aniya pa. Habang papasok kami sa loob ng kanilang bahay ay natanaw ko ang swimming pool nila sa may gawing likod.
"I know you've been through a lot of bullying yesterday kaya akala ko ay hindi ka na makakapunta. You off your phone this morning. We want to show you the harsh messages that students were throwing at you on different FB Pages." Inilabas ni Mary ang cellphone niya upang ipakita 'yong mga post na tinutukoy niya.
Agad ko itong pinasadahan ng basa. Ang ilang doon ay nabasa na rin namin ni Jane kagabi.
"I already read some of these last night. Hindi ko naman hawak ang isip nila para huwag sila gumawa ng mga ganitong comment. Pero sana lang iwasan nilang magsalita ng masasakit," emosyonal kong saad. Panay ang paghimas ni Mary sa aking likod.
She held my chin lightly "Bessy, we're just here for you. Just don't mind those people." I could feel her sincerity though there's something that's bothering me.
"Thank you again for turning down Migz proposal." Napababa ako bigla ng tingin. Sumagi kasi sa isip ko 'yong mga ipinayo sa akin ng pinsan kong si Jane. Kung totoong kaibigan daw ang turing sa akin ni Mary ay hindi niya gagamiting basehan ng pagkakaibigan namin si Migz.
Mary continued, "I know you don't like him. Still, I felt relieve. I'm sorry din kung pinag-isipan kita ng kung ano dati. Pero dahil sa ginawa mo pinatunayan mo sa akin na isa kang totoong kaibigan. Nandito lang ako palagi." Niyakap na naman niya ako nang mahigpit.
Nag-enjoy naman ako sa pool party ni Mary. We drunk and had fun the whole night. But Jane's advices kept on echoing. It makes me questions Mary's real intentions.
It was around nine in the morning when I entered our house. Naabutan ko si Mommy sa may sala. Kaagad na naagaw ng presensya ko ang atensyon niya. Seryoso ang aura niyang nakatuon sa akin.
Ibinaba ko muna 'yong backpack ko. Lalapit na sana ako sa kanya upang makipagbeso ngunit napatigil ako dahil sa biglaang pagsigaw niya.
"Is that true, Clare?" Napapitlag ako sa malakas na intensidad ng boses ni Mommy. Magkasalubong ang magkabila niyang kilay at galit akong tinanaw.
In addition to that, Mommy called me by my first name-which only means that I am now in big trouble!
"Totoo bang ipinahiya mo si Migz?" Napaawang ang bibig ko.
"You rejected Migz in front of many students?" Nakakunot ang noo ni Mommy habang nakatiim bagang.
"Ma, let me explain!" Nahihirapan kong wika.
"Sobrang nagulat ako sa ginawa ni Migz. Hindi ko 'yon inexpect!" Mabuti na lang at bahagyang kumalma naman si Mommy.
"Kaya siguro gano'n 'yong naging reaction ko sa kanya. Halong gulat at pagtataka 'yon, Ma!" My mother stared at me with full curiousity.
"I knew him since we were kids and you knew how we fought! Para kaming aso't pusa, Ma! Never in my wildest dream have I ever imagined that Migz will court me." pagpapatuloy ko pa. Mataman lang na nakikinig si Mommy sa tabi ko.
"Napakarami niyang dine-date sa loob at labas ng Montreal University. Sa tingin mo Ma, maiisip ko pa na liligawan niya 'ko? Sa dami ng babae Ma, bakit sa akin siya nag- propose?"
Hindi ko namamalayan ang unti-unting pagpatak ng mga luha sa aking magkabilang mga mata.
"Sobrang nakakabigla ng mga pangyayari, Ma. Susulpot na lang siyang bigla sa school na may dalang bouquet at stuff toys. May balloons, may tarpaulin, then sasabihin niya na gusto niya akong ligawan. My God, Ma! He should have done it discreetly!"
Sa pagkakataong ito ramdam kong nakukuha na ni Mommy ang ipinupunto ko. Nakikita ko sa mga mata niya na naiintindihan na niya kung gaano rin kahirap sa akin ang naging sitwasyon naming dalawa ni Migz. My tears kept on cascading down my cheeks."He should have done it discreetly, so I can turn him down discreetly!"
Mabilis na kumuha ng tissue si Mommy mula sa side table at tinulungan akong punasan ang aking mga luha. Nag-utos rin siya sa isang maids namin na hatiran ako ng isang baso ng tubig.
"I'm sorry if I disappoint you, Mommy but Migz proposal caught me off guard." I continue to explain.
She kept on nodding while gently caressing my face.
"Hija, I'm sorry if I overreact," ani Mommy sa mahinahon ng tono.
"Close family friends natin ang mga magulang ni Migz. Nahihiya rin ako sa iisipin ng Tita Rhoda mo."
Tinanaw ko si Mommy gamit ang nagsusumamong mga mata.
I understand her point. Sobrang bait ng parents ni Migz sa pamilya namin. Maging ako ay nakakaramdam ng hiya sa kung anong magiging reaksyon nila sa nangyari.
I held my mother's hands tightly.
"Huwag ka pong mag-alala, Ma. Tatawagan ko rin po si Tita Rhoda mamaya para makapag-explain. Sana naman ay hindi sumama ang loob niya sa akin."
***
I called Tita Rhoda last night. Maayos naman ang naging pag-uusap naming dalawa. Iyon nga lang ay ilang araw na raw na hindi lumalabas si Migz ng kwarto niya pagkatapos ng nangyaring proposal niya sa akin sa school.
Pagkatapak pa lang ng mga paa ko sa entrada ng Montreal University ay naagaw ko na agad ang atensyon ng mga estudyanteng naroon. Dimiretso lang ako ng lakad kahit na obvious na obvious naman na ako ang pinagbubulungan nila. Kalat na sa mga soc med account ng school ang picture ko, gayundin 'yong failed proposal ni Migz. Hindi na kataka-taka kung bakit kami ni Migz ang hot topic ngayon sa apat na sulok ng school.
"Hey girl, huwag mo na lang pansinin 'yong mga tsismosa rito sa school." Bati agad sa akin ni Stacey nang maupo ako sa tabi niya. Medyo maaga pa kasi kaya wala pa 'yong ibang kaklase namin rito sa classroom. Alas diyes ang unang klase namin ngayong araw dahil wala 'yong prof namin for first class.
"Ano bang magagawa nila kung ayaw mo naman talaga kay Migz di 'ba?" Tanong pa ni Stacey.
"Nabasa ko sa FB kanina na hindi raw pumasok si Migz ngayong araw. Baka raw hindi niya kinaya 'yong matinding kahihiyan na naranasan niya!" dugtong pa ng kaibigan ko.
BINABASA MO ANG
So Into You
RomanceSimula pagkabata ay may lihim ng pagtingin si Juan Miguel Sandoval kay Clarette Amethyst Fernandez. Migz is two years ahead of Clare sa med school. He is a certified campus heartthrob; running for summa cum laude. Idagdag pa riyan na galing siya sa...